Ewan ko ba na-imagine ko bigla. Hahaha.
‼️ Spoilers ahead. DON'T READ KUNG HINDI MO PA NAPANOOD ANG HULING ULAN SA TAG-ARAW!
✨ Stream it via iamRAD.app or Upstream.PH ✨
A/N: Missing scene bago ang unang gabi nila Luis at Luisa
‼️ MATURE CONTENT. ‼️
——————
"Okay ka na ba?" Tanong ni Luisa agad pagkarating nila sa bahay ni Luis. Buong paglalakad nila patungo sa mansiyon ay mahigpit ang paghawak ni Luis sa kamay niya - aligagang makauwi nga sila agad gaya ng balak niya.
Ilang beses na siyang pinagalitan, sinermonan ni Luis - ngunit yung tagpo kanina ang unang pagkakataon na naramdaman niya na para sa kaniya, personal na sa kaniya lamang ang mensahe nito.
"Sabihan ba naman ako ng 'Akin ka lang!'.
Malapit na matapos ang usapan namin, ni hindi pa nga niya nagagawa iyong angkinin ako. Yun na yun. Yun lang yun. Yung trabahong pinunta ko dito. Naiinip na ako.Mabuti nalang at kahit papaano ay magaling magbayad itong si Luis. May napapala naman ako. Saka aminin ko na rin, minsan lang ako magkaroon ng bata, gwapo at mas karespe-respetado na kliyente. Totoo yung sabi ko na ang bango niya. Amoy baby nga, akmang-akma sa pagka-inosente niya. Tapos yun pa ang ayaw akong i-kama? "
Hindi tumugon si Luis, binitawan lamang nito yung kamay ni Luisa na hawak niya, sinarado ang pinto bago niya isinandal ang ulo doon.
"Luis?" Tinapik ni Luisa ang braso nito upang paharapin muli sa kaniya.
"Sorry. Sorry Luisa, kung nasigawan kita kanina. Hindi ko alam. Wala naman akong karapatang diktahan ka. Sobrang naiinis lang ako. Masaya lang yung barkada kanina pero hindi ko na natiis. Naiinis na ako. Yung galit kong yun, unang beses nangyari sakin iyon." Paliwanag nito.
"Ano bang kinaiinisan mo?" Pag-usisa ni Luisa.
"Sinabi ko na naman kanina diba..." Mahinang sagot ni Luis. Halatang namumula ang pisngi nito.
Alam ni Luisa na hindi dulot ng tama ng alak iyon. Kung hindi nga lang niya pina-shot ng pina-shot kanina ito ay ni hindi ata magagalaw ang baso ni Luis. Ang totoo niyan ay siya pa ang sumasalo ng ibang inumin nito.
Mabilis na tumingala palapit si Luisa kay Luis kaya medyo nahilo ito. Noong okay na siya ay may namuong munting ngiti sa kaniyang labi bago muling magtanong.
"Ha? Ano? Paki-taas po ng volume?"
"Siguro naman tama na yung pagsigaw ko kanina sa ilog? Kailangan ko pa ba ulit-ulitin?" May inis sa tono ni Luis.
"Sabi mo kanina nagseselos ka. Totoo ba?" Mas seryosong tanong.
"Oo. Kasi ako ang kasama mo. Ako ang dahilan bakit ka nandito sa Pagsanjan. Tapos mas kumportable ka sa kanila?"
Naglakad si Luis patungo sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Sinundan naman siya ni Luisa.
"Sa'yo lang ako? Ni-hindi mo pa nga ako nahalikan. Tsss." Taas-kilay na tugon ni Luisa.
"Bakit, yun ba ang sukatan?" Paghamon ni Luis.
"Ay, gusto mo ba ng sukatan?" Nilapitan ni Luisa si Luis at pinagdaop ang kanilang mga noo.
BINABASA MO ANG
How I Met Your Father
FanfictionMissing scenes and or other imagined alternate scenarios of RitKen's movie Huling Ulan Sa Tag-Arww