TULAD ng inaasahan ni Hannah. Pinagtinginan sila ng mga tao sa mall habang namimili ng mga damit. Napipilitang sumunod si Lian sa kanyang pinapagawa rito. Pinagod nya ito sa pagpapasukat ng mga damit.
She'll be doing three things. Settle her brother's business, do an extreme makeover and punish Lian. Hitting three birds in one stone!
Itinigil nya ang kotse sa tapat ng bahay nito. Pinagmasdan nya itong mabuti.
"'Wag mo akong tingnan ng ganyan. Parang may binabalak kang masama sa akin."
Napahagalpak sa tawa si Hannah. Kahit tawa sya ng tawa na kasama ito hindi man lang nito nagawang ngumiti. Pagsimangot lang yata ang alam nito sa buhay. Ibang iba ito sa kapatid nitong babae.
He was like an adopted child. Malayong malayo ang kulay nito sa dalawang kapatid. Mapuputi ang mga kapatid nito kumpara rito na moreno. Maging sa pag-uugali. Masayahin ang dalaga at dalagitang nakausap nya ng magpunta sya sa bahay nila Lian.
Napansin nya rin na malaki ang respeto ng mga kapatid nito para sa lalaki. Despite of that, nakikita nya pa rin ang dark aura ni Lian. He's eyes were lonely. Alam nyang kung sino ang dahilan noon.
She's trying to act like as lively gay when she's with him. Nakakaboring kasama ang taong napakatahimik. Hindi na nga natawa madamot pa sa ngiti.
Inabot sila ng gabi sa pagsa-shopping.
"Hep! Hep!"
Natigilan si Lian sa tangkang pagbaba ng kotse ni Hannah. Maang na tumingin sa kanya.
"Kiss ko," pilyang wika ni Hannah.
"Tigilan mo nga ako."
"Joke lang! Get your stuff before you get off the car."
"H-Ha?!"
Itinuro nya ang kanilang pinamili. Mukhang hindi pa nito nahuhulaan na para rito ang mga pinamili nilang gamit. Takang lumingon ito sa backseat.
"It's yours," pigil sa pagngiti si Hannah.
Natigilan sya. Something's wrong. Isang araw nya pa lang itong nakakasama pero palagi syang tumatawa at ngumingiti. She's happy with him. Mali. Hindi dapat lumambot ang puso nya.
"Akin 'yan?!" hindi makapaniwalang bulalas nito. Those are expensive and signature clothes. "Akala ko ba ginawa mo lang akong reference dahil kasing katawan ko ang taong pagbibigyan mo nyan."
"Yup! Ikaw 'yun. I don't like working with walking rags, okay."
Natahimik ito sa sinabi ni Hannah. Madalas nakakasakit ang matalas nyang dila but she's always like that─frank.
"Look, kung gusto mong irespeto ka ng tao sa paligid mo─wear something appropriate, okay."
"Hindi ako tumatanggap ng libre. Baka may kapalit ang mga iyan. Saka hindi naman presentable ang suot mo."
May point ito. Paano nya ito makukumbinsi kung sya na nang-i-impluwensya rito ang unang makikitaan ng mali.
Inalis nya ang kanyang suot na wig. Lumadlad ang kanyang mahabang buhok.
"I'm gay! Walang kapalit 'yan. Paano ka igagalang ng mga future employee nyo kung ganyan ang itsura mo, aber!"
"Kahit na, dapat sinabi mo muna sa akin."
Napailing si Hannah. Kung ginawa nya 'yon siguradong sira ang kanyang plano.
"O, sige 'di itapon na lang 'yan sa basurahan." inis na wika ni Hannah. She doesn't care kung mahal ang mga iyon. Pagod sya sa maghapong pagpapanggap at paglilibot sa mga mall. If Lian doesn't accept it talagang itatapon nya ang mga iyon.
"Itatapon mo? Ang mahal ng bili mo dyan, ah." may panghihinayang sa tinig nito.
"Who cares? I own millions! Get it or I'll throw it away. Hindi ko rin magagamit 'yan. It's too manly for my taste! Kaloka!"
