Kabanata 25 - May 22, 2021

47 3 0
                                    

Huminga siya nang malalim pagkatapos sinimulang tuplukin ang record button ng kanyang cellphone. Nang makita ng nagsisimula na ito sa pag-record ay agad-agad niya itong isinilid sa likurang bulsa ng kanyang pantaloon. Mariing hinawakan din niya ang mga bubog sa kanyang kamay. Kailangang hindi ito makita ng kanyang ama.

"I need to do this." Nangangamba pa rin siya, ngunit wala na siyang magagawa. Ito lang ang sa tingin niya ang makakapagpaniwala rito, at maaaring makapagkukumbinsi rito na hayaan na lang munang makalabas ang kanyang bunso.

Mabilis na tumitibok ang dibdib at parang hinahatulan ng kamatayan ang bawat paghakbang, nakarating siya sa sala na puno pa rin ng dugo at nangangamoy na.

Hindi siya nahirapang hanapin ang kanyang bag at dali-daling napaupo para kuhanin at buksan ito. Naroon pa rin ang kanyang birthday gift na nakalagay sa isang bag. Hindi pa rin pala talaga ito binuksan ni Oliver.

Gusto pa sana niyang tingnan kung may magagamit siya sa sala laban sa ama, ngunit agad-agad din niyang itinakwil ang ideya. Inilabas na lamang niya ang birthday gift at walang ano-ano'y hinawakan ito paharap habang ang mga bubog naman ay nasa ilalim na parte ng box. "I really hope dad won't see this."

"I hope he won't," at napatingin siya sa may kusina. Kailangan na niyang pumunta roon. Kailangang tapusin na niya ang lahat.

Bawat paghakbang ay parang dinadala siya sa nakaraan: ang masasayang araw nila ng kanyang ama, ang ilang beses na pagtatanggol nito laban sa kanyang ina, ang huling araw bago siya umalis sa mansyon, at ang ilang pagkakataong nakita niyang mahal na mahal nito ang kanyang bunsong kapatid.

Subalit, sumagi rin sa kanyang isipan ang masasamang nangyari sa kanya sa mansyong ito, parehong noon at ngayon. Pilit na iniisip kung ano ang nangyari, kung bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat. Hindi naman sila perpektong pamilya, alam niya, ngunit kailangan bang may mamatay sa kanila? At para saan? Sa pera? Sa pangalan? Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mawari kung ano ang nagtulak sa kanyang ama.

Ang tanging makakasagot lang sa kanya ay ang kanyang ama, at sa bawat paghakbang na ginagawa niya, animo'y mas lalong sumisikip ang mundo, mas sumasakit ang kanyang puso sa mga katotohanang isisiwalat nito...

"H-hi, dad! Hi, bunso!" masayang bati pa niya sa mga ito, at madaling napaupo sa isa sa mga upuan habang inihulog ang mga bubog sa kanyang hita at pagkatapos ay inilapag ang gift box sa lamesa. "This is for you, bunso. Happy birthday!"

"Thank you, ate!" masayang sagot din naman ng kanyang kapatid at agad na kinuha ang kanyang regalo.

Akmang bubuksan pa sana ito ng kanyang kapatid, ngunit agad itong pinahinto ng ama. "But wait! Don't open that yet, kiddo. You still have to blow your cake, remember?"

Napatigil naman ito sa ginagawa at malungkot na napatingin sa kanya. "Sorry, ate."

"It's okay, bunso, open it after na lang." Pilit na ngiti ang sinunod niya rito.

May mga bagay pa silang pinag-usapan tungkol sa naging araw nito sa community park na lalong kinagalit ng kanyang damdamin. Ngunit, pinili niyang ngumiti na lamang at paminsan-minsan ay magbigay ng tanong.

Habang nangyayari ito ay alam niyang nagpapakiramdaman sila ng kanyang ama. Nakangiti itong nakikinig sa kanyang kapatid, ngunit ilang beses niya itong nakitang nakatingin sa kanya.

"Fuck you!" gusto niyang isigaw dito, ngunit pilit pinipigilan ang sarili. Kailangan niyang kumalma muna. Isa pa, hindi pa niya nakikita ang baril na kinuha nito mula sa kanya. Baka isang maling bagay lang na sinabi o ginawa niya'y ilabas ito nito.

Agad-agad niyang pinakalma ang isip, at pinilit na makinig sa sinasabi ng kapatid.

Tila naramdaman naman ata nito ni Ford. "Ate, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kanyang bunso.

Pamilya PerfectoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon