"MAAWA ka naman, Hannah dun sa tao."
Napataas ang kilay ni Hannah sa narinig mula sa kapatid. Ang kakambal at karugtong ng kanyang pusod ay iba na ngayon ang kinakampihan!
Sinadya nya si Hans sa silid nito. Doon nya lang mahahagilap ito. As usual, kung hindi ito busy sa pagtatrabaho, naglalaro iyon ng on-line games.
Ano ang ipinakain ng Jinn Lian na iyon sa kanyang kapatid? Paano napunta sa lalaki ang simpatya ni Hans?
"Ang payat payat na nga tapos mukhang ang lungkot lungkot pa. Maatim mo bang manakit ng kapwa. Forget what he did before." anito.
Oo nga naman. Aminado syang mukhang nakakaawa ang Lian na iyon. Wala naman syang balak na manakit ng damdamin. Ang gusto nya lang ay turuan iyon ng leksyon.
"Anong tingin mo sa akin, walang puso? Exception na ba 'yung mukha syang kawawa sa kanyang atraso."
"Mabait 'yung tao. Baka nagkataon lang na masama ang mood ng magkasalubong kayo. I'm telling you, magkakasundo kayo oras na makilala mo syang mabuti." Ayaw pa rin nitong sumuko na makumbinsi sya. Gusto ni Hans na maging magkaibigan sila ng future business partner nito.
"Can't you see, he looked so weak. Kung karapat dapat syang gantihan, papayagan kita. Hindi naman tayo mga bata, eh."
"Gano'n, so okay lang sa'yo na napahiya ako at nabastos, ha?"
"H-hindi naman sa gano'n. Look─," Nahihirapan itong magpaliwanag. Tumayo ito at iniwan ang ginagawa sa harap ng computer. Nagpalakad-lakad ito sa harapan nya. Kasalukuyan syang nakasalampak sa kama nito.
Sabog-sabog ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Hans. Unorganized ang mga libro. There's a plenty of ashes sa tabi ng table nito. Kahit fully airconditioned ang silid nito hindi pa rin napipigilang manigarilyo.
"Hindi ko mahaharap ang pag-aasikaso sa itatayo naming business. Plano ko sanang ikaw muna ang mag-asikaso noon."
"What?!" napatindig si Hannah sa narinig. She loved her life. Walang stress, walang responsibilidad, walang trabaho pero may pera! Working with Lian will be a loaded stress!
"You're ridiculous! I can't even stand his─his rudeness!" mariing protesta ni Hannah.
"Gumawa ka na lang ng mabuti kaysa gumanti. Sabi nga nila love your enemy. Tulungan mo na lang syang maging tao uli kung tingin mo'y kabilang sya sa primitive race."
"Primitive sarcastic!" Love your enemy? Malaking kahangalan 'yun. Wala syang balak maging good samaritan sa lalaking iyon.
"I'll be abroad for a few months. Umaasa ako na mapagbibigyan mo ang aking kahilingan." He looked like a puppy dog. Pouting his lips like a kid.
"Don't give me that look!" Tinatablan sya ng paawa effect nito. "Wait a minute! Abroad for a few months! Have you applied for overseas job?"
"Hindi, may balak pa lang."
Ibig sabihin mawawala ito ng matagal. Hindi nito makikita ang mga gagawin nya. Including her plan to strike back at Lian. Biglang kumislap ang ideya sa kanyang isip.
"I want a share in that business." Everything has a price. She's clever enough to make a deal to her twin brother.
"Ano! Lahat na lang may share ka. Mag-put up ka na ng boutique mo. Pakinabangan mo 'yang talent mo." reklamo nito.
"We're twins, so dapat lang na i-share mo ang blessings mo." katwiran nya rito. She always had a ten percent share of Hans income including his extra jobs. Iba pa ang monthly allowance na nakukuha nila sa share of stocks ng parents nila sa ilang kumpanya.
"Abusado ka na, eh." kandahaba na ang nguso nito sa pagsimangot.
"I'm your sister. Kadugo mo, unlike your girlfriends na napakaluho. You bought them expensive jewelry and clothes. Wala ka namang pamilyang binubuhay."
"Sige, sige, pero huli na 'to. May pinag-iipunan din ako." katwiran nito.
Ngiti ng tagumpay ang namutawi sa kanyang mga labi. She will take her avenge. May pera na sya nakaganti pa.
"As part of the bargain, patunayan mong good fashion designer ka. In order to do that, make an overall makeover for Lian or else, mababawasan ang overall shares mo." Puno ng paghamon ang tinig nito.
Nasaling ang ego ni Hannah. Ayaw nyang hinahamon sya ng kanyang kapatid. Kahit anong hamon sa kanya nito noon ay napagtatagumpayan nya kaya hindi na nito sinusukat ang kanyang kakayahan sa mga bagay-bagay.
Hindi rin sya nito masupalpal sa mga academics subjects nila noon. Ang kanyang kotse ay napanalunan nya sa huling hamon nito sa kanya, iyon ay isang popularity contest. Isang contest sa telebisyon na may similarity sa beauty contest at reality show dahil nangangailangan ng text votes ng mga viewer.
May weekly task para sa mga contestant at dapat iyong malagpasan dahil mae-eliminate ang mabibigo. The weakest walk home in humiliation. Sinusukat ng contest ang talino at lakas ng mga kalahok.
Sya ang tinanghal na champion sa contest na iyon na tumagal ng isang buwan at kalahati. "I'm not a fairy godmother but for the sake of my money─challenge had been accepted."
Lumapit sya sa kanyang kapatid upang makipagkamay. Wala syang pakialam sa motibo ni Hans para sa makeover ni Lian. Isa lang ang mahalaga sa kanya─income! She loved living like a princess. Hindi kailangang magpagod ng husto pero nakukuha lahat ng gusto.
"Before I forgot, Lian is broke so anumang kailangan ay sa iyong mga bulsa nakasalalay."
"Holy cow!" Naisahan sya ni Hans sa bagay na iyon. She will spend her own money para sa lalaki! Dinaig nya pa ang may sampung inaanak. Mabilis na gumana ang kanyang utak. Oh, she cannot buy a new wardrobe from tiangge or Baclaran.
Hindi fairy godmother ang labas nya. Magmumukha syang sugar mommy. She's been thinking of his hair style including his body built. Napangiwi sya sa parteng iyon. Hindi pwedeng basta na lang palitan ang mga damit noon.
Lian will still look Ichabod crane. Dapat magkalaman iyon. Gosh! Kakayanin ba ng powers nya? Madali lang ang wardrobe pero kung ang katawan ang pag-uusapan─full force ang kailangan nya.
She has to make sure na worth ang investment nya.
TODO sa pagkendeng ang balakang ni Hannah. Kitang kita nya ang kanyang target na nasa gitna kumpulan si Lian. Ayon sa kapatid nito na napagtanungan nya, nakatambay ang kuya nito sa basketball court ng subdivision.
Tama ang ibinigay na impormasyon sa kanya. Malayo pa lang ay napansin na sya nito. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa katingkaran ng kulay ng kanyang sasakyan.
Nagbulungan ang mga barkada ni Lian. Hindi pa man sya nakakalapit. Alam nyang namumukhaan sya ng ilan dahil nakaharap na nya iyon.
"Hello, boys! Mwaah!" Nagfying kiss si Hannah sa mga kalalakihan.
"Wala rito si Freedom!" sigaw ng isang singkit sa grupo.
Ibinigay ni Hannah ang pinakanakakaakit nyang ngiti. Tumutok ang kanyang mata kay Lian. Tahimik lang iyon habang nakatingin sa kanya.
"Boys..." wika niya sa malanding tinig. "Hindi ako narito para kay Freedom. I'm here for Lian, my love!"
Sumimangot si Lian sa narinig. Hindi nito nagustuhan ang ideyang ito na ngayon ang target ni Harriette. Pinigilan ni Hannah na mapahagalpak sa tawa.
Natuon kay Lian ang atensyon ng mga barkada nito. Nagpipigil ang mga iyon na tumawa. Well, it seems like pareho lang sila ng nasa isip.
"Tigilan mo nga ako. Bumalik ka na nga sa pinanggalingan mo." inis na wika nito.
Masungit pa rin ang loko. Magagawa nyang turuan ng leksyon ang Lian na ito at the same time, mananalo siya sa pustahan nila ni Hans.
"Sweetheart, hindi ako makakaalis kasi alam kong kailangan mo ang powerful beauty ko."
Nagsalubong lalo ang kilay ni Lian dahil sa narinig. Padabog na tumayo ito mula sa kinauupuan. Ang sama ng tingin nito sa kanya, kulang na lang na kainin sya nito ng buhay.
"Bad trip ka! Hindi kita kailangan!"
