JEROME:Pagdating ko ng bahay ay bumungad saakin si Daddy.
"Ano Jerome hindi mo ba talaga ako pakikinggan?" tanong agad saakin.
Malamang sa malamang, pinapasundan niya kami. Binabatayan niya ang bawat kilos ko.
"Alam kong ayaw mong malaman niya at kung ayaw mo siyang madamay, ngayon palang ay saktan mo na siya para hindi na siya masaktan pag nalaman niya ang totoo."
"Poprotektahan ko siya Dad, minsan niyo na kaming pinaghiwalay at hinding-hindi na ulit mangyayari yun." matapang kung sagot.
"Sige! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, satingin mo ba na kapag nalaman ni Jane na totoo at mga pangyayari noon. Satingin mo ba mamahalin ka pa rin niya?"
Napatahimik ako sa sinabi ni Daddy, alam kong kaya niyang gawin lahat ng mga sinasabi niya. Pero gagawin ko ang lahat.
"Dadating si Steffanie next week. At gusto kong asikasuhin mo siya."
PAagkatapos sabihin ni Daddy yun ay bumalik na siya sa loob ng kwarto niya. Natatakot akong malaman ni Jane ang lahat, natatakot akong pag nalaman niya ay kamuhian niya ako. Gusto kong sabihin sakanya ang lahat pero maling saakin mismo manggaling. Maling ako ang magsabi sakanya, dahil ako ang anak ng taong may malaking kasalanan sa pamilya nila.
Tama na ang desisyon ko noon na lumayo nalang para hindi na siya madamay, pero ako rin pala ang magiging dahilan at para mas malaman niya ang lahat.
"Hayaan muna na lang si Daddy Jerome, alam naman nating nagkakaganyan siya dahil sa pagkawala ni Mommy at dahil na din sa sakit niya." paliwanag ni Lani ang step mother ko.
"Hindi ko malaman ang dahilan niya, at paano mo siya natatagalan sa ganyang ugali niya."
"Sapat ng mahal mo ang isang tao at alam mo kailangan ka niya para wag mo siyang iwan." sagot niya.
Hindi na ako sumagot at naglakad na papuntang kwarto. Isa ko pang malaking problema si Cassandra, paano nalang pag talagang dumating siya. Tsk!
Hindi na maganda ang nangyayari, ayokong maulit nanaman ang nakaraan. Hindi ko na kayang mawala si Jane.
Kinabukasan:
Pagdating ko sa school ay dumiresto na ako sa classroom, hindi ko na rin naitext si Jane.
"Ayan na pala si Jerome eh." turo ni Lester ng makita niya akong papasok ng classroom. "Bakot hindi ata kayo nagsabay ng mahal mo?" dagdag pa niyang tanong.
Natahimik nalang ako at hindi sumagot.
"Kasabay ko si Jane, pinatawag siya sa Principal office dahil may bago daw tayong kaklase." sabat naman ni Mary ang isa sa kaklase namin.
"Kaklase? Uso pa ba yung ang transfer gayong ang tagal na nang mag start ang klase." tanong ni Franz habang nakatingin sa salamin. "If I know mayaman yan, at mukhang binayaran si PrincEPAL." dugtong niya, napatawa naman sila.
Sino naman kaya ang bagong lipat na yun?
"Hey guys!" napabaling ako doon sa nagsalita. Ang pinakamagandang boses sa balat ng lupa. "Si Cass nga pala ang bago nating kaklase." nanlaki ang aking mga mata ng makita ang tibutukoy ni Jane.
Wtf.
"Hi." bati ni franz sakanya na medyo may pagkairita.
"Mahal okay ka lang?" tanong saakin ni Jane, napansin niya ata ang pagkabigla sa mukha ko. "Hindi mo ko tinext. Anyway si Cassandra nga pala." pagpapakilala niya saakin, napailing nalang ako.
Alam kong plano ito ni Daddy lahat.
"Cassandra, i would like you to meet my friends, Si Ella, Lester, at Franz, and Jerome my boyfriend"
""Hi guys." bati naman niya.
Franz:
Pagkakita ko palang sa Cassandra na ito may iba na akong nasisense. Ewan ko pero parang may tinatago siya, para may masama siyang gagawin. Napairap nalang ako ng mag HI siya, halatang plastic siya.
Nandito kami sa canteen ngayon at assual sumama saamin itong plastic na ito, dahil wala pa daw kasi siyang kaibigan. At dahil mabait si Jane ayun pinayagan niya.
"Ano namang naisip mo at bumalik ka ng Pilipinas?" tanong ko sakanya.
"I'm here to be with someone." nakangiti niyang sagot.
"With someone? So asan siya nagdissappear?" sarcastic kong tanong nilakihan naman ako ng mata ni Jane.
"Actually, nung umalis siya ay nagkatampuhan kami at kaya ako bumalik dito para makipagayos sakanya."
"Aaaah anong name niya?" tanong ni Ella. "I mean mukhang super inlove ka sakanya kasi pumunta ka pa dito just to make peace with him."
"For now secret muna guys." sagot pa niya.
If I know takot lang siyang maagaw kung sino man ang lalaking yun, hayaan niya dahil kapag nakilala ko yang sinasabi niya. Aagawin ko talaga siya, ano pa at naging maganda akong dilag ko hindi rin ako makakabingwit ng gwapo at mayaman.
"May napapansin ka ba dun sa Cassandrang yun?" tanong ko kay Ella, papunta kaming Gym ngayon at hindi namin kasama sila Jane.
"Wala naman."
"Napansin ko lang minsan nakatitig siya kay Jane eh." oo kanina habang naguusap at nagkukulitan si Jane at Jerome iba ang tingin niya.
"Malay mo namimiss niya lang yung sinasabi niyang boyfriend niya."
"Nope. I think may something sakanya eh. Ewan ko kung ano pero malalaman ko din yun."
Kanina kasi habang naghaharutan si Jane at Jerome ay parang galit ang tingin ni Cassandra kay Jane, nakaramdam pa nga ako ng kaba, at bago pa niya ako mahuling nakatingin sakanya ay nakita ko pa siyang ngumiti mag isa. May sakit ba siya sa utak?
Malalamin ko din kong ano man ang tinatago ang babaeng yun.
PS: Mukhang may nasesense si Franz.
BINABASA MO ANG
Once upon a love story (Janerome)
FanfictionOnce upon a time you fall inlove. Once upon a time you was hurt. Once upon a time you cryed. Once upon a time you moved on. and Once upon a time you become strong. But Once upon a time his back and Once upon a time you fall inlove again. Sab...