Simula

3.6K 76 4
                                    

"AYDEN!"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may sumigaw ng sobrang lakas sa pangalan ko. Para akong aatakehin sa puso.

Galing ang tinig sa likod ko. Paglingon ko, papalapit ang babaeng lukaret—walang iba kundi ang nag-iisa kong maharot na kaibigan, si Zandaya. The maingay girl.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay, sabay tingin sa kanya nang inis. Napalingon tuloy ang mga tao sa paligid namin. Agaw-pansin talaga ang babaeta.

Ngumisi siya sa akin pagkakalapit, at parang walang pake sa mga taong nakatingin. Inabot niya sa akin ang isang invitation card. Napatingin ako ro'n. Kulay itim ang cover at may nakasulat na Welcome Party.

"Para saan naman 'to?" tanong ko habang kinukuha ang card at binuklat ang loob.

To Ms. Cruz: You are invited, Zandaya Ria Cruz, to the Welcome Home Party of Yisreal & Yavin Alston, on Saturday, February 26, 5–8PM. Subdivision of Alston House.

Binasa ko ang nakasulat.

"Binigay sa 'kin ni Ate Ara kanina lang," masaya niyang sabi sabay agaw ulit sa card.

"Umuwi na pala ang apo ng dating mayor rito sa lungsod," sabi ko habang tumango. Kilala ang pamilya Alston sa bayan ng Bantayan dahil sa dami ng ari-arian at dahil na rin sa pagiging dating opisyal.

"Oo, nung isang araw pa daw. At alam mo ba, narinig ko sa mga college students—dito rin daw mag-aaral ang magkapatid!" kwento niya. Chismosa talaga.

"Ang galing mo talaga sa balita," sabi ko sabay irap habang pinagyayabang sa akin ang card. Tsk, ibang klase.

"Ako pa ba."

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga, may klase pa tayo," sabi ko habang nauuna nang maglakad.

Pareho kaming sa iisang school nag-aaral pero hindi kami mag-classmate. Ako, first year college, sa kurso na Business Administration major in Human Resource siya naman ay nasa BSED major in Filipino. Magiging guro raw, pero ang harot.

"Hoy, saglit!"

Pagdating ko sa classroom, kanya-kanyang usapan ang mga kaklase ko. Ang pinaka-topic ng karamihan ang party sa Sabado. Marami rin palang imbitado. Bakit kaya ako hindi nabigyan ng invitation? Sabagay hindi kilala.

Binanggit ni Zandaya kanina na kailangan daw ng invitation card para makapasok sa party—mahigpit daw ang pamilya Alston. Saklap para sa isang tulad kong hindi naimbitahan.

Umupo ako sa paborito kong pwesto, sa dulong bahagi ng room malayo sa maiingay at magugulo kong kaklase.

Wala pa ang second professor namin para sa subject ngayon. Gusto ko sanang tumambay muna sa library para maki-connect sa wifi. Kailangan kong makahanap ng online job na pwede sa status ko ngayon. Mahirap maging working student, pero kung gusto mo, may paraan talaga.

May 45-minute break kasi kami after ng unang subject. Sa canteen ako tumambay kanina.

Hindi na kaya ng budget ko na magpa-load, kaya kailangan kong maghanap ng pansamantalang trabaho para makabayad sa mga dapat bayaran. Ang hirap ng buhay, kaloka.

"Ayden?" tawag ng isang pamilyar na mahinhin na boses. Napatingin ako sa harap, at nakita ko siyang nakatingin sa akin, halatang nagtataka.

"Oh, bakit?" Ngumiti ako sa kanya sabay ayos ng upo.

"Tulala ka kasi. Kanina pa kitang tinatawag, di mo naman ako pinapansin," sabi niya sabay tawa nang mahinhin. Sh*t, ang cute niya.

"Ay, sorry. May iniisip lang," sagot ko, sabay iwas ng tingin. Nakakahiya, bwesit.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon