Kabanata 1 - May 22, 2021

348 13 0
                                    

Mag-aalas otso y media na nang marating ng sinasakyang bus ni Ana ang terminal. Sabado naman ngayon, ngunit wala ni isang tricycle ang nakapila sa terminal dahilan para maghintay pa ang dalaga ng ilang minuto.

Hindi naman siya nagmamadali pero dahil hindi siya nakapag-agahan kanina, panay ang tingin niya sa kaliwa't kanan. Ang nasa isip kasi niya'y baka makapag-agahan pa siya kasama ang nakababatang kapatid na ngayong araw mismo ang ika-anim na kaarawan.

Naalala pa niya na hindi siya naka-attend sa nakaraang birthday nito dahil sa biglaang pag-iba ng buwan ng kanilang klase ng unang taon niya sa kolehiyo. Imbes kasi na matapos ang kanilang school year sa Abril ay biglang nailipat ito sa Mayo. Kaya ang nagawa lamang ni Ana ay padalhan ang kapatid ng regalo, imbes na masamahan niya ito.

Biglang natigil ang pag-iisip ng dalaga nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Good morning dear, are you near the village already?" mahinang tanong ng ina ng dalaga.

"Yes, mom. I'm already in the terminal, but it looks I'll have to wait a little longer... It looks like there's not that much tricycle here," agad na sagot ni Ana habang panay pa rin ang tingin sa mga nagdaraang sasakyan, umaasang may isang walang laman.

"I-is that so? Why no take your time dear? Don't you have any other places to visit before you go here?" mahina pa ring tanong ng ginang.

"Is there something wrong, mom? Do you want me to buy something?" tanong naman ng dalaga. Sobrang hina kasi ng boses ng ina. Ang nasa isip niya'y baka may kulang sa mga inihanda nito o baka may gustong ipabili para sa kanyang bunso.

"N-no, nothing actually, dear. I-I just thought of why not take your time, you know, look at the places in the city central, maybe you have something to buy."

"Come on, mom. You know I'm only here for my brother's birthday. And besides, there's not much to do here." Magsasalita pa sana si Ana, ngunit may dumating na tricycle. "I have to go, mom. See you."

"An—"

Nang maayos na nakaupo na ang dalaga sa harapan ng tricycle ay inilagay na nito ang cellphone sa kanyang bag na nakapatong sa kanyang hita. Napangiti siya sa nang maalala na nasa loob nito ang kanyang regalo sa bunsong si Ford. Naalala pa niya ang pagmamakaawa nito sa kanya na bumalik sa kanila noong nakaraang taon, sa araw din ng birthday nito na hindi niya nasipot.

"I wish you were here, ate. Dad bought me another car. And mommy, she bought me this!" masayang sabi pa nito na may plano yatang ipakita sa kanya ang mga regalo ng kanilang magulang nang maalala nitong phone call lang pala ang ginagawa nila. "Ay! You can't see me pala."

Naging masaya naman ang unang parte ng pag-uusap nila ng pagkakataong 'yon, ngunit katulad ng dati, lagi itong nagtatapos sa malungkot na tanong.

"Ate, when will you come back here?"

Mapait na ngiti na lamang ang naisagot ng dalaga. Kung gaano siya ka-miss ng kapatid, ganoon din niya kagustong makita itong muli. Ito na lamang ang nagpapabalik sa kanya sa bahay na iyon.

"Don't worry, bunso. I'll be on your birthday."

"Why only on my birthday? Why can't you just stay here, like forever?"

Hindi man niya nakikita ang mukha nito pero alam niyang nalulungkot ito ngayon. "I have a class pa kasi, bunso," pagsisinungaling niya sabay layo ng cellphone mula sa kanyang kaliwang taenga para hindi nito marinig ang kanyang pagluha.

Ilang segundo pa'y tinapos na niya ang tawag at pinangakuan na lamang ito. "I'll be there on your next birthday, I promise. And I'll bring you a gift."

Pamilya PerfectoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon