Chapter 45

266 8 0
                                    

Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko, bumangon na lang ako at naligo. Paglabas ko ng kwarto ay amoy ng niluluto niya yung sumalubong sa akin.


"Morning, baby," he reached for my elbow and kissed my forehead.


"Akin yan?" turo ko sa bouquet ng light pink na ecuadorian roses.


Ngumiti siya. "Sino pa ba bibigyan ko? Sa iyo siyempre, you like it?"


I held the stalk part lightly. "I love it. Lumabas ka?"


"Nag-gym, then dumaan ako sa flower shop," sagot niya sabay abot ng kape noong binaba ko sa counter yung bulaklak. "Anong duty mo?"


"Off, nagyaya ng bar si Chloe mamaya," sabi ko. Tumango naman siya. "Sama ka?"


"I want to, pero baka sabihan naman akong KJ ni Chloe, hindi pa ba okay mga yun kila Dominique?"


"Sabi ni Chloe nag-usap na daw sila eh, pati ata si Louisse," umupo na ako sa bar stool habang siya ay nagpatuliloy na magluto.


"Will you wish death upon me if ever I hurt you? I mean hindi naman kita sasaktan, pero kaya mo bang sabihin na mas gusto mo pang mamatay ako?"


"Kila Louisse ba 'to?"


"Yeah, I heard her say that to Gerard," he answered. "And, is it true he kneeled at the lobby for 24-hours?"


"Yeah, nakita ko," sabi ko.


"Will you humiliate me like that?"


"Bakit magloloko ka ba?"


"No," he was sure, the voice was assertive. "But for sure Louisse kinda knew in her heart that it's not even true, right?"


"Maybe, we can't just judge or pick who's going to get our votes. Parehas natin silang kaibigan."


"Pero ikaw ba? Maniniwala kang kaya kitang lokohin?"


"Hindi," sabi ko. "Pero kung nandoon kana sa sitwasyon wala namang malinaw sa iyo eh. Tingin mo ba gusto ni Louisse na saktan si Gerard?"


He shrugged. I sighed.


"Hindi, mahal na mahal niya si Gerard na kaya niyang mag-settle agad," sabi ko. "They're supposed to get married this year, after boards."


Nag-ayos kami ng condo mag-hapon, pumunta rin kaming grocery dahil ubos na yung laman ng pantry namin. I guess when adulting hits, ang mga dates ay ganito na. Grocery run, car repair run, or even the simple car wash.


"Come here," he motioned his left hand. Sumimangot ako at lumapit sa kama kung saan siya naka-upo habang pinagmamasdan akong mag-curl ng buhok kanina.


"Why?" I sat down beside him. Kinuha niya yung kamay ko at sinuot sa akin ang isang bracelet. "Thank you. What is it for?"


"Gift?" he smiled. Nagulat ako noong sinuot niya yung kanya at inilapit sa akin yung kamay niya. May magnet pala yung heart. I couldn't hide how amazed I was, sinubukan kong hinalin, pero kung tama yung distansya ay parang may kung anong humihila sa bracelet ko papunta sa kanya.


"Ang cute," nakangiting komento ko. "When did you buy these?"


"Last week," he answered, inalis niya yung pagkakadikit noong dalawang puso at pinakita na naka-engrave yung pangalan namin sa isa't-isa.


"Tara na?" yaya ko dahil parang may iba pa kaming magagawa sa tingin niya at haplos ng kamay niya sa likod ko.


He smirked. "Marupok..."


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now