naka bihis na ako dapat maganda ako dapat mabango at kagabi pa ako praktis nang praktis nang speech para sa mga magulang nya oh my goosh... makikita ko na ang mama at papa nya ^_^ makakapunta narin ako sa bahay nila :) pero pano pag ayaw nila sakin? Pano pag ayaw nila ang pananamit ko o ang pag sasalita ko o pano pag ayaw nila sakin dahil hindi ako katulad nila na sobrang yaman? :(
"look Alysa wala kang dapat ikahiya ok .. katabi mo naman ako pag kausap mo ang mga magulang ko .. and I know na pag kaharap mona sila siguradong magugustuhan ka nila .."
biglang nag sink in yung sinabi ni Ivan sakin..
"ok Alysa.. relax kalang.. enhale ...... exhale...enhale...exhale..
hay! kaya ko toh!"
tinatapik tapik ko ang mukha ko habang kinakausap ko ang sarili ko..
"hoy Lysa si Ivan nag hihintay na"
time check 8:36 pm...
tumayo ako galing upo sa kama at lumabas na..
pagkalabas ko nakita ko agad si Ivan ...
halatang halata sa mga mata nya na na e-empress sya sa look ko ngayon ^_^ hehe so meaning maganda talaga ako ngayon.. :D
"tayo na"
"huh?"
^_^ natulala sya for the first time..
"ang sabi ko tara na"
"ah.. Ok sige"
para kaming groom and bride habang nag lalakad kami palabas nang apartment..
sobrang saya ko while holding his arms.. Nakaka taba nang puso pag sya ang kasama.. Wala pa naman syang ginagawang nakaka kilig pero kinikilig na ako ^_^..
Pagkadating namin sa labas ay binuksan nya ang pinto nang kotse para pasakayin ako pag katapos ay isinara na nya ang pinto at lumipat na sya sa kabila para patakbuhin na ang sasakyan..
"Ingat kayo ha"
Pa alala ni Cathe.. nag wave ako sa kanya sabay ngiti ko at umalis na kami..
Di ko parin matanggal ang kaba sa dibdib ko di ko ma pigilang mapa buntong hininga..
At dahil napa buntong hininga ako ay tinignan ako ni Ivan at hinawakan nya ang kamay ko . Wala syang words na sinabi pero unti unting nabawasan ang kaba ko nang hinawakan nya ang kamay ko..
Ilang minuto lang ay naka abot narin kami sa bahay nila wala akong masabi naka tulala nalang ako nang nakita ko ang malaking gate na kulay gold.. Woow entrance palang toh pero di naman siguro pure gold toh.. :D binuksan nang dalawang kasambahay nila ang gate ipinasok niya ang kotse.. ang laki nang bahay nila at naka uniform lahat ang mga kasambahay nila .. bigla kong tinignan si Ivan nagtaka ako kung bakit dun sa school napaka simple lang nya simple lang ang kanyang pananamit samantalang ang yaman yaman nila...
Bumaba na si Ivan at bubuksan nya sana ang pinto nang kotse para sakin pero ako nalang ang nag bukas..
Agad naman kaming sinalubong nang isang babae..
"Ivan! Honey sya na ba yung sinasabi mong si Alysa Morque?"
Mama nya ata..
"Yes mommy"
Mama nya nga.. kaya pala ubod nang ganda..
"Come. Nag hihintay ang daddy mo sa loob"
Mukhang mabait ang mama nya ah.. :D
BINABASA MO ANG
Unright Love
Teen FictionIsang pagkakamali nga ba ang magmahal sa isang taong pilit na Inilalayo sayo ng panahon? Alam mo nang masasaktan ka pero ipinagpapatuloy mo pa. does a certain person change for the better if they find their the one? or this is just a ridiculous be...