TAKOT na napaatras si Hannah. Agad nyang dinampot ang rosary at holy water na nakapatong sa shelves na lagayan ng mga vase collection ng mommy nya sa living room. Nagsitayuan ang balahibo ni Hannah ng maalala ang tanawin sa kwarto ni Lian.
"Huwag kang lalapit!" nanginginig na babala nya rito. Itinapat nya rito ang hawak na rosary. Winisikan nya ito ng holy water. "Umalis ka masamang espiritu!"
Walang epekto. Nanlilisik ang mata ni Lian habang papalapit sa kanya. Nag-usal sya ng panalangin ngunit patuloy pa rin ito sa paglapit sa kanya.
"Saint Therese, Jesus, Mary, Joseph, God, help me!" Natawag na yata ni Hannah ang lahat ng kilala nyang santo ngunit wala pa ring himala. "Oh, god! Ayaw kong maging alay. I love my life. I promise, hindi ko na iba-blackmail si Hans!"
Nagwisik muli si Hannah ng holy water. Nakalimutan yatang basbasan iyon ng pari. Hindi umeepekto. Paano nya mapapalayas ang kampon ng demonyo?
"I'm not virgin, virgin woman lang ang inaalay. Not me, please! Oh, god! Help me! Demon!" nagtitili si Hannah sa takot.
Na-corner sya nito. Wala na syang aatrasan pa. Katapusan na nya. Kung kailan nya kailangan ng tulong saka wala naman ang mga bruhang katulong. Aabutan na lang syang malamig na bangkay!"Spare my life! Don't kill me, please!" Napapikit si Hannah ng hablutin nito ang kanyang kamay. Sa mga kamay nito magtatapos ang kanyang buhay.
Tunog ng nabasak na base ang nagpamulat sa mata ni Hannah kasunod ang pagbagsak ng walay malay na katawan ni Lian. Labis ang tuwa ni Hannah na niyakap ang kanyang
tagapagligtas. Iniligtas sya ni Manang Eba. Hinataw nito sa ulo si Lian."Anong kaguluhan ito?" humahangos na tanong ni Hans. Nanggaling pa iyon sa silid nito. "Anong ginawa nyo kay Lian?" takang tanong nito. Agad nitong binuhat ang walang malay na kaibigan. Inilapag iyon sa mahabang sofa.
"Ligtas na si Hannah sa kanya. Hinataw ko sya ng vase sa ulo. Takot na takot ang kakambal mo. Mapanganib pala ang lalaking 'yan." wika ni Manang Eba. Yakap pa rin nito ang nanginginig na alaga.
"Whaat! You could have kill him! Are you both insane! I never thought you still want to avenge!" galit na baling nito kay Hannah.
"Hans, he's a demon. Ayoko pang mamatay! Iaalay nya ako tulad ng mga iba pa nyang biktima." Walang alam ang kapatid sa tunay nitong pagkatao.
"Nagdadrugs ka na ba ngayon? Anong demon na pinagsasabi mo?" Sinuri nito ang ulo ng kaibigan. May dugo iyon. Agad itong lumapit sa telepono para kumontak ng duktor.
"Nakita ko ang kwarto nya. He worship satan! There are lots of skull, blood and monster!" Isang matalim na sulyap ang natanggap nya mula kay Hans. Kinausap muna nito ang taong tinawagan bago sya hinarap.
"Tonta! Nagtitili kang parang baliw dahil doon! My god! He did that for Helios! He was designing the map and the evil creatures for my games. Kinailangan nyang pinturahan ng itim ang kwarto nya para magmukhang realistic ang flow ng game plan."
Natigilan si Hannah. Totoo ba ang sinasabi nito? Pinagmasdan nya ang walang malay na si Lian. Nabasak yata ni Manang Eba ang bungo nito.
"T-Totoo ba ang sinasabi mo? I thought it's real."
"If he's a demon. He won't let you live after you played trick on him. Kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa mo kay Lian. Nakita mo na bang gumawa sya ng masama? Hinusgahan mo na agad 'yung tao. My god! Idea ko ang lahat ng iyon. He was helping me for Helios!"
"Oh, no!" Patakbong lumapit si Hannah sa walang malay na si Lian. Maging si Manang Eba ay hindi makapagsalita.
Napaiyak si Hannah. Para syang tanga! Masyado syang nagpadala sa takot. Hindi nya ito hinayaang magpaliwanag. Nasaktan pa ito ng dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Complicated love
RomanceNasa cloud nine ang pakiramdam ni Hannah pagkakita nya sa kanyang ultimate crush na si Freedom Aicen Saavedra. Naging mabilis pa sa rocket na bumalusok pababa ang pakiramdam na iyon ng umeksena ang kaibigan nitong si Jinn Lian Verde. Walang pakundan...