Chapter 6

165 1 0
                                    

"FINALLY, may babae rin sa aming mga bisita."

Isang babaeng buntis ang sumalubong kina Hannah at Lian. Nagtawanan ang mga barkada ni Lian dahil sa sinabi ng babae. Obvious na pinagtatawanan ng mga iyon ang babae. Pinigil ni Hannah na mapangiti.

Maang itong tumingin sa barkada ni Lian.

Nang yayain sya ni Lian na dadalo sila sa isang birthday party, hindi nya alam na isang children's party iyon. Mula sa sala ay tanaw ang garden kung saan maraming bata ang nagkakasiyahan. Hindi nya rin alam na naroon lahat ang barkada ni Lian.

"What's so funny?" inis na tanong ng babae.

Nagsipagtahimik ang barkada ni Lian. Ngunit pinipigil lamang ng mga iyon ang pagtawa. "I'm Hannah, sorry, hindi ko alam na children's party pala ito. Hindi ako nakabili ng gift." hingi ng paumanhin ni Hannah. Inirapan nito ang barkada ni Lian bago humarap sa kanya.

"May topak siguro 'yang si Lian kaya kung ako sa'yo 'wag kang magsasama dyan. Delikado 'yan." pabirong wika nito.

Napakamot ng batok si Lian. Kanina nya pa inoobserbahan ang mga barkada ni Lian. Napatahimik ang mga ito ng babae. Maging si Lian ay hindi gaanong kumikibo. Takot ang mga ito sa babae.

"Anyway, I'm Felicity. Freedom's wife."

"Ikaw ang asawa ni Freedom?!" gulat na bulalas ni Hannah. Lumingon sya kay Lian. Anong naisip ng lalaking ito at isinama sya roon.

Marahil pinagsususpetsahan pa rin sya nito na may pagnanasa sa kaibigan nito. Maliit na babae ang asawa ni Freedom. Sa tantya nya nasa five feet and two inches ang height nito. Simple lang ang ganda noon. Morena ang kutis. Kataka-takang ito ang naging kabiyak ni Freedom. Ang alam mga tisay ang tipo ni Freedom. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

She's one of a kind. Anong mayroon sa babaeng ito para mapasunod ang mga pasaway na barkada ni Lian?

"Unfortunately, yes. Come, I'll tour you around. Hindi ka mag-e-enjoy na kasama ang mga lalaking 'yan. Puro dota lang ang laman ng utak ng mga 'yan."

Bago pa nakasagot si Hannah nahila na sya nito palayo kay Lian. Nakarating sila sa garden kung saan naroon ang mga batang nagkakasiyahan. May dalawang clown na nag-a-assist sa mga bata. Kasalukuyang nagpapalaro iyon ng Mary go round. Nakabantay ang mga yaya ng mga batang naroon.

"Mommy!"

Dalawang bata ang kumaway dito. Namangha si Hannah sa nakita. Oo nga't alam nyang may asawa na ang kanyang ultimate crush pero hindi nya alam na may anak na rin pala. Kambal pa! Ilang buwan pa lang ang nakalipas mula ng mabalitaan nyang may asawa na ito.

Gumanti ng kaway si Felicity sa mga anak nito.

"Hi, honey!" Agad na humalik ang bagong dating kay Felicity. Si Freedom! Nanlaki ang mata nito ng makita sya. Para itong nakakita ng multo.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo rito?"

"H-ha?!" Hindi alam ni Hannah kung paano magre-respond sa tanong nito. Hindi sya welcome sa lugar na iyon. Pakiramdam nya, nais sya nitong sipain palabas ng bahay.

"Honey, 'wag kang ganyan sa bisita natin. Sya lang ang female sa crowd. He's with Lian." saway nito sa asawa.

"Paano mo nakilala si Lian?"

Nagkaroon ng bikig sa lalamunan ni Hannah. Puno ng pagdududa ang tingin nito sa kanya. Wala syang ideya na sa bahay ng mga Saavedra sila magtutungo.

Hindi nya alam ang motibo ni Lian sa pagdadala sa kanya sa lugar na iyon.

"Business partner ng brother ko." sagot niya.

"What's the point of questioning her? Doon ka muna sa barkada mo. Leave Hannah to me." Hinila nito palayo si Hannah. Napansin nito ang pagiging uneasy ng bisita. Naramdaman nito ang indifference ng asawa sa pamamaraan ng pagtatanong. Kanina pa nito napuna na tila may issue sa bisita kaya ganoon ang reaksyon ng mga barkada ng asawa.

Complicated loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon