Dedicated to 196th follower :)
Happy Valentine's Day! Dahil nga Valentine's kaya nag-update :D sana naman may magbasa :P after nitong two updates, on-hold na po ulit :D by the way, two updates po eto :))
XXIV – Teardrops on my guitar
Marami nang nangyari. Si Jeremy, patuloy pa rin ang pagsuyo sa’kin tapos wala naman akong magawa na, kaya hinahayaan ko na lang din pero lagi kong pinapa-alala sa kanya na wag siyang umasa. Ang sama ko ba? Hindi naman siguro kasi ang gusto ko lang, hindi siya masaktan ng sobra.
Tanda niyo pa yung araw na kinantahan niya ko at niyakap sa harap ni Xander? Ayun, ilang ulit ko na siyang tinanong kung bakit niya ginawa yun pero hindi niya ko sinasagot. Hay. Bakit ganito ang lovelife ko? Huhu.
Tungkol naman dun sa taong kalaban ko sa pagiging manipulator, ayun hindi ko pa rin siya nahuhuli. Naka-ilang moves na rin uli ako pero wala eh, madalas ay nagiging unsuccessful na dahil sa kanya. Sinusumpa ko na nga siya, eh.
Fast forward na talaga tayo dahil 2 weeks na ang nakalipas mula nung 2nd Quarterly exam namin. Ngayon? Puro aral ang ginawa ko, tapos gala-gala with Judges and Jeremy. Iwas-iwas kay Xander. Yep, parang strangers na ang trato namin sa isa’t isa ngayon. Eh kasi naman after class rin or minsan pa nga kapag break time lang, nakikipagkita siya sa girl friend niya. Ano bang magagawa ko? E di umiwas na rin sa kanya para kahit paano mabawasan naman ang sakit.
May event nga pala ngayon sa school. Foundation day namin. Haha. At akalain nyo yun, kasali ako sa singing contest?? Mwahaha. Eh kasi, natuwa yung teacher namin sa Music sa performance nga namin ni Xander noon. Dapat nga kaming dalawa ang kakanta eh, pero si Xander na rin ang umayaw dahil may iba pa siyang contest na sasalihan. Kdots! XD
So ngayon, nandito ako sa isang classroom. Isolated itong classroom na ito at dito ako nagplano magpractice para makapagconcentrate ako. Hoy! Seryoso ako :P
Kanta-kanta~
At nung napagod na ko at napansin kong maaga pa naman, natulog muna ko.
At sa paggising ko..
O.o
>.<
Katabi ko si Xander at nakatingin sa’kin habang nakangiti.
Ano’ng ibig sabihin nito?
“HOY!” dinuro ko pa siya. “Ano’ng ginagawa mo dito??”
“Bakit? Ikaw lang ba may karapatang mag-stay dito?”
“Eh, ano nga? Bakit ka nandito?”
“Nag-aaral ako kanina dito. Tapos aalis na sana ako pero nakita kita dito na tulog kaya ayun, nagpasya kong hindi na umalis at sumali sa contest. Mas enjoy kasi akong panuorin kang natutulog, eh.”
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
Roman d'amourThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...