Chapter thirty four- Care

641 14 0
                                    

Nag luto lang ako ng lugaw, ito kasi madalas na niluluto ni papa dati sa' kin, niluluto ko din ito kung sino man ang magkasakit sa bahay.

"Dark, kain ka muna." Nilapag ko muna ang dala kong tray at ginising siya.

Mainit parin, papainomin ko pa ito mamaya ng gamot. Hayts... Para lang akong nagbabantay ng gwapong bata.

"Hhmm?" Namumungay niyang mulat ng mata.

"Kain ka muna, nag luto ako ng lugaw." Inalalayan ko siyang maka upo.

"What's lugaw?" I laughed a bit because of the accent of what he said.

"Basta. Masarap ito, ako nag luto e." Pinaupo ko siya at kinuha ang lalagyan ng lugaw, kumuha narin ako ng bed table para makakain siya ng mabuti.

"Pagkain ba yan?" Tanong niya sa pagkaing pinapalamig ko ng kaunti.

"Oo naman. Hindi ka pa ba nakakatikim nito? Ito kaya niluluto ni papa tuwing may lagnat ako." Ani ko, "oh, kumain ka na." Sabay abot sa kaniya ng kutsara pero tiningnan niya lang ito at ngumuso.

"Subuan mo nalang ako," abat?!

"Huh? Hindi ka naman na bata para subuan a," naka nguso parin ito na para bang wala talagang planong kumain.

"Fine." Ngumiti ito kaya ngumiti nalang din ako.

"Pagkatapos nito uminom ka ng gamot, diba sinabi ko naman sayo kagabe na uminom ka ng gamot." Parang bata lang ito ngayon na pinapagalitan ng ina.

"Uminom ka ba ng gamot kagabe?"

"No,"

"Why?"

"Ah-uhmm I forgot." Tinaasan ko siya ng kilay at pinag patuloy ang pagsubo sa kaniya.

"Gusto mo pa ba?" Umiling lang ito. "Okay. Saan ba ang lalagyan ng gamot mo dito?" Tanong ko sa kaniya habang nililigpit ang pinagkainan niya.

"I don't have any medicine here."

"Hah? Kayaman yaman mong tao pero ni isang gamot wala ka dito?"

"Hindi ako gumagamit ng gamot dito," oh? Umiwas siya ng tingin na para bang nahihiya.

"Why? Kayaman yaman mong tao pero ni-gamot wala ka rito?" Ani ko,

"Sa baba meron naman kaya bakit ko pa kailan ng gamot dito," o nga naman.

"Dito ma muna, bababa lang ako, kukuha lang ng gamot." Hindi ko na siya hinintay pa na makapag salita at dinala ang tray bago bumaba.

Sa first floor talaga ako pumunta dahil hindi ko pa alam kong saan ko hahanapin ang emergency kit.

Pagkarating ko sa baba ay nag tungo agad ako sa front desk,

"Hello, good morning. May gamot ba kayo dito para sa sakit?"

"Hello ma'am, good morning. Yes po," at yumuko na parang may kinukuha sa ilalim. " Anong sakit po ma'am?"

"Para sa lagnat sana, meron kayo?" Tumango siya at nag hanap.

"Here po ma'am,"

"Magkano?" Nahihiya kong tanong,

"Po? Eh- libre lang po iyan ng kompanya ma'am," Ay ganon ba?

"Heheh, salamat." Nahihiya kong saad at kinuha ang gamot at umakyat na.

Pagkarating ko sa taas ay kumuha ako ng isang basong maligamgam na tubig at dinala na sa kwarto niya.

Nadatnan ko siyang nakapikit kaya dahan dahan kong nilapag sa maliit na lamesa ang baso at gamot niya.

"Dark? Ito na yung gamot mo." Panggigising ko sa kaniya pero ganon parin.

"Dark, okay ka lang ba? Gising ka muna para makainom ka ng gamot," pero wala parin.

