Kaya kong panindigan ang salitang “IKAW LANG”,basta wag mo lang akong tratuhing “WALA LANG”.
Kahit sabihin mo pang matapang at matatag ka , kapag iniwan ka ng taong binigyan mo ng halaga .. Walang duda , HINDI MO KAYA .
Balang araw , sa tamang panahon .. May isang taong magsasabi sayo kung bakit ka para sa kanya at hindi para sa iba .
Sadyang mahirap lang talagang kalimutan yung mga taong nagbibigay sayo ng magagandang alaala.
Yung taong tunay na nagmamahal sayo ay magagalit sa maraming bagay na ginagawa mo pero hinding hindi ka niya iiwan dahil lang don.
Minsan mahirap ding maging masaya, kasi sa bawat sandaling sumasaya ka, alam mong bukas o makalawa may mangyayaring hindi mo inaasahan para masaktan at lumuha ka.
Mahirap daw magmahal ng di mo madalas nakakasama ,
mahirap nga ba ?
Para sakin hindi dahil ang tunay na pag-ibig ay wala sa dalas ng pagkikita at layo ng distansya ..
Ito ay nasa TIWALA at PAG-UNAWA .Di mo kailangan baguhin ang ugali mo para sakanya o dahil sa gusto nya. Dapat tanggapin nya kung sino ka dahil mahal ka niya.
Aaminin ko sayo, nung nakilala kita may mahal akong iba. Tulad mo hindi rin siya maalis sa isip ko. Pero wag mo isipin na minahal kita para makalimutan siya, kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka.
Ang mga babae isnabera yan sa una lalo pa kung di ka niya kilala. Pinakaunang huhusgahan nila ay ang inyong panlabas na anyo. Kung pano ka manamit, kung paano ka gumalaw, kung paano mag-ayos, etc. Pero kapag nakilala ka na niya… kahit isang daang tao pa ang manira sayo, handa silang ipagtanggol ka. Samantala ang mga lalaki, sa una sila malambing, gagawin ang lahat para mapansin. Papatawanin ka.. pasasayahin at susurpresahin ka nila na halos ayaw mo ng lumipas ang bawat sandali. Di man sa linalahat ko, pero karamihan sa mga lalaki habang tumatagal ang relasyon,mas nagsasawa, samantala ang mga babae mas nagmamahal.. mas napapalapit… at mas nasasanay. Kaya pagdating sa break up ang babae ang mas nasasaktan.
Kung magpapakatanga ka lang din, dun nalang sa taong mahal ka. Hndi sa taong mahal mo nga, wala namang ibang ginawa kundi ang saktan ka.
hindi ako naniniwala na may matatalinong tao na mas nakahihigit sa iba. Dahil minsan,kahit anong talino mo pa,.may isang taong darating sa buhay mo na kayang-kaya kang gawing tanga.
Minsan kailangan mong dumistansya at iwasang magparamdam para makita mo kung sino yung hahanapin ka at kung sino yung hahayaan ka
may mga relasyong gusto mo ng tapusin pero
hindi mo alam kung paano mo sasabihin
meron namang tapos na pero hindi kapa handang tanggapinSa buhay marerealize natin na may dahilan Kung bakit mo nakilala ang isang tao. Yung iba dumarating para subukan ka, yung iba para gamitin ka, yung iba para turuan ka at yung iba dumarating para malaman Kung sino ka talaga. Meron mang iba na para saktan ka atleast natuto ka! Kalimutan mo yung taong hindi ka itinuring ng tama, dun ka nalang sa mga taong minamahal ka at sa mga taong nakikita kung gaano ka kahalaga.
Kung wala kang maisip na iregalo sa taong mahal mo Halikan mo na lang. ?tapos sabihin mo .. “Kung ayaw mo, ibalik mo na lang.
If I get takot, would you hawak me tight? If I gawa something mali, would you make it right? If I build an apoy, would you bantay the flame? If I sabi I miss you, would you ramdam the same?
********** * “Kung araw-araw ko ba namang makikita pag mumukha mo… Eh di sana… Wala ng malungkot na araw ang dadaan sa buhay ko.”
