Mamang bulag, nakita mo ba'ng puso ko?
'Sang taon na mula nang mawala ito
Iyon ay mahina at hindi na buo
Pinaglaruan kasi nung luku-lukoAng tanging pakiusap ko lang sa iyo
Alagaan sana kapag nakita mo
Muli'y buuin at ituring na iyo
At siguruhin na ito'y matututoMamang bingi, narinig mo ba'ng puso ko?
'Sang taon na kasing umiiyak ito
Dumaraing, humihingi ng saklolo
Humihikbi, nagtatanong, gulung-guloAng tanging pakiusap ko lang sa iyo
Boses ay pakinggan kapag narinig mo
Mga problema'y dinggin upang matanto
Poot, pait, galit na itinatagoMamang lumpo, nahabol mo ba'ng puso ko?
'Sang taon na kasing tumatakbo ito
Pilit na tinatakasan ang totoo
Nakakanlong sa sarili nitong mundoAng tanging pakiusap ko lang sa iyo
Ay samahan sana kapag nahabol mo
Makibahagi sa paglalakbay nito
Tamang daan dito ay iyong ituroMamang bulag, nakita mo ba'ng puso ko?
Mamang bingi, narinig mo ba'ng puso ko?
Mamang lumpo, nahabol ko ba'ng puso ko?
Mali yatang umasa sa inyong tatloNgayon, puso kong sugatan ay paano?
Magiging tagapagligtas nito ay sino?
Darating pa ba ang araw na nais ko?
May pag-asa pa nga ba ang aking puso?

BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (Filipino Poetry)
PoetryAng mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang sinasabi ko na Ang mga tulang mababasa mo Ay tagos sa kaluluwa At sagad hanggang buto Nagmamahal, Eve --- Cover image credit: pixgood.com