Chapter 68

312 31 34
                                    

Ferdinand POV

Matapos ang aking morning walk ay pumasok na ako sa loob para maligo at maghanda sa aking araw

Nang napadaan ako sa may kusina ay nakita ko si Imelda na nag aalmusal kaya pinuntahan ko

"Hmm, sweetheart. Have yourself a big breakfast before starting your day" sabi ni Imelda at pinaupo ako

Kinuha ko na ang plato at namili na ng putaheng kakainin ko

"So how was your meeting yesterday?" paalalang tanong sa akin ni Imelda at ulit akong tumawa

Kapag kasama ko na si Imelda ay parang nakakalimutan kong may mundo din pala ako sa labas ng aming kwarto

Naganahan ako at napatulog kahapon, nagising nalang akong may sumisigaw sa labas at hinahanap na ako

"Kaarawan pala bukas ni Pacifico, Ferdinand. Ano ba ang plano mo?" paalalang tanong sa akin ni Imelda

Oo nga pala. Nakalimutan ko

"Ako'y tatawag sa kaniya mamaya matapos kong maligo" sagot ko at tumungo na sa kwarto at naligo

-

Matapos nakong maligo at magbihis ay inabot ko ang telepono at tinawagan na si Pacifico

"Paco!" bati ko sa kanya

"Oh, Ferdinand. Napatawag ka?" tanong nito

"Ano ba plano mo? Saan ba tayo bukas?" pabiro kong pagtatanong

"Diyan. Hindi ba sinabi sa iyo ni mama?" sagot nito

"Hindi, bakit? Dito ba talaga?"

"Hindi rin" tawa ni Paco

"Dito sa amin. Bago lang kaming lipat ni Rosa dito sa Maynila kaya hindi muna masyadong maganda ang bahay. Pinapagawa pa sa likod pero okay na ang harap. Diretso na kayo dito bukas at dito na tayo mag tanghalian" dagdag nito

"Ah sige, salamat. Cleared na ang schedule ko para bukas ng umaga, ilalaan ko iyon lahat s aiyo. Paborito kita eh" sabi kong patawa at naririnig kong tumatawa din ito sa kabilang linya

"Oh siya, mauna na ako at marami pa akong dapat gawin" pagpapaalam ko at tumungo na sa labas para gawin lahat ng gawain ko ngayong araw na ito

(Pagkabukas)

Bumyahe na kami patungo kina Paco

Isinabay ko na din sa amin si Mama dahil sa palasyo na din siya naglipas ng gabi para sabay-sabay na kami doon

Pag-abot namin ay binungad kami ng pangungumusta ng aking dalawang babaeng kapatid na si Elizabeth at Fortuna

"Mayroon ba akong maitutulong sa loob?" tanong ni Imelda kay Fortuna

"Ay opo, kung maaari. May mga bagay sa kusina na hindi pa natatapos" sagot ni Elizabeth

"Ano? Marami nang tao at hindi pa kayo natatapos maghanda?" galit ni mama

"It's okay mama. I will help them" sabi ni Imelda at nag-una na sa loob kasama ni Fortuna at Elizabeth

Hinihintay ko sa mama na makababa sa sasakyan kasi mukhang sumakit ang kaniyang mga paa sa lahat ng bawal na kinain niya kagabi

"Sabi ko sa inyo eh huwag na kayong kumain ng mani, nakakasakit ng tuhod iyan mama" pagsasabi ko sa kaniya

"Minsan lang naman, Ferdinand. At tsaka-" hindi natapos ni mama ang kaniyang pagsagot dahil may lumapit sa kaniya

"Donya, ikaw pala iyan. Mabuti naman at nakarating kayo" sabi nito

"Ay oo nga. Salamat naman sa Diyos at nakaapak pa ng ganitong edad si Pacifico" pagbibiro ni mama

"Ferdinand! Ay este, Mr. President. Kamusta ka na? Ang tagal na kitang hindi nakikita" banggit nito at napangiti lang ako

"Oo ng apala, may bata sa loob na kamukhang kamukha mo noong kabataan mo pa. Sobra akong naaaliw at tsaka-" dagdag nito pero pinutol ni mama

"Hali na kayo sa loob. Mauna ka na doon Ferdinand at sasabay nalang ako dito" bilin ni mama at pumasok na ako sa loob nang may nakabangga sa akin na batang maliit

"I'm sorry" paumanhin nito sa akin

Nang tumingin ito sa akin ay parang tumitingin ako sa sarili ko noong bata pa ako

Bigla akong napangiti

Ito ba iyong tinutukoy ng babae sa labas na kamukha ko

"Hi, what's your name?" ngiti kong pagtatanong

"I'm Andy" sagot nito at muling tumakbo patungo sa tao na nasa likod ko

"Lola!" sabay nitong sigaw

Lumingon ako sa likod at nakita kong niyakap ng bata si mama

"Lola, I missed you!" sabi ulit ng bata sabay pagmamano

Sino ba itong batang ito?

Bakit niya kilala si mama?

Kaninong anak ba ito?


--

A/N: shoutout sa aking friend na nagsusulat din dito sa wattpad, basahin niyo! (Until we meet again by DarlynJaneGamba) FEM fan fiction parin :P

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon