Kinaumagahan ay maaga akong pumasok.
"Oh? Ang aga mo naman sir," nagulat ako ng makitang naka upo si Dark sa opisina ko.
"I'm feeling better now, so awake up earlier." Ngumiti ako dahil mukang okay na talaga siya.
"Hindi ka na ba talaga nilalagnat?" Umiling siya, "mabuti naman."
"Nag breakfast kana ba?" Tanong niya,
"Oo."
"Sayang, aayain pa naman sana kita kumain. Hindi pa ako nakapag agahan," sino ba naman ako para Tumanggi.
Kaya ngayon ay nandito kami sa harap ng kompaniya, kumakain sa isang expensive na restaurant.
"May dala ka bang gamot? Kailangan mo paring uminom ng gamot ngayong araw para sure talagang wala ka ng lagnat." Umiling siya, "Sige, hihinge nalang ulit tayo mamaya."
Kumain kaming dalawa at pagkatapos nun ay bumalik na kami sa kompanya na kaharap lang naman ng pinag kainan namin.
Nakahinge narin ako ng gamot at nandito na kami ngayon sa opisina ko.
"Ayan, natunaw ko na yan sa tubig. Ininum mo ba yung gamot na iniwan ko kagabe?"
"Yes. Thank you," ininom niya nga pero hindi naman maipinta ang muka. Hahahah!
This past few days ay lagi niya na akong nililibre ng breakfast at lunch. Hindi naman ako makatanggi dahil kung ano ano na pinagsasabi.
"Hi, Kate." Opo, Kate na ang tawag niya sa akin pag kaming dalawa lang, at Dark din naman ang tawag naming dalawa. Hindi ko alam pero parang komportable kami sa isat isa.
"Ano yun?" Habang may tinitipa sa laptop,
"Be my date." Tsaka lang ako nag angat ng tingin sa kaniya nang marinig ang sinabi niya.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko,
"Be my date." Laglag panga ko siyang tinitigan. Date?! "I mean, be my date tonight. It's my dad's birthday, he want me to have a date tonight, so I inviting you." Ah, kaya pala. Overthink agad teh, e.
"Hindi bayun nakakahiya? Secretary mo magiging date sa party ng daddy mo?" Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"What's wrong with that then? I'm dating my secretary friend," sabay sandal sa pintuan niya. Nakaharap ako ngayon sa kaniya, "ayaw at sa gusto mo, date kita mamaya." Tinanong mo pa ako kung hindi mo man lang pala kailangan ng sagot ko. Tss...
"Wait! Wala akong susuotin." Hindi ako nakapag prepared e. Pano ba naman bigla bigla nalang akong aayain, tapos di pa ako binigyan ng choice.
"Don't worry, any minutes the dress I order are delivered now." What?
"Hindi mo talaga ako binigyan ng choice nu." Tinawanan lang ako nito.
Sinabi ko sa kaniya na sa bahay niya na ako sunduin at dun nalang ako mag aayos. Pumayag din naman siya. Need ko si ate Kei ngayon, hindi ako marunong mag ayos ng sarili ko lang.
Magpapa alam pa ako sa anak ko. Natatawang umiling nalang ako ng maalala ang sinabi ni ate Kei.
"Magulang na ang nagpapa alam sa anak," ulit niya muli nang payagan akong umalis ni Darklyn.
"Hahaha, alam mo naman ate na pag hindi niya alam kung nasaan ako, e papauwiin ako niyan." Inaayusan ako ngayon ni ate,
Ilang minuto lang ay tapos na siyang mag ayos at hindi ako makapaniwala na ang ganda ko na naman.
"Iba talaga ang ganda mo, Kate. Nakakatomboy,"
"Ang galing nyo kasing mag make up ate," nakalugay lang ang mahaba kung buhok na inistylan ni ate ng kauting kulot sa dulo. Ang cute ko, samahan mo pa ng ganda.
"Ganda ko talaga ate, hehhe thank you po."
