Isang taon na mula nang dumating si Oliver sa buhay nila, at katulad nga ng kinakatakutan niya, pinakita nga ng kanyang ina ang totoong kulay nito sa kanya. Mabuti ang pakikitungo nito sa tuwing nasa mansyon ang kanyang ama, na kung susumahin ay hindi hihigit sa limang araw sa isang buwan, ngunit kapag wala ang ama ay inaalila ito ng ina. Hindi ito kailanman itinuring na kanyang anak, kundi isang palamunin. Isang malaking palamunin.
At ngayon, nabuntis nga ang kanyang ina, may bago na siyang kapatid, ngunit sa naging pakikitungo nito sa kanya at kay Oliver ay hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot.
Sa loob ng isang taon, si Oliver ang naging karamay niya at siya naman rito. Dahil kahit anak pa siya ni Martha, ang dakila niyang ina, walang kapantay ang pagmamahal nito sa kanyang sarili kaysa sa kanila.
"Now, you'll have a party? Plastic." Hindi niya mapigilang sabihin nang hindi niya na kaya ang mga tunog mula sa labas ng kanyang kwarto. Kanina pa itong umaga nagsimula, at kahit ngayong alas tres na ay hindi pa rin natatapos.
Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakahiga at dire-diretsong binuksan ang pinto. Muntik pa siyang mapasigaw nang sa kanyang pagbukas ay mas lalong umingay ang buong paligid. Tama nga ang kanyang hinala; nagmula ang tunog sa loob at labas ng mansyon. Pati nga ang guest room na nasa tabi lang ng kanyang kwarto ay umaalingawngaw din sa ingay. Ang pagkakaalam niya ay ito na ang bagong kwarto ng bago niyang kapatid... na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung babae ba o lalaki dahil ngayon lang din daw malalaman ng kanyang mga magulang.
"Pathetic," iritableng saad niya. Imposible namang walang alam ang kanyang mga magulang sa kasarian ng kanyang kapatid. Sa pagkakaalala niya sa kanyang ina, ayaw na ayaw nito ng pinagtataguan ng sekreto. Tsismis nga ng mga kilalang artista, alam nito, lalo na kaya ang tungkol sa kanyang magiging kapatid.
Hindi na lamang siya naglagi pa sa ikalawang palapag ng mansyon at direktang bumaba papunta sa sala kung nasaan nakalagi ang kwarto ni Oliver. Isang linggo lang pagkatapos ng pag-transfer nito sa kanyang eskwelahan ay hindi na ito pinatulog sa guest room, kung hindi sa maid's room. Ang sabi ng ina ay pinaganda na naman daw niya ang kwarto kaya ayos lang na doon na matulog si Oliver. At saka 'wag na daw nilang problemahin ang kwarto ng mga katulong dahil mayroon naman silang kwarto sa likod ng mansyon kung nasaan nakatayo ang isang maliit na bahay na pinaglalagyan ng mga hindi na ginagamit na mga bagay ng ama.
"Bullshit." Hindi pa rin mawala sa isip niya ang salitang sinabi niya kay Oliver nang pinapasok siya nito sa bagong kwarto nito. Ni wala ngang pinagbago ang kwartong ito mula nang huli niya itong makita noong mismong gabing dumating si Oliver at nag-iiiyak ang maid na mula sa gabing 'yon ay hindi na ulit pinagtrabaho ng ina sa mansyon.
Ngayon, wala na naman sa kwarto nito si Oliver. Hindi niya mawari kung dapat ba siyang magalit sa sarili o hindi. Isa lang naman ang dahilan kung bakit wala ito sa kwarto nito. Ang kanyang ina. Na ngayon ay hindi niya rin mahagilap kung saan.
Plano rin niya sanang umupo muna sa sala para panoorin ang pinaggagawa ng mga binayaran ng ina para sa decorations, ngunit hindi na niya kaya ang mga ingay na pinaggagawa ng mga ito.
"Okay, now where really is he?" tanong pa niya at akmang aalis na sana sa sala nang mabangga ang ina.
"Dios mio!" Napalunok siya nang marinig ang boses ng ina. "Be careful, you brat!"
Lumayo-layo pa siya para hindi maabot ng mga kamay nito, kitang-kita sa mukha ang takot at pagkabigla. "S-sorry, mom."
"Yes, of course, you should say sorry! You're lucky this is not what I'm wearing later!"
Ramdam niya ang mga tinginan nang mga nagsisipasok at labas ng mansyon, rinig na rinig ang bawat bulyaw ng ina. Napayuko na lamang siya at hindi na nagsalita pa.
"And where is that stupid child, aber?!"
Ibinaling niya ulit ang tingin sa ina na ngayo'y pulang-pula na ang mukha sa galit, ngunit kahit siya ay hindi alam kung nasaan ang kinakapatid sa oras na ito.
"I-I don't know po," pilit niyang sagot at ibinaling ang tingin sa labas ng mansyon kung saan patuloy pa rin ang pag-aayos ng mga decorations.
"Then, you should—" Nang mapatingin siya sa lalaking naglalakad papunta sa kanilang kinatatayuan ay napatingin na rin ang ina. "And there you are! Where have you been? Playing?! At this time?! Aren't you too old for that..."
May iba pang sinabi ang ina, ngunit hindi na lamang niya ito pinakinggan. Pilit na nginitian niya si Oliver na may hawak ngayong maruming timba. Ang kanyang hinuha ay inutusan ito ng ina na magtrabaho sa hardin sa likod ng bahay, na siya namang ngayong pinagsasabihan niya na animo'y hindi niya alam kung nasaan ito at kung bakit ito naroon.
"Entiendes?" Ito ang huli niyang narinig mula sa ginang at umalis na ito papunta sa labas ng mansyon, hindi na hinintay kung sasagot ba sila o hindi.
"Entiendes?" tanong niya sa kanyang katabi gamit ang boses ng kanyang ina. Matawa-tawa pa siya sa ginawa, ngunit parang hindi yata siya narinig ni Oliver.
Ibinaling niya ang tingin sa kinakapatid at napansin niya na seryoso ang mukha nito. May iniisip, hinuha niya. "What are you thinking?" itatanong niya sana nang humarap ito at inunahan siya sa pagsasalita.
"Iyong kwentas, sa mama mo ba 'yon?" Hindi maipinta ang emosyon sa mukha nito. Hindi niya mawari kung nagtatanong ito, namomroblema, o baka kaya ay iba.
"Kwintas? May kwintas bang suot si mama kanina?" Kunot-noo naman siya ngayon sa pag-iisip kung may kwintas ba ito nang magkaharap sila.
"Oo. Jade." Hindi bakas sa mukha nito ang pagkikwestyon. Ramdam niyang iba ang pinahihiwatig nito.
"H-ha?"
"Jade."
Mahihiya pa sana siya dahil sa kakaibang tingin ng kapatid... nang mapansin niyang hindi siya ang tinitingnan nito kung hindi ang kanyang ina na ngayon ay nasa labas ng mansyon na kitang-kita mula sa malaking bintana ng sala.
"May jade necklace si mama... na katulad na katulad ng kwintas ni tita."
BINABASA MO ANG
Pamilya Perfecto
Детектив / Триллер"Sa pagbabalik ni Ana sa kanilang mansyon, nagbalik din ang kanyang kinakapatid sa ama, ngunit hindi sa dahilang inaasahan niya..." Perpekto ang pamilya ni Ana Santiago. Maraming negosyo at ari-arian ang kanyang ama, at ang ina naman niya'y dating k...