Sumeryoso ang mga barkada nito dahil sa pagsigaw ni Lian. Buong buo ang boses nito. Kung hindi sya handa na nagtungo roon baka tumiklop sya. Kaya nitong yanigin kahit na sino.
"If you say so, pero isa lang ang masasabi ko sa'yo. Lalapit ka rin sa akin." pamisteryosing saad ni Hannah.
Taas noong tumalikod si Hannah sa mga ito at naglakad patungo sa kanyang kotse. Hindi magtatagal at muli silang maghaharap. Babagsak rin sa kamay nya ang masungit na Jinn Lian na iyon. Sisiguraduhin nyang nasa kanya ang huling halakhak.
Bago tuluyang sumakay si Hannah sa kanyang kotse ay lumingon pa sya sa mga iyon.
"Bye, boys!"
"Bye, Harriette!"
NATIGILAN si Hannah sa pagpasok sa kanyang silid ng may marinig syang kumalabog mula sa itaas ng kanilang bahay. Muli nyang isinara ang kanyang kwarto. Alas diyes na ng umaga kaya imposibleng may naglilinis pa sa taas. Nakita na sa kusina ang kanilang katiwala at dalawang katulong. Ang kanilang labandera naman ay wala ngayon dahil stay out iyon.
Nagpasya si Hannah na akyatin ang ikalawang palapag ng kanilang bahay. Hindi nya nakita ang kanilang hardinero baka iyon ang nasa taas. Ang alam nya hindi pa dumarating ang kanyang magulang. Si Hans naman ay nakaalis na papuntang ibang bansa.
Nagtaka si Hannah ng makitang nakaawang ang pintuan ng silid ng kanilang magulang. Bukas iyon! Kinabahan si Hannah. Posible kayang napasok sila ng ibang tao. May nagnanakaw ba ng araw?
Dahan dahan na pumasok si Hannah sa silid ng magulang. May narinig syang nag-aanasan. Napalunok si Hannah. May tao nga! Humagilap sya ng maipanghahataw sa kung sinuman na naroon.
Magulo ang bedsheet ng kama. Napakunot-noo si Hannah. Dapat ang magnanakaw naghahalughog sa mga cabinet at drawer. Bakit ang bedsheet?
"H-Hans?!" gulat na bulalas ni Hannah.
Nakita nyang naroon ang kanyang kakambal. Kalalabas lang noon mula sa bathroom. At hindi ito nag-iisa! He's with Beth! They're wet and nude!
Gulat na gulat ang dalawa ng makita sya. Hindi alam kung paano tatakpan ang mga sarili. Sya ang nahiya sa mga ito kaya tumalikod sya.
"I thought you're not here, Hans."
"W-Well, you're the one who's not suppose to be here."
Nanlaki ang mata ni Hannah sa narinig. Humarap sya. Nakatapis na ang mga ito ng kumot. Hindi makatingin sa kanya ang kaibigang si Beth.
"Oh, this is our parents room. Akala ko nasa abroad ka na." sita nya sa kapatid.
"Nadelay ang flight namin."
"Beth, you hooked up with Hans. Akala ko ba kulang sa muscles ang kapatid ko." Ibinalik nya ang mga sinabi nito sa kanya ng huli nya itong makausap.
"It's a joke! Alam mo naman na patay na patay ako sa isang ito." amin nito.
Naiiling na natampal ni Hannah ang noo.
"Next time try to be careful. Anyway, ituloy nyo na ang kung anumang naabala ko but make sure the door is close."
ISANG ngiti ng tagumpay ang sumilay sa labi ni Hannah. Halata sa mukha ni Lian ang pagkasorpresa. Hindi nito lubos akalain na sya ang makakaharap nito. Nakatakda syang dumalo sa isang cosplay event sa Mall of Asia. Sa pagsulpot ni Lian, sira na ang kanyang lakad.
"Ikaw na naman! Wala ka bang balak na tantanan ako?" inis na wika nito pagkakita pa lamang kay Hannah na pababa ng hagdanan. May isang silid sa itaas kung saan nakatago ang mga costume nila ni Hans.
"Well, tulad nga ng sinabi ko. Ikaw ang lalapit sa akin. Bagay ba sa akin ang suot ko? Girl na girl ba ang dating ko?" wika niya habang pababa ng hagdanan.
Kumpleto ang kanyang costume. Kulay blue ang suot nyang wig with matching sailor uniform and boots.
"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito. Malay ko bang dito ka nakatira. Pwede ba tantanan mo na ako!"