********** * Naranasan mo na ba makipag-inuman sa mahal mo? Yung tipong nalalasing ka na tapos napayakap ka sa kanya At bumulong sya sa yo..”mahal kita…” nagulat k at nagtanong .. “ano?”sumigaw sya .. “tagay mo na!” **********
* Ang PAG-IBIG ay parang utot. Kahit anong gawin ay napakahirap itago At pag-ibinuga mo ang kimkim na damdamin, maaamoy ng lahat kahit hind ka man umamin! hehehe
* Sana naging damit na lang ako… Para kahit minsan.. i-try mo kung bagay ako sayo Chocolate sana yung bibilhin ko, Kaso, naisip kita, nagpaload nalang ako.. alam mo kung bakit? chocolate lang naman yun eh MAS SWEET ka pa dun !
Kung ayaw mong mainlove ng todo Ay huwag mo ng susubukang tingnan pa ako, dahil baka mabaliw ka ng husto!!
“Yoyo ka ba? Kasi kahit anong gawin kong pagtapon sayo, Bumabalik ka parin sa puso ko”
* Dahan-dahan ka sa pagpiLi ng MAMAHALIN mO .. Baka kasi MALAGPASAN mO akO!
Nagalit sa ‘kin si Lord..sabi nya.. ‘anak,kung san san ka angpupunta’ tapos,nakita nyang kasama kita.. ‘o,ba’t ka kasi lumapit dyan?’ sabi ko.. ‘Lord,sorry..kala ko kasi langit e’
bkit ang tao pag love mo, iiwan ka. pag nmn iniwan mo ma2halin k.pag love mo ciang tlga,may love nmng iba bkt gnun,magulo? tulad mo–
kunwari, masya ako…kunwari, ok ako…kunwari, wla akong problma…kumwari, nsa langit ako… ok lng ba kong icpin kng kunwari mhal m ko? kunwari lng nmn eh
When you run I chased you You told me to stop following you, When I stopped, you got mad! Aminin mo na…IN LOVE ka rin sa akin ‘no?
Naging tau nong wla na kau.. Sbi mo minahal mo sya pro mas minahal mo ko… Masaya pa nga tau d ba!!! Ngayon bumabalik sya iniwan mo ko… Ngayon pa! Na d ko na kayang mawala ka…
Lam mO hrap pag nwala ung mhal mo.. nakakalungkot, masakit,nakakamiss.. bkt ganun noh? Pgkatapos ng saya ddting din ung time na iiwan ka nia.. dun pa sa part na sobrang mahal mo na siya..
Kala ko dati malas ako.. kala ko pinagtripan ako ng mundo tapos napatingin ako sau tpos napangiti.. bkt? Kc kahit gano ako kamalas.. bawing bawi naman dhl sau!
Nung gabing un.. halos tumulo luha ko dhl skng nadarama.. nang iyong cnb “ayoko na..” masakit man icpin pro kelangan tanggapin.. hindi nmn hbang buhay kang AKIN.. =(
Iniwan kita d dhl ayoko na, d rin dhl meron akong iba, d dhl suko n ko at d rn dhl nkkpgod na.. gus2 ko lng hanapin m ang pagmamahal ko.. kc pag nasayo.. winawala mo..
Impt p b ako sau? Kc d ka na tulad ng dati.. ung swit, thoughtful, at lagi akong naaalala.. teka.. ibahin ko nlng tanong ko.. mhl m p ba ako?
Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?
Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.
pagmamahal daw ay parang laruan. Kapag bago pa lang, mahal na mahal at haLos ayaw ipahiram sa iba, ayaw pahawakan at ayaw pakawalan. Pero ang masama, iniingatan nga, paulit-ulit namang pinaglalaruan
If you feel so sad, lean on my shoulder. If you want to cry, eto panyo. Pero pag di mo na kaya, yakap na lang kita. Para feel mo, hindi ka nag-iisa. Nandito lang me lagi just 4u!
Kapag dumating ang araw na ayaw mo na sakin, sabihin mo lang! Kaya kitang pakawalan. Tatanggapin ko kung yun rin lang. Pero sana hayaan mong yakapin kita habang sinasabi, “Sakin ka babalik, ha. Pag iniwan ka na niya.”
You know I like you. I even care for you. Sometimes I even think you’re more than just a friend knowing na iba na ang nararamdaman ko para sayo. What if mahalin kaya kita? Wag na lang siguro. Di yata masayang magmahal mag-isa!
Nanaginip ako kagabi. Kasama daw kita. Ang saya ko nga kasi sabay daw tayong kumain tapos nagkwentuhan pa. Maya-maya, dumaan siya. Sinundan mo at naiwan ako. Hanggang sa panaginip ko ba naman siya pa rin ang mahal mo?
Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.
Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.