"Your welcome, bet na bet kung ayusan ka kasi nagiging Goddess ka bhe. Ganda mo talaga. Hindi na ako mag tataka kung gaano pa ka ganda ang anak mo pag laki niya," tinawanan ko lang siya at inayos na ang kailangan.
Maganda rin naman si ate Kei, lahat ng tao mapapalingon din ata sa kagandahan niya. May make up o wala napaka ganda niya.
"Anong gift mo sa father in law mo?" Pang aasar ni ate.
"Ate naman!" Tumawa lang siya ng mapang asar. " Secret," inirapan lang ako nito kaya ako naman ang natawa.
Nakarinig kami ng busina sa labas kaya nandiyan na naman ang mapang asar na tingin ni ate.
"Meet the parents na pala to,"
"Bye, lynlyn." Kumaway lang ang anak ko na tutok an tutok sa panunuod.
"Bye nay, Lander, ate." Inasar pa ako ni ate bago ako lumabas.
"Nag hintay ka ba?" Tanong niya at pinag buksan ako ng pinto.
"Hindi naman. Tama lang yung dating mo,"
Kinakabahan ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa location kung saan gaganapin ang birthday party ng daddy niya.
"What's that?" Napalingon ako sa kaniya at tinuro niya ang dala kong paper bag.
"Gift." Kabado kong saad.
"What kind of gift?" He asked but I'll at him.
"Hey, what kind of gift?"
"Bakit ba? Hahah secret nayun."
"Daya." Tumawa ako. "Ano nga?"
"Secret nga!" Kinulit niya pa ako hanggang sa makarating kami sa isang sikat na hotel.
"Ano nga?" Kulit.
"Secret nga e. Tsaka nahihiya ako sa gift ko. Mumurahin lang kasi," ani ko.
"Magugustohan yan ni dad." Sure niyang saad.
"Tingin mo?" Tumango lang siya at ginaya ako sa entrance.
Sa entrance palang ay marami ng tao at ang iba ay napapatingin sa gawi namin. Entrance palang galante na. Ay mali, tao palang pala galante na. Nag kikinangan ba naman ang mga damit at alahas. Buti nalang bumagay din ang damit na suot ko.
"Woah! Kinakabahan ako," ani ko sa katabing prenteng nakatayo sa tabi ko at hinihintay ako.
"Why?" Anong why ka diyan?
"Malamang. First time ko kayang umatend sa ganito ka galanteng okasyon. Tapos tingnan mo pa yung mga tao, ang gagalante pa. Pwedi bang mag back out?" Tinawanan niya lang ako at hinila ang kamay ko para hawakan.
"Wait!" Pero parang wala lang siyang narinig at kinaladkad na ako papuntang loob.
Mas lalo tuloy kaming pinag titinginan dahil sa mag kahawak naming kamay.
"Kailangan bang mag ka hawak kamay talaga?" Bulong na tanong ko sa kaniya.
"Of course. Look at the others," sabay tingin ko din sa ibang papasok na magkahawak ang kamay with matching tawanan at landian pa. " They bring their own date too, pero tingnan mo at nag eenjoy sila. Ako lang ata ’tong hindi mag eenjoy sa ka date ko." Aniya kaya pinalo ko siya ng mahina sa balikat na ikinatawa niya. Take note, yung tawa niya sobrang lakas na makaka agaw attention talaga. Nahawa tuloy ako
"Hoy! Yung tawa mo!" Tsaka lang namin napansin na ang lakas pala ng tawa naming dalawa kaya naka agaw nga kami ng attention. Ang kaninang iilang nakatingin lang sa amin ay ngayon ay halos lahat naka tingin na sa amin.
"Attention seeker ka talaga," bulong ko dito at tinago ang sarili sa likuran niya na para bang maitatago ako nito.
"Bakit ka ba nahihiya? Tao lang din naman ang mga yan, ang ganda mo kaya ngayon kaya bakit ka mahihiya?" Namula ang pisnge ko dahil sa papuri niya.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomansJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...