Napataas ang kilay ni Hannah. Nang makababa, umupo sya sa sofa. Allergic na allergic sa kanya ang lalaki. Tahasang ipinakikita ang disgusto nito sa kanya.
"Tell me, Lian. Mukha ba akong gay?"
Saglit itong natigilan at pinag-aralan ang kanyang itsura. Pinagmasdan sya nito na animo noon lang nito ginawa ang bagay na iyon.
"Mapanlinlang ang anyo mo. Kung hindi natuklasan ng kaibigan ko na bakla ka baka pati ako maloko mo rin."
Ang swerte naman ng Harriette na 'yon, dahil sya ang nakakaranas ng kakaibang treatment dahil sa kung anumang ginawa nito. She still felt envious. Hindi rin maiwasan ang inis, pero ano bang magagawa nya kung mayroon syang impersonator. Kamukhang kamukha kaya nya?
"Nasaan si Hans?" anito.
"Oh, hindi ba nasabi ng brother dear ko? He'll be away for a couple of months. I'll be working with you. You and me as a team. Bongga 'di ba!"
"Ikaw?!"
"Yes, me and only me, darling." Matutulig sya sa malimit nitong pagsigaw.
Narinig ni Hannah ang marahas na pagbuntong hininga ni Lian.
"May problema ba roon, Lian? For start, call me Hannah. Pronounce it as He-nah, okay."
Napipilitang tumango si Lian. Tumayo sya at nilapitan ito. Inilahad nya ang kanyang palad. Wala sa loob na tinanggap nito iyon. Wala naman itong magagawa ngayon.
Hinigpitan ni Hannah ang paggagap sa kamay nito. Hinila nya ang kamay nito saka ihinaplos sa kanyang makinis na legs. Nanlaki ang mata ni Lian sa kanyang kapilyahan. Tila napaso ito. Agad na binawi nito ang kamay.
"Tigilan mo nga ako." Lumayo ito sa kanya. Kinagat ni Hannah ang kanyang labi pinipigilan nya ang kanyang sarili na hindi matawa. Would he still react like that if he knew she's a girl.
"Why? Bonggacious naman ang beauty ko, ah." painosenteng wika nya.
"Pwede ba, Hannah. Wala akong panahong makipaglokohan."
"Okay, sinabi mo, eh."
"Mabuti naman."
Dinampot ni Hannah ang kanyang handbag na nakapatong sa mesa saka hinila si Lian.
"Time for my first job!"
According to her brother, si Lian ang nagpapaaral sa bunso nitong kapatid. He was jobless. Nagsara ang electronic company na pinapasukan nito bilang production engineer. Naapektuhan ang kumpanya ng global financial crisis. Inilipat iyon sa China dahil mas mura roon ang labor cost.
Lahat ng sweldo nito noon ay ibinibigay sa parents at idinadagdag sa family business. Supplier ng isda ang magulang nito. They supplied fish to some of five star hotels in Metro Manila, public market, including supermarket. .
She was impressed by that information pero syempre hindi nya kinakalimutan ang kanyang agenda.
"Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong nito habang hila-hila ni Hannah palabas ng kanilang bahay.
"We'll be touring the entire mall all over the city!"
"Ano?! Ganyan ang itsura mo?"
Natawa si Hannah sa reaction nito. She had no plan of taking him in Mall of Asia. Sayang ang suot nya kung hindi man lang sya makakaganti rito. Kung sa naturang mall nya ito dadalhin magiging normal lang ang ayos nya dahil maraming cosplayer ngayon na pagala-gala.
Nang marating nila ang parking area, bantulot sa pagsakay sa kotse si Lian. Itinulak pa ito ni Hannah papasok. Nakasimangot na naman si Lian. Napapansin ni Hannah na madalas sumimangot ang lalaki.
"Fafa Lian, okay ang outfit ko 'noh. Kanya kanyang trip lang 'yan."
Pinaharurot ni Hannah ang kanyang kotse palabas ng kanilang bakuran.
Mapagkakamalan silang may mga sayad. Ito mukhang pulubi, sya mukhang galing sa ibang planeta.
"Panalo ka na."
She giggled.
BINABASA MO ANG
Complicated love
Roman d'amourNasa cloud nine ang pakiramdam ni Hannah pagkakita nya sa kanyang ultimate crush na si Freedom Aicen Saavedra. Naging mabilis pa sa rocket na bumalusok pababa ang pakiramdam na iyon ng umeksena ang kaibigan nitong si Jinn Lian Verde. Walang pakundan...