PT. 11

132 43 0
                                    

Elaine's POV

Nakarating kami sa studio paint pub dito sa Rizal na kasama pa rin si Elijah. Tatlo na kami ngayon, counted si Honey. Medyo naiilang ako ng kaunti, at hindi mapangalanan kung bakit hindi ko magawang ituon ang aking atensyon sa mga kasama ko. Ni hindi ako makapag-focus sa usapan namin. Awkward overload talaga ang peg ko now. Hindi ko malaman kung bakit ang lutang ko sobra. This is frustrating me. Like, pwede na bang umuwi? Nagdadalawang isip na ako sa desisyon kong sumama sa road trip na ito. Wala na akong gana. 

"Elaine, ano sa tingin mo dito sa painting ni Vincent Van Gogh?" Napakurap-kurap ako ng hawakan ako ni Elijah sa balikat. "Ayos ka lang ba?" Tanong nito, "Kanina ka pa, nags-space out." May punto naman siya, kahit ako... napapansin ko rin. 

Doon naman sumali si Honey na may nagtatanong na mga mata. Kuryuso din. "Pansin ko nga Elaine, may nakakapagpabagabag ba sa'yo?" Sabi na nga eh, kahit inosenste ang isang 'to. Nangunguryuso pa din. 

Marahan akong umiling na sinabayan ng pag-ngisi, "Wala, uhm... Ayos lang ako, wag niyo nalang pansinin." Liar! Well, may choice ba ako? Kaysa naman sa paga-alahanin ko pa sila hindi ba? Wala namang dahilan ang mga bagay na nagpapagulo sakin. It'll just ruin our trip. Imbes na mag-saya, ma-agrabyado lang sahil sa problema kong wala namang kuwenta. Wala ngang kuwenta, pero ang isip ko hindi magkamayaw sa pag-iisip!

Umarko ang kilay ni Honey, "Sure ka?" Tila hindi naniniwala.

Tumango ako, at parang ewan na ngumiti na naman ulit. "Yup, sure ako. So, ano ba 'yung tinatanong mo sakin Eli?" Short term ko sa name ni Elijah. Konti nalang talaga, pwedeng-pwede na ako sa mental. 

"You do not look fine to me..." It was Elijah.


Hanz's POV

"Babe, look oh! Ang nice ng painting diba?" Kasama ko si Skye ngayon, pero ang isip ko hindi sa kanya nakalaan. Lumilipad ang isip ko sa babaeng gusto kong makasama kanina pa. Sa totoo lang ay hindi ko sinasadya na mauuwi ako sa ganito. I thought, mawawala siya sa isipan ko kapag ka nakipag-relasyon ako sa ibang babae. But it wasn't. 

Skye's hugging my arm. It's frustrating! However, I do not have the moment to be angry. So, I just let her that way... First day naming magkarelasyon tapos pagsususngitan ko? Bad idea.

Mas lalo lang lumala ang situwasyon ko. Habang may kasama akong iba, ang utak ko lumilipad sa kanya. Ang mga mata ko, hinahanap-hanap siya. Ano na ba itong nangyari sakin? Hindi naman ako ganito kapag hindi ko siya kasama noon. I've been feeling comfortable kapag wala siya, pero iba ngayon... Why couldn't I settle my mind at tumigil na sa pag-iisip patungkol sa kanya?

"Babe!"

Tinulak na niya ako palayo. Sinabi na niya sakin na ayaw niya sakin, at nandidiri siya sakin. She already told me the worst! Pero bakit hindi ko pa din siya magawang tantanan? Nagugulohan ako...

"Hello earth to my baby?" Napapitlag ako mula sa pagiisip, nang may bagay na humilig sa aking dibdib. 

"Skye!" Halos mapahiyaw ako sa gulat nang matagpoan ang dibdib niya na isinisiksik sa akin. 

Bumungad sakin ang nakasimangot niyang mukha, "You know, kanina pa ako salita ng salita dito. But you're not listening naman pala." Nagtatampo niyang usal. Hinilot-hilot ko ang aking sintido bilang palusot. 

"I'm sorry," Pagpapaumanhin ko na rin sa kanya. "Wala lang ako sa mood magliwaliw ngayon." Dagdag ko. 

Lumayo siya sakin at pinamewangan ako. "Ano na ang gagawin natin kung ganun?" Skye's a beauty. Pero hindi hamak na may taong mas maganda pa sa kanya at karibal sa aking paningin. Sexy din siya, may tamang kurba ng katawan, Heartshape face, attractive eyes, thin line brows, pointed noise and a bluish eyes, which every men can drool of. Kaya hindi na ako magugulat kung sasabihin ni Zach at ng iba na maswerte ako kay Skye at naging girlfriend ko siya. But that wasn't the case to me...

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon