Siya naman ngayon ang nakaupo sa malaking upuan sa sala, hinihintay ang pagbaba ng kanyang ina mula sa kwarto nito sa ikalawang palapag. Kanina pa niya kinakalikot ang mga magazines na nasa kaharap na mesa, ngunit kahit anong tingin niya sa mga pahina nito wala pa ring pumupukaw sa kanyang atensyon para naman hindi siya kabahan sa maaaring gawin ng kanyang ina sa kanya.
Bumabalik pa rin sa kanyang isip ang mukha nito nang magtama ang mga mata nila. Sobrang pula ng mukha nito at nag-aalab ang mga mata. Nakakuyom din ang dalawang kamay, kahit ang isa na nakahawak sa cellphone nito.
"What the— Go sit in the sala!" bulyaw nito sa kanya at walang ano-ano'y umupo siya sa malaking sofa na inuupuan niya ngayon.
Sa ilang minutong pag-upo niya rito at kahit sa ilang beses na pagtingin niya sa mga magazines ay mas nanaig ang mga tanong sa kanyang isipan sa kung ano ang gagawin sa kanya ng kanyang ina... at kung sino ang kinakausap nito ngayon at kung ano naman ang pinag-uusapan nila.
Hindi niya mawari kung bakit gustong-gusto niyang malaman ang nasa huli, ngunit parang importante ito para sa kanya. Dahil ba sa sobra na lang ang galit ng kanyang ina kaya gusto niyang malaman kung ano ang dahilan nito? Hindi niya rin mawari. Ang alam lang niya'y kahit may kaunti siyang takot na nararamdaman, mas nananaig pa rin ang kanyang kagustuhang malaman kung sino at ano ang dahilan ng galit ng ina.
Hindi naman ito bago sa kanya. Maraming beses na niyang nakitang magalit ang ina: sa kanya, sa mga maid at mga nagtatrabaho sa kanila, sa mga amega nito, at lalong-lalo na sa kanyang ama. Ngunit parang mas malala pa ito ngayon, at ramdam niyang may kinalaman ito sa kanya.
"Is it because of the—" Napatigil siya sa pagsasalita nang makarinig siya ng paghakbang mula sa itaas ng mansyon. Hindi niya mapigilang mapalunok.
Sa bawat paghakbang ng ina ay para yatang mas lalong bumabagal ang oras. Hindi niya mawari kung bumabagal ba talaga ito o nararamdaman lang niya ito dahil sa kaba. "I'm really going to be dead."
Isa. Dalawa. Tatlo... At nakita na nga niya ang mukha ng ina. Nakangiti itong nakatingin sa kanya— Hindi! Nakatingin ito sa mga amega nito sa labas, pagkatapos ay kumaway.
Muli siyang napalunok. Alam na niya ang ginagawa nito. Nakita na niya ito noon ng ilang beses, ngunit kahit kailan ay hindi siya naging handa. "I'm really going to be dead," pag-uulit niya sa kanyang isip.
"Don't slouch!" bulyaw sa kanya ni Martha ng mapaupo ito, at may pwersang itinuwid pa ang kanyang likod.
"Sorry, mom," mahina niyang sabi kahit medyo masakit ang pagkakahawak nito sa kanya.
Ang kaninang nasa isip niya ay agad-agad siya nitong sisigawan nang sisigawan hanggang matapos ito, ngunit parang wala ito sa plano nito. Makikita pa rin ang galit sa mga mata nito pero nararamdaman niyang may iniisip itong ibang bagay.
Gusto man niyang tanungin kung pwede na ba siyang kumain ay hindi na niya tinuloy, takot lang niyang sigawan siya nito nang sigawan. Kaya nakaupo lang siya sa tabi nito habang nakatingin ito sa mga magazines na binuklat niya kanina.
"I want you to listen to me, Ana," pagbasag nito sa katahimikan. Napatingin naman siya rito, ngunit hindi nagsalita. "And do as I say."
Tumango-tango siya bilang pagtugon, kahit medyo kinakabahan sa maaaring sabihin nito.
"Your father and I talked about..." Tumigil pa ang kanyang ina at huminga nang malalim. "We talked about your step-brother. He's going to live with us."
Napaawang ang kanyang bibig sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi niya rin mawari kung ano ang dapat maramdaman.
Alam niya ang tungkol dito... alam ng lahat ang tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Pamilya Perfecto
Misterio / Suspenso"Sa pagbabalik ni Ana sa kanilang mansyon, nagbalik din ang kanyang kinakapatid sa ama, ngunit hindi sa dahilang inaasahan niya..." Perpekto ang pamilya ni Ana Santiago. Maraming negosyo at ari-arian ang kanyang ama, at ang ina naman niya'y dating k...