Saglit iyong nag-isip pagkuwa'y kumilos ito para kunin ang mga pinamili nila. Pinigil ni Hannah ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Sigurado kang walang masamang kapalit ang lahat ng ito? 'Wag kang umasa na ibibigay ko sa'yo ang bagay na gustong makuha ng kalahi mo sa aming mga lalaki."
Worried si Lian. Pinigilan ni Hannah na mapahagalpak sa tawa. Allergic na takot pa ito sa kanya. Magagawa nitong manlaban bago pa mangyari ang sinasabi nitong masama nyang balak.
"Excuse me! Hindi ka delicious! Si Fafa Freedom lang 'yon."
"Kung inaakala mong tutulungan kitang mapalapit sa kaibigan ko nagkakamali ka. Salamat na rin sa mga ito."
Ang taray ng lolo mo! Hindi nya project si Freedom. Sa tindi ng bad image nya kay Freedom ngayon, malabong mangyari ang sinasabi nito.
Bumaba ito ng sasakyan. Hinintay nyang makapasok ito sa gate bago sya umalis.
"Hmp! May araw ka rin, Lian."
AFTER a month, ready for opening na ang computer shop na pinagsosyohan ni Hans at Lian. They name it NetCoven. Hindi lubos maisip ni Hannah kung bakit ganoong klase ng negosyo ang itinayo ng dalawa. Napakaraming existing computer shop ngayon na nagkalat. In short, maraming competitors.
Since opening ng computer shop. Nag-offer ng iba't ibang promo ang NetCoven. Napansin ni Hannah na puro kabataan ang nasa loob ng computer shop. Kabaliktaran sa kanyang iniisip ang naging resulta. Iniisip nya na since bago lang ang computer shop, unti lang ang pupunta roon.
Ang mga kabataang iyon ay nasa existing computer shop na ang loyalty. Well, syempre iyon ang una nilang kukunin sa mga existing customer ng kakumpetensya nila. Business is about competition. Wala syang idea sa marketing strategy ni Lian. She was there to make sure na maitatayo ang negosyong naisip ni Lian at ng kanyang kapatid.
After a month isa na namang shop ang magbubukas. Sa university belt ang location noon. Itong kabubukas ay sa isang mall ang location. This is Hans first gamble.
As of now, her brother is doing an on-line games. Iyon ang pinagkakaabalahan nito bago pa ito tumungo ng ibang bansa. Uso ngayon ang mga on-line games. Hans is making money in his field. Siguro panahon na rin para asikasuhin nya ang kanyang career.
She is always a princess, pero ngayon gusto na nyang magbanat ng buto. She needs to prove something worth in her profession. Pangarap nyang makilala sa larangan ng fashion industry. Gusto nyang maisuot ng mga kilalang tao ang kanyang mga design. Those people are in showbiz. That's the easy way to become a well-known fashion designer.
"Hey, Harriette!" Nagising mula sa pagmumuni-muni si Hannah habang nakatayo sa
labas ng NetCoven. Isang grupo ng mga kalalakihan ang paparating. Mga barkada iyon ni Lian.
Pito lahat ang parating na barkada ni Lian. Malayo pa lang ay nakangiti na ang mga iyon. Kumaway sya sa mga iyon. Aware ang mga ito na kapatid sya ni Hans. Sa ilang beses na paghatid-sundo nya kay Lian ay malimit nyang makita ang ilan.
"Wala kayong work ngayon?" nakangiting tanong nya sa mga ito.
"Sunday ngayon. Maglalaro kami ng dota." sagot ni Mark. Karamihan sa mga iyon ay alam na nya ang pangalan.
"Sige, pasok na kayo. Nasa loob si Lian."
"Sige, Harriette." si Ron.
"Join ka sa amin," yaya sa kanya ni Alvin.
"No, thanks." mariing tanggi nya. Wala syang hilig sa mga on-line games kahit LAN games kaya kahit turuan sya ay hindi sya matututo dahil mas hilig nyang mag-drawing.
"Guys, wait!" Tumigil ang mga iyon at muli syang nilingon. "My name is Hannah, gets nyo?" mataray na wika nya.
"Naman!" sabay sabay na sagot sa kanya.
Natawa si Hannah sa kakengkuyan ng mga iyon.
"Sayang 'noh, mukha talaga syang babae. Kung hindi lang talaga─baka niligawan ko pa sya." narinig nyang wika ng isa sa mga iyon.
"Lol! Hindi ka nya papatulan kung babae sya. Si Freedom nga ang type nya. Buti na lang at may asawa na si Freedom."
"Pero ang ganda nya para sa isang bakla. Ang seksi pa!"
Natigilan si Hannah. Tama ba ang kanyang narinig? May asawa na ang kanyang ultimate crush! Nakadama sya ng panghihinayang. Huli na para sa kanya. Hindi na pwedeng pagpantasyahan ang kanyang ultimate crush.
IPINASYA ni Hannah na magtungo sa isang restaurant sa naturang mall. Katatapos nya lang mag-shopping. Nagutom sya sa kakalibot. Napag-isip isip nyang kaya namang i-handle ni Lian ang lahat. He hired a competitive staff. Ito mismo ang nag-interview sa mga staff nito.
Base sa mga kilos nito habang kasama nya, napag-aralan na nito ang lahat tungkol sa negosyo. Business minded ito. Seryoso ito pagdating sa negosyo. Sa mga nakalipas na mga araw, puro negosyo ang kanilang pinag-uusapan. Nawala ang pagsuplado nito. Nabawas bawasan din ang pag-arte nya dahil sa totoo lang wala naman syang masyadong alam sa gay lingo.
"O, nandito ka lang pala." bulalas ni Lian ng magkasalubong sila. Palabas sya ng department store. Ito naman ay may dala-dalang pizza.
"Boring kasi, eh. So this is it." Itinaas nya ang mga bitbit na paper bags.
"Kita ko naman, eh."
Kapwa sila natahimik. Pakiwari nya ay may gusto itong sabihin ngunit nagdadalawang isip. Napataas ang kilay ni Hannah. Hanggang ngayon hindi pa rin nito sinusuot ang mga binigay niyang damit.
Ang paborito nitong t-shirt na kulay brown─may print iyon na Mr. Bean na animation─ang madalas nitong isuot. Minsan kulay black na t-shirt o kaya kulay maroon. One time nakita nya rin na isinuot nito ang isang napakalaking long sleeve na faded light blue.
He looked like a shit that time. Nakalilis hanggang siko ang manggas ng long sleeve na suot nito. Hindi iyon naka-tuck in kahit mahaba. With matching maong jeans and sneakers. Kulang na lang na batuhin nya si Lian ng mga panahong iyon.
"Treat kita ng coffee,"
Nagtaasan ang dalawang kilay ni Hannah. Hay naku! Magyayaya lang palang magkape pero ang siga ng boses. Pakiramdam nya, isang goons ang nagyaya sa kanya. Himalang nagyaya ito. Hindi bagay dito na maayos ang trato sa kanya. Sanay na sya sa pagsusungit nito sa kanya. Madalas nyang asarin ito sa pamamagitan ng pangse-seduced.
"O, baka mag-isip kana naman dyan ng kung anu-ano." Hindi nito gustong ma-misinterpret ni Hannah ang imbitasyon.
"Whatevah! Walang akong iniisip na gano'n, excuse me! Beautilicious ako para patulan ang tulad mo 'noh!"
Masyadong defensive si Lian just to emphasize na hindi ito pumapatol sa ‛kauri' nya.
"What about that?" inginuso niya ang bitbit nitong dalawang box ng pizza.
"Mamaya na 'to. Naglalaro pa naman sila Mark, eh."
"Okay," aniya at mabilis na hinila ito papunta sa pinakamalapit na Starbucks.
Minsan lang itong manlibre kaya mahal na ang kanyang pipiliin. Kuripot ang loko. Kape lang ang ipapainom sa kanya samantalang sa mga kaibigan nito─pizza!
Ito ang nag-order para sa kanilang dalawa. Alam na nito ang gusto nyang inumin dahil sa madalas nilang pagsasama. Hindi nagtagal naroon na ang kanilang order.
"Do you think magiging successful itong business nyo ni Hans?" tanong niya rito.
Dahan dahan nyang sinimsim ang black coffee. Matiim siyang tinitigan ni Lian.
"Oo naman." tipid na sagot nito.
"How can you be so sure? Ang dami nyong kakumpetensya."
"Wala kang tiwala sa kakayahan namin ni Hans?"
