Chapter 8

47 2 0
                                    

Justin's POV

Ang tagal ko lang na tinititigan 'yong box. Siguro time na para tignan kung anong laman nito. Baka kasi nag-expect lang pala ako ng kung ano-ano, tapos ang ending wala rin. Let's just get this over and done.

Isang flashdrive ang nakita kong laman ng box nang binuksan ko. May maliit na card at may nakalagay na. "I still want to keep this promise." Confirmed, penmanship 'to ni Sassy. Ano naman kaya ang laman nito?

Tsaka ko naalala ang pinangako niya. She composed a song na hindi pa tapos no'ng kami pa at ako ang unang makakarinig sakaling matapos na niya 'yon.

Pumunta ako sa PC ko para iopen ang laman ng flashdrive. May kaunting kaba akong nararamdaman, ewan ko ba.

Tama nga isang mp3 file ang laman. KLWKN? Debut song niya 'to eh. Alam ko na 'to pero iniwasan ko rin kasing makinig. Sa chorus lang ako familiar dahil laging kinakanta ni Josh kapag break time namin sa training.

Pinakinggan ko 'yon ng buo at para akong bumalik sa nakaraan. Kung kailan sinabi niyang nahuhulog na rin siya, kung kailan niya ako sinagot saksi ang buwan at mga bituin sa kalawakan.

Sayang, nasisisi akong hindi ko 'to pinansin noon. Ako dapat unang nakarinig dahil para sa'kin 'to. Naiintidihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. May pag-asa pa ba para sa'ming dalawa? Pero komplikado na ang sitwasyon ngayon.

"Oh, anak ano 'yan? Naglilinis ka?" Si Mama, pumasok sa kwarto.

"Ah, opo, Ma." Sagot ko naman.

"Ganda ng boses niya, 'no?" Sabi naman ni Mama. Narinig niya pala. Baka nga kanina pa siya nandito, hindi naman kasi ako nagsarado ng pinto.

"Hmm.. kahit dati pa." Sang-ayon ko.

"Mahal mo pa, Nak?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako. Hindi na siguro importante 'yon ngayon. Mahal ko man siya o hindi, malabo na yatang bumalik kami sa dati.

Magva-Valentines day na. Kailangan pa naming magfilm ng boyfriend video call greeting para sa A'TIN. Ang awkward ko naman yata, sana okay lang sa kanila 'to. Ang tagal ko na rin naman kasing single. Single din naman 'yong mga kamiyembro ko pero sa tingin ko mas maganda 'yong videos nila. Lalo na si Stell dahil maraming pakulo 'yon. Eh nakicringe ako eh. Kay Sassy lang naman ako nag-effort noon. Ayan, naalala pa.

Nag-open ako ng instagram. Kita ko agad ang post niya sa ig story niya. Oo, nagfollow na 'ko. Lahat kasi ng SB19 nakafollow sa kaniya. May mga gifts galing sa fans niya.. at kay Inigo. Inaddress niya naman na boy best friend daw.

"Sus, mas maganda naman 'yong gifts ko noon. May effort pa." Napalakas naman ang comment ko.

"Stalk pa more." Ani Diko na nasa kwarto ko rin.

Nanahimik na lang ako, ayaw kong makipagbardagulan ngayon.

"Hindi mo ba babatiin?" Hindi pa talaga ako tinigilan ni Diko. Napaisip tuloy ako.

Hindi naman na kami close. Ang weird naman kung babatiin ko siya. Nahihiya na 'ko.

"Wag na lang." Sagot ko.

Tapos nakita ko naman sina Josh at Stell na nagcomment sa ig post niya. Alam ko naman na parang nagfafanboy lang sila, bumati kasi si Sassy sa mga fans niya. May mga A'TIN tuloy na nakiingay do'n.

May mga nakita naman akong naka-tag sa'kin. May mga greetings, 'yong iba edits ng SharTin. Hindi na lang ako nagreact. Baka maging issue pa. Naaapektohan rin kaya si Sassy dito? Wala, naisip ko lang.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now