Kabanata 18

225 21 5
                                    

"What?!" 

Natigil ang mga paa ko sa paglalakad ng marinig ang malakas na sigaw ni ama. I heard that they are having a meeting with the Highness. Nasisiguro kong nasa loob sila Sirgun. 

Dahil sa hindi naman nakasirado ng tuluyan ang pintuan ay sumilip ako sa siwang nito. Alam kong masamang makinig sa pinag-uusapan nila pero sa mga nagdaang araw ay napapansin kong nagiging balisa ang aking pamilya. Lalo na si ina.

"Father, we still need to talk Babushka Rakad. She knows everything... we need to calm down." 

Narinig kong sabi ni Pince Caveri dahilan para mas lalo akong maging kuryoso.

Si Babushka Rakad ang pinakamatandang tao ang nananatiling buhay hanggang ngayon sa Hua Albanzious. Bukod pa ang labing-limang taong nakakaraan. At balita ko rin na alam niya kung anong itsura ni Condramaya at ang buhay nito. Ang unang emperatris ng Hua Albanzious.

"Hindi nga natin alam kung nasaan siya. She's hiding for almost how many years, Caveri. Paano natin siya makakausap kung ito mismo mo ay ayaw makisali sa kaguluhang ito?" Prince Sahar said.

"That's why I will give you all a mission to find her. We bring no harm to her. We just need to get information to what she knows for the past years of her existence." 

Malumanay na sabi ni ina. Nilibot ko ang tingin sa loob at gano'n na lang ang pamumutla ko ng makita si Princess Nirvana na mariing nakatingin sa akin. 

Mula sa pagkakayuko ay mabilis akong umayos ng tayo at patakbong nilisan ang lugar na 'yon habang yakap-yakap ang aking libro. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tela ng aking damit sa tapat ng dibdib ko. Hindi naman siguro niya ako isusumbong at kahit narinig ko ang kanilang usapan ay wala naman akong naintindihan.

Pero ang marinig na may misyon na mangyayari para sa kanila ay totoong kinabahan ako. Ilang tao na rin ba ang napapadala sa isang misyon na hindi pa nakakabalik... marami na. At iyon ay ang hanapin su Babushka Rakad na hindi ko alam kung anong itsura.

Nagpalipas ako ng oras sa ilalim ng puno at marahang isinara ang librong tapos ko ng basahin. A love story with a tragic ending. A love that will always be buried six feet under the ground. I sighed and looked at the cover page of the book. Luma na ito at medyo inanay na rin ang mga pahina.

Dahil na rin siguro sa pagkabagot ko kaya naisipan kung pumunta sa silid-aklatan ng palasyo at mula sa pinakadulo ay nandoon ko nakita ang librong iyon. Tungkol sa reyna na nagmahal sa kanyang taga-protekta ngunit sa huli ay parehas lang din silang napaslang. 

A red dragon warrior and the beautiful moon queen...

Napaisip tuloy ako kung gaano kasakit para sa kanila ang nangyaring trahedya na iyon. Nagmahal lang naman sila ngunit hindi sumakto sa panahon ang kanilang pag-iibigan dahil sa isang digmaan na kailangan nilang harapin lahat.

"What's with the face?" 

Suminghap ako ng makita si Sirgun na seryosong nakatingin sa akin. Mabilis akong napausog mula sa pagkakaupo ng umupo rin ito sa ilalim ng puno. Hindi ko mabilang kung ilang dangkal ang lapit namin lalo't kung gagalaw ako ay maaaring magbangga ang balikat namin dalawa.

"You read a tragic love story, huh." 

Nagbaba ako ng tingin sa librong hawak ko at nakagat ang aking ibabang labi bago tumango.

"Hindi ko naman alam na tragic ito. Nakita ko lang ito sa silid-aklatan ng palasyo at naisipan kong basahin upang malibang." 

Tumaas ang isa niyang kilay sa sagot ko.

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now