Salubong ang kilay ni Lian.
"Hin─,"
"As you can see, maraming computer shop ang nagsulputan but their purpose were just used by the customer. Oo nga, iyon ang main concern ng business. Aside from the existing service that we offered─usually offered, Hans and I will be conducting a monthly tournament on each branch. LAN games or on-line, we'll be gathering all the best players in town for a challenge.
"We'll make sure na mag-e-enjoy ang mga customers. Since magkasama kami sa guild at parehong game master, madali na lang para sa amin ang mag-advertise at mag-invite ng mga player. Hans will also designing our own website. Soon papasukin na rin namin ang ibang line of business. Computer related din since iyon ang forte namin."
Napatango-tango si Hannah sa narinig. Most of youth spend their time playing on-line or LAN games. Inaabot pa ng alas kwatro ng madaling araw ang iba. Kahit may mga asawa't anak na ang ilan, naglalaro pa rin ng mga computer games.
Napangiti si Hannah. Iyon na ang pinakamahabang sagot na nakuha nya kay Lian. Hindi na puro ‛tigilan mo ako' ang naririnig nya mula rito.
"Impressive! I think you need something."
Binuksan ni Hannah ang kanyang hand bag. Kinuha nya roon ang isang card. Inabot iyon ni Hannah kay Lian.
"Ano na naman ba ito?" tanong nito.
"It's a membership card."
Tinitigan si Hannah ng masama ni Lian. Sa lahat ng mga taong nakakakuha ng privilege, ito ang mareklamo. Grasya na ang lumalapit mabigat pa sa loob nitong tanggapin iyon.
Ipina-registered nya si Lian sa isang sikat na fitness center. Lahat ng payment diretso sa kanyang credit card. Hindi sya susuko sa kanilang pustahan ni Hans. Hanggang ngayon wala pa syang progress. Hinihintay nya kung kailan lulunukin ng lalaking ito ang sariling pride. O, kaya maumpog ang ulo.
"Gusto mo ba akong baguhin? This is what I am, Hannah." mahinahong wika nito ngunit mahahalata ang pagkairita sa boses.
"You? I'm not changing you... I'm helping you to look decent." She didn't believed him. Nakita nya ang mga pictures nito noon. Ipinakita iyon ng kapatid nitong si Faye ang mga pictures ng magpunta sya sa bahay nito. Matino ang itsura nito noon.
Pinagmasdan nito ang sarili saka muling tumingin kay Hannah.
"Disente naman ako, ah. Buti kung nakahubo't hubad ako sa harapan mo."
"Well, I don't see the reason kung bakit ayaw mong mag-improved ang itsura mo. Kumakain ka ba? Honestly, mukha kang pulubi."
Tumiim ang bagang nito. Kung hindi nya ito nakasama at hindi pa nakausap kahit isang beses, matatakot sya sa mga titig nito. He's eyes expressed hatred, pain, and sadness. Madalas seryoso lang ito. Hans told her, emo raw ang lalaki.
Aside from failured relationship with Ruth, wala na syang ibang alam tungkol sa mga past experiences nito. Hindi nya ugaling magtanong at mayroon pa itong atraso sa kanya.
"Ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Ayaw kong pinapangunahan ako."
Naman! Natatagalan ang progress ng misyon nya. Hindi sya pwedeng matalo sa pustahan.
"Okay, keep it. If you change your mind, gamitin mo 'yan. Sooner or later mare-realized mong tama ako. You don't have to thank me."
"Bakit mo ba ginagawa ito?" puno ng pagdududa ang tanong nito.
Muling uminom si Hannah ng kape. Hindi ito mind reader kaya malabong makatunog ito sa mga nangyayari. She's a good actress dahil kung magaling itong makahalata, noon pa sana natuklasan na nitong hindi sya bakla.
"Let just say, I'm doing this for charity."
"I don't believe you!"
BINABASA MO ANG
Complicated love
Lãng mạnNasa cloud nine ang pakiramdam ni Hannah pagkakita nya sa kanyang ultimate crush na si Freedom Aicen Saavedra. Naging mabilis pa sa rocket na bumalusok pababa ang pakiramdam na iyon ng umeksena ang kaibigan nitong si Jinn Lian Verde. Walang pakundan...