CHAPTER 34

4.9K 88 21
                                    





TILA AKO IPINAKO SAAKING KINATATAYUAN. Bakit ba ito nangyayari saakin? Ano bang kasalanan ko sa panginoon at pinaparusahan niya ako ng ganto?

"Si Keith ang ama?!" Nanlaki ang mata ni nanay, hindi ko masabi kong masaya ba siya o na shock.

Napayuko ako, "Opo, nay."

Hindi ko napigilang umiyak. Ang tanga- tanga ko kasi, nagpabuntis na naman ako. Ito ang napapala ng mga tangang babaeng katulad ko. Binubuntis lang, single mom walang asawa inaanakan lang.

Bumigat ang dibdib ko. Parang nawawalan ako ng hangin... bigla nalang nagdilim ang paningin ko.







NAPAMULAT AKO.

"NANAY!!!" Bungad saakin ni chan-chan.

Umiyak ang bata. "I was so worried about you, nanay." Hikbi niya.

I gave her a tight hug. Hinalikan ko din ang noo niya. "Im okay now, baby. Ang sweet-sweet mo napaka swerte ko sayo."

Biglang bumukas ang pinto.

Si Nanay at ang obgyne.

"Ms Nancy, maselan ang iyong pagbubuntis kaya mag double ingat ka. Re-resetahan kita ng vitamins para lumakas ang kapit ng baby."

Tumango ako. "Okay, doc. Maraming salamat."

Pinag-usapan namin kung ano ang mga dapat kong gawin at hindi gawin dahil hindi malakas ang kapit ng baby ko. Hindi na ako pwede mag trabaho ng mahabang oras at kailangan kong kumain ng sapat at kumain ng mga healthy foods.

Ang hirap.

Bakit kaya ito nangyayari saakin. Hindi naman sa ayaw ko ang batang ito, sadyang mapaglaro lang talaga ang kapalaran. Pangalawang anak na ito ni Keith, lalaking walang ama na naman ang batang ito. Ikakasal pa naman iyong lalaking iyon ngayong linggo. Kahit anong mangyari hindi ko sasabihin na buntis na naman ako, ayokong masira ang moment at ang kasal nila ni Raffy.






TUMUNOG ANG AKING CELLPHONE.
Sino ba to, ang aga-aga shuta.

"Hello!?" Iritang sagot ko.

"Uhm. Hey, how are you? Can I see you for the last time? Please."

"Okay, sige. Importante ba?" Tanong ko.

"Yes."

"Ok."

Andito ako ngayon sa coffee shop. Habang naghihintay ay nanuod ako ng tiktok. Mga yawa talaga tong mga nasa tiktok kung ano-ano nalang pinag gagawa! Pero infairness minsan naman nakakatawa din. Kung mag tiktok din kaya ako?

May kumalabit sa balikat ko.

"I hope you didn't wait long." Salita niya.

Tiningnan ko lang siya, hanggang sa maupo siya across me. Bakit mas gumwapo ata sya? Oh baka dahil buntis ako kaya siguro nagagwapuhan ako sa kanya.

"Are you okay?" Tanong niya.

"Yes, I'm okay. So what's going on? Bakit mo ko gusto ma meet today?"

Napangiti siya. "I just wanna see you, one more time." Merong lungkot sa kanyang mga mata.

"Bakit?" Taas kilay ko.

"I'm leaving..."

"Leaving? Bakit? Saan?"

"I'm going to the states. Doon muna ako maninirahan. May aayusin lang, matatagalan bago ako makakauwi kaya gusto kitang ma meet ngayon."

Bakit nalulungkot ang loob looban ko? Dahil ba posibleng hindi ko na siya makita after this.

"I understand." Ngumiti ako. "Text me okay?"

Tumango lang ang lalaki.

After namin mag usap ay hinatid na niya ako. Sa loob ko ay gusto ko pa siyang makasama dahil baka ito na ang huling araw na makikita ko siya. Sa dami ng pinagdaanan ko ay nandoon siya, hindi niya ako iniwan. Ako lang itong ayaw sa kanya.

"So this is goodbye?" Lungkot na sabi niya.

"Don't say that." Naluha ako. Napaka emotional ko dahil buntis ako.

Bigla niya akong kinabig palapit sa kanya. He hugged me tight. "Im gonna miss you. I just want you to know that I still love you."

Hinigpitan niya ang yakap.

Hinayaan ko lang siya. This is the last day I'm gonna see this guy so it's okay. Niyakap ko din siya.

Matagal-tagal din kaming nagyakapan.

"MUKHANG NAG EENJOY KAYO, AH"
Napalingon kami pareho sa may ari ng boses.

Lumapit siya.

Kinabig niya ako papalayo. "Let go of me."

Bigla din namang may kumabig sa kabila kong braso. Aba! Kung maka hawak tong mga to kala mo naman pag mamay ari nila ako.

"STOP!" Sigaw ko. Sabay bawi ng aking mga braso.

"Mga shuta kayo, hindi ako tali. Kung gusto niyo mag laro ng tug of war hindi ako at hindi ito ang tamang lugar!" Galit na sabi ko.

Pagalit ko silang tiningnan. "Ano ba at pinag aagawan ninyo ako? Ano ba problema, hah?!" Haba ng hair huh!

"I have something to ask, Nans." Ani ng isa.

"Hindi pa kami tapos mag usap." Salita naman nung isa.

"Ewan ko sainyo! Magsama nga kayong dalawa! Nahihilo ako sainyo!" Sabay walk-out ko.

Talagang nahihilo ako at nasusuka. Kanina ko pa to pinipigilan, ayoko naman malaman nila na nagdadalang tao ako. Mahirap na!

Ang mga walang hiya sinundan ako sa bahay. Hindi ko sila pinansin. Dumiretso ako sa banyo at doon na nagsususuka. Sana di nila ako marinig, finish na talaga ako.

Paglabas ko ng banyo ay tila naka kita ng aswang ang dalawa. Nakatayo lang sila at tila tulala.

"Ano nangyari dito, nay?" Tanong ko sa nanay ko. Nakatayo kasi siya malapit sa kanila.

"YOU'RE PREGNANT?!" Sigaw nung isa.

Nanlaki ang mata ko at ipinako ang paningin saaking inay. Kalmado lang si nanay na nakatingin saakin.

Sinabi niya...

"AKIN BA IYANG DINADALA MO?"

Nanlalamig ako at kinakabahan. Anong sasabihin ko? Ayokong masira ang kasal nila.

Ayoko...

"No... Si..." nauutal pa ako.

Hindi ko masyadong marinig ang boses ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Si... ano... si Lazarus."

Nanlukot ang mukha niya. "What?"

"Oo, si Lazarus! Siya ang ama ng batang dinadala ko!"


To be continued...

HAPPY VALENTINES DAY, LOVES!

The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon