11.29.21
"Yakap"
By: @ghostified_me"Pero niloko kita! Ginawang laruan!" Sigaw ni Elle kay Klyden.
"Kaya kitang tanggapin ulit Elle. Miss na miss na kita! Tatlong taon akong nag hintay Elle! Tatlong taon." Sabi ni Klyden.
"A-ano?" Tanong ni Elle kay Klyden.
"Oo tatlong taon. Kasi ang sabi mo kung maghihintay ako, may pag-asa pa." Kitang-kita sa mga mata ni Klyden ang sakit.
"Pero Klyden... May fiancé na ako." Malungkot na sabi ni Elle.
"Ikakasal na ako." Dagdag pa niya.
"Pero kung wala siya, pwede pa?" Tanong ni Klyden kay Elle.
"Tapos na tayo. Ikakasal na ako." Sagot ni Elle.
"Hindi pwede Elle." Hinawakan ni Klyden ang kamay ni Elle.
"Please, wag." Nagmamakaawang sabi ni Klyden.
"Klyden ano ba! Bitawan moko." Galit na sabi ni Elle.
"Hindi moba ako naiintindihan?" Elle said.
"Hayaan mona ako!" Sigaw ni Elle.
"Kung yan ang gusto mo, okay sige." Klyden said at naluluha.
"Pero pangako mo saakin na pupunta ka sa kaarawan ko. Ipangako mo yun." Umiiyak na hawak sa dibdib ni Klyden.
"Oo sige. Pupunta ako, isasama ko ang fiancé ko." Sagot ni Elle at wala ng nasabi si Seth.
"Tatandaan mona mahal na mahal kita Elle." Sabi ni Seth at tuluyan ng umalis.
Elle's POV'
"K-Klyden, mahal ko." Umiiyak na ko.
"Miss na miss na kita." Nanghihinang sabi ko.
"Bakit naman ganon, alam mong mahal na mahal kita eh." Umaasa na sana ay nandito ang taong mahal ko.
"Naghiwalay kami ng Fiancé ko dahil nawala na ako sa sarili simula ng mabalitaan ko na wala kana." Yakap ko ang sarili ko habang nakaupo sa duyan kung saan madalas kaming magkasama ni Klyden.
"Klyden..." Nanghihinang sabi ko.
"Naririnig moba ako? Mahal... Mahal... Bumalik kana." Hagulgol na sabi ko.
"Kung sanang sinabi mo na may sakit ka edi sana nakasama pa kita kahit sa huling sandali." Bulong ko.
"Nagsisi ako sa mga sinabi ko. Sana niyakap at tinanggap kita uli." Umiiyak na sabi ko.
"M-mahal. Sana'y maging masaya ka riyan ah. Lagi mong tatandaan na walang hihigit sayo. Na ikaw lang at wala ng iba." Hawak ko sa dibdib ko.
"Mahal..." Nagulat ako ng may tumawag sa tabi ko.
"Klyden!" Piyok na sabi ko at niyakap siya.
"Totoo nga na nakakakita ka ng multo." Ngiting sabi niya. At lalo ang umiyak ng umiyak.
"Mahal, isang buwan na ng mailibing ako. Dapat ay masaya kana at hindi nag-iisa." Sabi ni Klyden.
"Mahal, sorry ahh. Kailangan kong mauna sayo eh. Pero hindi ako makaakyat dahil alam kong nandito ka pa." He said.
"Gusto kong malaman mona mahal na mahal kita hanggang sa huling hininga ko. Babantayan kita tuwing gabi para hindi ka natatakot. Ako ang magsisilbing proteksyon mo sa mga masasamang panaginip mo." Paliwanag niya na hindi talaga ako maitigil sa pag-iyak.
"Hayaan mona ako mahal, kayanin mo na wala na ako dahil nalulungkot talaga ako pag nakikita kitang nag-iisa at umiiyak." Dagdag niya pa at tinignan ako. Nag-angat ako ng paningin hanggang sa magtama ang mga mata namin. Patuloy parin ako sa pag-iyak.
"I love you mahal ko." Kasabay non ang pagpunas niya ng luha ko na patuloy na nahuhulog.
Niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon rin ako. Humagulgol ako ng unti-unti na siyang naglalaho... Nang tuluyan siyang maglaho ay umiiyak ako ng umiyak.
"Mahal na mahal din kita mahal ko. Salamat sa lahat at sana'y maging masaya ka riyan. I love you Klyden." Nanginginig na sabi ko at hanggang sa muling pagkikita mahal ko.
The End...
PLAGIARISM IS A CRIME:
Copying or translating any part of the story without permission of the Author is a Crime.
BINABASA MO ANG
My One Shot Story
RandomDedicated to everyone who wonders if I'm writing about them. I am.