MULA SA mga anino na gabi ay lumabas ang isang kakaibang nilalang na ay matutulis na mga kuko at pangil na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay siyang tanging nasisinagan ng ilaw mula sa bilog na buwan. Bukod dito ay makikita rin ang mga nanlilisik nitong mga mata na kasingpula ng dugo.
Inilahad nito ang napakaputi nitong kamay na animo’y nag-aanyaya na lumapit sa kaniya.
Ilang pang sandali ay nagsalita ito na animo ay galing sa kailaliman ng lupa ang tinig at nagsabi, “Hahanapin kita kahit saan ka man pumaroon. Anumang panahon at anoman ang ‘yong itsura. Mahahanp kita kung kaya ay hintayin mo ako, mahal kong Sania.”
Hinihingal na napabangon sa kaniyang hinihigaan si Sania nang muli na naman niyang napanaginipan ang panaginip na gabi-gabing gumagambala sa kaniya. Ang misteyosong lalaki na hindi niya alam kung katatakutan niya o kung ano. Hindi naman siya mahilig manood ng mga nakakatakot na palabas o kaya magbasa ng mga ganito. Sa katunayan ay hindi ay wala na na siyang panahon sa mga ganoong bagay dahil mas abala siya sa pagtratrabaho at kaniyang pag-aaral. Hindi ko rin naman iniisip ito kaya imposibleng nasa subconscious ko ang nilalang na ‘yon!
Hinimas niya ng pauli-ulit ang kaniyang magkabilang braso nang maamdaman niya ang pangingilabot ng kaniyang balat. Hindi niya tuloy malaman kung pagsisisihan ba niya na umabot siya sa edad na disiotso apat na araw na ang nakalilipas dahil nagsimula lamang ito nang humantong siya sa ganoong edad. Napasimangot siya. Hindi niya gusto ang gabi-gabing panggagambala sa kaniya ng kung sinoman na lalaking ‘yon. Naiirita siya.
“Sani, bumangon ka na r’yan anak. Hindi ba ay may lakad kayong dalawa ni Leslie?”
Napatingin si Sani sa pintuan ng kaniyang silid nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Inihilamos niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mukha kapagkuwan ay marahas na napabuntong hininga. Tumayo siya sa kaniyang kama at saka iniayos ang kaniyang kama pati na rin ang kaniyang sarili.
Nang matapos ay lumabas na siya ng kaniyang silid at nagtungo sa kusina kung saan naroon ang kaniyang ina, kapatid na bunso, at ang kaniyang Lola Emilla.
“Lola Emilla, ikuwento mo po ‘yong istoya naipinangako niyo pong ikukuwento sa akin please?” pangungulit ng kaniyang bunsong kapatid sa kanilang lola. Hindi pinansin ni Sania ang mga ito bagkus ay kinuha ang thermos at saka nagsimulang magtinpla ng kaniyang kape.
“Katherine, umagang-umaga’y kinukulit mo na naman ang iyong lola,” saway naman ng kaniyang ina ngunit hindi ito pinansin ng kaniyang lola at kapatid.
“Hayaan mo na, Celia. Gustong gusto ni Katherine ang kuwento na lagi kong kinukwento kay Sania noon.”
Natigilan si Sania sa paghahalo ng kaniyang kape nang marinig niya ang kaniyang pangalan. Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang lola na siyang kasalukuyang nakatingin sa kaniya at nakangiti. Napakunot ang kaniyang noo sa kuwentong itinutukoy nito. Ano’ng kuwento ‘yon? Ang tatlong bibe sa palasyo na puo kendi? Ang prinsesang nahulog sa lupa? Itong dalawa lang naman ang natatandaan kong laging ikinukuwento ni lola sa akin noon.
Ilan pang sandali ay napangiwi si Sania dahil naalala niya ang katapusan ng dalawang weirdong kuwento ng kaniyang lola. Kinain ng tatlong bibe ang palasyo na awa sa kendi at bilang parusa sa kanila ay inihaw silang tatlo at ginawang lechong bibe. Ang isa nama’y nasira ang mukha dahil sa pagkakahulog nito sa lupa na una ang mukha.
Akmang lalapitan na niya sana ang kaniyang kapatid mula sa weirdong mga kuwento ng kaniyang lola ngunit maski siya ay natigilan sa sinabi nitong titulo ng kuwento.
“Ang pag-ibig ng isang gumiho,” dagdag ng kaniyang Lola Emilla. Mas lalong nangunot ang kaniyang mga noo dahil kakaiba ito sa mga istoya na ikinukwento nito sa kaniya. It was the first time she heard of the title. Paanong nasabi ni lola na lagi niya itong ikinukwento sa akin?
BINABASA MO ANG
His Mate
Ficción General"Since the beginning, I knew I wasn't sure but I felt like our fate was already decided."