Pag karating ko sa mansion ay agad akong sinalubong ni Nana Yen. Yenna Cruz ang totoo nyang pangalan, Wala siyang asawa't anak. Dalaga palang siya ay naninilbihan na siyang katulong nila Lola. Siya ang nag-alaga noon kay mommy at simula noong mawala sila ni daddy ay siya na ang lagi kong kasama kahit saan noong nagaaral palang ako.
"Kamusta Nana?" I asked, and hug her.
" Ikaw ang kamusta, nabalitaan kong may malaki kang project sa Pilipinas." She said and took my bag.
"I'm good Nana, it's just, uh you know.... after what happened before I think I'm not yet ready." I answer and look at her.
She smile when she caught my eye.
"Agnes, kailangan mong magpatuloy, walang mangyayari kung dika gagawa ng paraan para makabangon. May mga bagay na kailangan nang ibaon sa limot, Agnes." She said.
"Simula noong nangyaring iyon sa pamilya mo, Hindi na kita nakitang masaya tulad ng dati." She said and I smiled sadly. Totoo e.
"Naku! Tama na ang drama, at kanina pa naghihintay ang lolo at lola mo sa iyo." I nodded and walked to the dinning area.
"Hello gorgeous kong grandparents!" I cheered and I chuckled when I saw their shocked face. Gulat na gulat?
"Oh my god, Apo Koo! I miss you sweetheart." Lola said and kiss me.
"Wait, Apo! come here to Lolo." He said so I walked towards him.
I smiled when he hug me and kiss my forehead. So sweet.
"I miss you Apo." Lolo whisper.
"I miss you too."
"Hey, why you're not hugging me Apo? I'm not your favorite now?" I laugh when I heard my grandmother.
"Lola come here! Join us!" I said and I smiled my I felt their warmth.
Nang gabi ding yon ay masaya at sama sama kaming nagsalo-salo. Puno ng tawanan ang hapag dahil sa mga kwento ni Lola tungkol sa kalukohan ni Lolo noong nililigawan palang siya nito.
Matapos kumain ay tinulungan ko si Nana Yen sa paghuhugas ng pinggan. Noong una ay ayaw nito pero nang sabihin Kong sanay nako sa ganoon dahil magisa Lang ako sa unit at ako ang lahat na gumagawa ng gawaing bahay ay pumayag din siya. Nang matapos ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto ko para magpahinga.
Agad bumungad sa akin ang isang malaking litrato namin nila mommy and daddy, it was my 5th birthday, huling litrato na pala namin Yun dapat pala nilubos ko na.
Agad kong inilibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto ko. Halos lahat ng bagay na makikita sa loob ay kulang abo, at puti.
Kulay grey ang pader at kulay puti ang kisame kung saan nakadikit ang ilang daang glow in the dark stars.
Sa kabilang side nandoon ang kulay puting book shelves na naglalaman ng books at ibang book na ginamit ko nung nagaral ako ng college. Sa baba nito ay may drawer Kung saan nandun lahat ng gamit ko sa pagpinta.
Sa kabilang side naman ay naroon ang sofa nakaharap sa isang malaking flatscreen tv. Sa gilid nito ay may isang malaking sliding door papunta sa terrace ng third floor.
Sa gitnang bahagi naroon Ang queen size bed ko. Kulay puting kama, makapal na comforter na kulay puti rin. Samantalang kulay grey ang mga unan.
Sa taas ng headboard ng kama nakalagay ang isang malaking painting ng isang moon. Sa Italy ko pa binili ang painting na Ito nung nag 18th birthday ako, regalo ko na din sa sarili ko.
Bata palang ay nahilig nako sa buwan. Si mommy ang laging bumibili ng story books ko tungkol sa mga moon. Every night after ni daddy mag work sama sama kaming magdidinner at kapag matutulog na ay sasamahan nya ako sa kwarto at kukwentuhan ng story tungkol sa buwan hanggang sa makatulog ako.
YOU ARE READING
Chasing the Moon
General FictionAgnieszka Guinevere, Castanier. Her family was known to be wealthy, successful in life and helpful to those in need. Her father was a famous attorney and her mother was a CEO of a large and well -known company. They are a model of a stable and happy...