"Omg! Dark!! Tatawag na ba ako ng emergency call?!" Nag papanic kong saad ng maisip na baka nahimatay ito dahil sa sobrang init. Oh? Huhuhu!!!

"Hey," mahina niyang saad kaya napatingin ako sa kaniya na akmang tatawag na sana ako ng ambulance.

"Jusko lord, bakit kasi hindi ka gumigising kanina?!" Medyo inis na may halong pag aalala kong tanong,

"Nakatulog ako at mabigat ang pakiramdam kaya hindi agad ako nagising," tumango nalang ako at kinuha ang baso at gamot para sa kaniya.

"Drink this." Tumingin siya sakin at umiling.

"I don't need a medicine,"

"Uminom ka nito para mabawasan ang sakit ng ulo mo," umiling ito na parang bata.

"Anong hindi, paano ka gagaling niyan kung hindi ka iinom nito?"

"Hindi naman ako umiinom ng mga gamot tuwing may sakit ako pero gumagaling din. Ipagpapahinga ko nalang ito, hindi ko kailangan ng gamot." What's wrong with him?

"Hindi ka ba umiinom ng gamot?" Nakakunot kong tanong, napangisi ako ng makita ang reaction niya.

"Haahhaha! Omg! Hindi ka makalunok ng gamot?!" Natatawa kong tanong. "I'm sorry, I---! Hahah natatawa lang talaga ako." Natatawang saad ko.

"Don't laugh!" Kinagat ko ang ibabang labi para pigilang ngumiti. Kalaking tao, parang isang pirasong gamot hindi makainom.

"Seryuso ba, hindi ka talaga maka lunok ng gamot?" Ulit na tanong ko,

"Hindi nga!" Namamaos niyang sigaw.

"Oh, e bat sumisigaw ka? Nag tatanong lang naman ako e." Lumabas muna ako para kumuha ng kuntasara.

Pagbalik ko ay ganon parin ang nadatnan ko,

"Tutunawin ko nalang sa tubig para at least makainom ka. Hindi pweding pahinga lang," ganon nga ang ginawa ko bago pinainom sa kaniya.

Naduduwal pa siya ng kaunti at ilang pilit pa bago niya ininom.

"Mag pahinga ka na diyan, babantayan na muna kita." At inayos ang kumot niya.

Nakatitig lang siya sa akin ngayon kaya naiilang ako,

"Sorry for what I did last night. May iniisip lang kasi ako kaya ganon." Seryuso niyang saad.

Ngumiti ako at tumingin din sa kaniya, "Okay lang, naiiintindihan ko naman."

"I'm really sorry, and thank you for taking care of me now." Ano ba to? Naninibago ako.

"Huwang kang mag thank you, hindi libre to." Nangunot naman ang noo niya kaya natawa ako.  "Ilibre mo ako ng lunch bukas dahil nag skip pa naman ako ng lunch kanina," tumawa siya at tumango. "Kaya dapat magaling ka na bukas a."

"Hahah. Sure, I treat you tomorrow."

"Pahinga ka na. Babantayan na muna kita," nakatitig lang ako sa lalaking nakapikit sa harap ko ngayon.

Bakit napaka perpekto ng muka nito? Sana all.

Tumayo ako nang mapansing tulog na nga siya. Inayos ko ang kumot niya at lumabas muna sa kwarto niya.

Binasa ko ulit yung towel at bumalik sa kwarto niya para ipatong sa noo niya. Nag iwan narin ako ng kaunting tubig sa baso na may tinunaw na gamot.

Nag iwan narin ako ng note bago siya iniwan dun na mahimbing ang tulog.

"Pagaling ka, Dark." Dumaan muna ako sa opisina ko bago umuwi. Gabe narin kasi, hindi ko nga napansin na gabe na.

Pagkarating ko sa bahay at sinalubong ako ng anak ko na palaging nag papawala ng pagod ko.

"Mommy!"

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now