Kabanata 17 - May 22, 2021

53 3 0
                                    

Dapat siyang magmadali. Dapat siyang mag-isip. Kung hindi pa darating ang ama ay dapat may magawa siya para mapadali ang pagdating nito sa bahay nila. Kung hindi ngayon, kailan? At kung hindi siya, sino?

Kaya walang ano-ano'y nagmadali siyang hawakan ang bangkay ng ina. Hindi na niya ininda pa ang bigat ng katawan at ang sakit na nararamdaman ng kanyang tuhod at mga kamay. Dapat niyang makuha agad ang kanyang cellphone nang hindi napapansin ni Oliver.

"Sana gumana 'to," mahinang saad pa niya sa sarili.

Sa bawat paghakbang ay tinitingnan niya ang lalaki. Diretso pa rin ang tingin nito sa labas at wala yatang planong ilihis ang mga mata rito.

"Ganyan, diretso lang ang tingin," sa isip-isip niya at humakbang malapit sa bag kung nasaan ang kanyang cellphone nang bigla silang nagkatinginan ng lalaki.

Hindi niya inaasahang ibabaling nito ang tingin sa kanya kaya nagpanggap siyang nadudulas. Naihulog pa niya ang katawan ng ina dahilan para magmura na naman ang demonyo.

"Tangina, ano ba?!"

"Sorry."

"Magmadali ka nga, kanina ka pa, a!" muli nitong sigaw na hindi na niya pinsin pa at akmang hiawakan ulit ang bangkay ng ina para hilahin.

Nang maramdamang hindi na ito nakatingin pa sa kanya ay napangiti siya. Hindi niya alam kung ano talaga ang nagpapakabagabag dito at patuloy ito sa pagsiyasat sa nangyayari sa labas ng kanilang mansyon, ngunit nagpapasalamat s'ya.

Ibinaba niya ulit ang bangkay at dali-daling yumuko para hawakan ang zipper ng kanyang bag. Itinalikod pa niya ang sarili para buksan ito at hanapin ang cellphone. "Shit. Ito na!"

Magsasaya pa sana siya nang makita ang mga paa ni Oliver na nasa kanyang harapan. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo at nakita ang namumula at galit nitong mukha.

"Tangina!" sigaw nito sabay hablot ng kanyang bag.

"Ano ba, akin na 'yan!" sabay hila rin niya ng bag.

"Sabi ng akin na!"

Agad-agad niya itong pinakawalan dahilan para matumba ang lalaki. Hindi naman siya nag-atubi pa at agad-agad na tumakbo sa maid's room. Sinarado niya ito at lumayo sa pinto.

"Tangina, lumabas ka d'yan!" sigaw pa nito, ngunit hindi na niya ito pinansin.

Hindi pa man masyadong nakakahinga ng mabuti ay pumwesto siya sa may higaan at dali-dali niyang ini-on ang cellphone. Tinuplok n'ya ang contact list at hinanap ang pangalan ng ama. Nang makita ito ay tinuplok niya ang call icon at hiniling na matapos na ang lahat.

Unang ring. Pangalawang ring. Pangatlo. Hindi pa rin sumasagot ang ama.

"Please," mangiyak-ngiyak niyang sabi nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Oliver. Sinisigaw pa nito ang pangalan niya at inuutasang lumabas na.

"Pa naman." Nagsilabasan na naman ang kanyang mga luha. Nahihirapan na siyang huminga. "Please. Please." Nanginginig na rin ang kanyang mga paa at animo'y nagdidilim na ang kanyang paningin. "Please— Pa! Pa. Pa... "

"Anak, ano'ng nangyayari?! Bakit? Anong nangya—"

"Pa..." Patuloy pa rin ang pagkatok ni Oliver at naririnig niyang mas naging agresibo ito. "Pa, si Oliver. Pa, uwi ka na. Pa..."

"Anak. Anak. Uuwi na 'ko. Just make sure to—"

Bigla siyang nakarinig ng pagkalabog dahilan para maihulog niya ang cellphone. "No!"

"Tangina, Ana. Ano ba?!"

"Nasa'n na 'yon?" patuloy pa ring naglalabasan ang mga luha na nakikipagdwelo na ngayon sa kanyang pawis. Sobrang init ng kwarto at sobrang dilim kaya nahihirapan siya sa pagkapa sa cellphone. "Shit. Nasa'n na?"

Pamilya PerfectoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon