Sa oath taking kasama namin yung mga magulang namin at mga kapatid namin. We had a simple meal right after, dahil nailagay na namin yung mga gamit namin sa condo ay doon na kami dumiretso ng uwi.
"Excited kana?" tanong niya noong inaayos ko yung duty bag namin.
"Okay lang, ikaw ba?"
"Tama lang," sagot niya. "Natanong mo ba si Louisse kung paano yung schedule natin?"
"Nahiya pa ako eh, tignan natin bukas," sabi ko. "Pwede namang sa off natin tayo mag-ayos nung sa kasal."
"Ang problema magsasabay kaya tayo?"
"Kung wala ka isasama ko na lang yung mga driver, o sila Kuya Tyler," mahinanong sabi ko. "Kaso baka makarating kay mommy yung plano natin, sipsip pa naman si Kuya kay mommy."
"Kuya Tanner?"
"Busy yun, dami daw cases na hawak," inabot ko sa kanya yung duty bag niya.
"I'll ask my brothers then, 'wag kang aalis na mag-isa ka lang, sabihan mo ako kung may lakad tayo."
Sa unang araw ay orientation lang naman, we had a tour in the whole hospital. Tatlong interconnected na buildings siya, maluwag, pero mas maluwag ata yung bago nilang hospital sa Makati.
"Just a reminder, I don't care if you were born from a family of doctors, o kung doctor dito yung mga magulang ninyo. O kung kahit kakilala ninyo yung may-ari nitong hospital," panimula noong training officer ng Pedia department. "Ang ayoko sa lahat yung walang ibang ginawa kung hindi umabsent, magdahilan na may emergency at makipagpalitan ng duty."
Tahimik lang kami nung mga bagong residente na nakikinig sa orientation. Louisse didn't brief me about this department, akala ko chill yung mga senior staffs.
Makikiusap pa lang sana ako kay Louisse mamaya na ayusin niya yung sched ko pero mukhang ako pa ata yung pinapatamaan nung staff, nakita rin kasi niya akong hinatid ni Louisse kanina.
"Hindi mo namn siguro kamag-anak yung may-ari dito 'no?" tanong ni Mika, first year resident din.
Umiling ako. Pero parang ayaw maniwala ng mukha niya.
"Totoo? Sabi ni nurse Vivian yung naghatid sa iyo anak daw ng may-ari ng SAH?"
"Best friend ko lang siya," sabi ko. I hated the idea that they think I'll use the relationship to my advantage.
"Oh, top 1 daw ng boards yun eh," nagsalita siya ulit. "Nakita ko name mo, top 10 ka pala, galing ah. Buong barkada ninyo?"
Tumango na lang ako. I got reminded why I hate people and it includes the talking part.
"Tumawag na si mommy, ano daw plano natin?" he asked me. We just had our orientation at St. Alexandria hospital for our residency program, pang-ilang orientation na at grabe parang ayaw ko na. Ang strict pala ng hospital nila Louisse.
"Plano saan?"
Kumunot yung noo niya. "Sa kasal, I mean that's still happening, right?"
"About that, can we..."
"Postpone, again? For the third time?" napabitaw siya sa hawak niyang sandok, he looked annoyed since I'm dodging all his tries last week to have a serious conversation with me.
"Just a year, baby?" I used my trick to allure him. Napabuntong hininga siya.
Alam kong sobrang foul, excited na siya, at nasabi ko rin naman na magpapakasal kami after ng board exam, pero paano ko naman yung mapaplano e ang strict ng training officer ko.
YOU ARE READING
The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETED
RomanceTrixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitment for her. Will it secure her or will it destroy her?