Author's Note: Good day everyone! Sana masaya kayo ngayon at sa susunod na araw.
Ang ibang line po rito ay galing sa kantang "Ilang tulog nalang by Ben&Ben".
And this is my first story at hanggang short story muna ako dahil wala pa akong kakayahan para magsulat nang mahabang kwento.
Sana magustuhan niyo ;).
***
"Why are you crying?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at napaiyak ulit, naramdaman kong hinaplos niya ang aking likod.
"Shh. Don't cry." pagpapatahan niya habang hinahaplos ang aking likod.
Kalawakan ko ang 'yong kamay.
"Si daddy kasi" umiiyak na sabi ko, hinawakan niya ang aking pisngi at pinunasan ang mga luhang sunod-sunod na bumubuhos sa pisngi ko.
"Kwento mo, makikinig ako." sabi niya habang nakangiti sa akin.
Ikaw ang aking katahimikan kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan.
At nagsimula na akong magkwento sa kaniya ng problema.
~
Simula bata kami ay lagi kaming magkasama, naging magkaklase kami at hindi ko inaakala na siya na yung makakasama ko hanggang sa maghighschool ako.
Siya 'yung lagi kong napagkwekwentuhan ng mga problema ko, siya 'yung laging nandyan kapag may problema ako. Tuwing masaya ako, malungkot o kung ano mang emosyon nandyan siya para sa akin. Hindi niya ako nagagawang iwanan, sa tuwing may gusto akong gawin o ano man ay lagi siyang nandyan para suportahan ako. Minsan nga napagkakamalan pa kaming magjowa netong kaibigan ko na si Jayden.
Siya lang yung nakakaintindi sa akin, siya lang yung nagagawa akong intindihin. 'Yung ibang tao iiwan na agad ako kapag pinakita ko yung ibang ugali ko pero siya, kahit ipakita ko na yung bad side ko, nandyan parin siya para sa akin. Halos lahat na yata ng ugali ko ay naipakita ko na sa kaniya pero nandyan parin siya para sa akin.
Ang 'yong bisig ang sandalan kapag nangangawit na ang walang hintong isipan.
Kahit ilang beses ko siyang i-block sa facebook, kahit ilang beses ko siyang ipagtabuyan at kahit ilang beses kong sinubukang lumayo sa kaniya, siya parin yung binabalik-balikan ko. Kahit ilang beses ko siyang iwan, lagi niya parin akong tatanggapin at pipiliin.
Hindi ko nga alam kung magkaibigan pa ba kami o magjowa na sa inaakto namin minsan sa isa't isa, niligawan niya rin ako at nililigawan parin hanggang ngayon.
Hihintayin niya raw ako.
Hihintayin niya ako hanggang sa maging legal na ang age ko.
Kahit na nililigawan niya ako ay magkaibigan parin ang turingan namin. Magkaibigan.
~
"Kailan ba kayo aalis sa step-dad mo?" tanong niya sa akin, nagkibit-balikat lang ako.
Hindi ko rin alam kung kailan kami aalis sa step-father ko, hindi ko alam kung ano ang plano nila mama. Hindi naman nila tinatanong ang gusto kong mangyari. Kung tatanungin man nila kung ano 'yung gusto kong mangyari, desisyon parin nila 'yung masusunod kasi anak lang ako at magulang sila.
Araw-araw may problemang dumarating sa amin, hindi kami nauubusan ng problema. Araw-araw din akong umiiyak dahil sa lecheng problema na 'yan.
Lagi kong hinihiling na sana mawala na 'yang problema pero wala namang nangyayari, lalo lang nadadagdagan. Mas lalo lang akong nalulungkot at minsan sumasagi sa isip ko na magpakamatay.
BINABASA MO ANG
Paano Naman Ako?
Short StoryNaghintay sa wala. Umasa sa wala at nasaktan sa wala namang kadahilanan. Start: February 17, 2019 End: February 18, 2019 Edited: March 09, 2022