Kabanata 19

219 19 4
                                    

Naging tahimik ang buong hapag sa pag-alis ni Sirgun. Si ama at King Muhro ay naglayo na rin at nagsibalikan sa kani-kanilang upuan. Nilingon ko naman ang taong nakayakap sa akin kanina at nakitang si Princess Nirvana pala ito. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay maliit siyang ngumiti ngunit walang ibang sinabi. Bumalik na rin siya sa kanyang upuan.

Hinawakan ako sa braso ni Prince Crusoe upang igiya sa magiging upuan ko at nasa tabi niya 'yon. Habang katabi niya naman si Prince Caveri at ang nasa kaliwang bahagi ko naman ay si Prince Cordan.

"This is unexpected, Cosmo. We didn't know that you can hide this all this years. Nagkaanak pa pala kayo, Alzesta..." 

Hindi sumagot si ama, ganoon din si ina. Ngunit ang pananahimik nila ay isang sagot na para sa lahat.

"We just want to protect our youngest, Haddonz. After what happened fifteen years ago... is a big disaster for all of us." Sagot ni ama.

Bumaling sa akin si King Muhro at nakakunot pa rin ang kanyang noo tila hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ang lahat.

"She was born on the day of war, Muhro..." mother said.

"I'm sorry if, hindi kami nakatulong sa inyo noong araw na 'yon. Muhro's sister..." ngumiti si ina kay Queen Nobalia bago umiling.

"It's in the past. I hope this time... we will fight the war together." Malumanay na sabi ni ina.

"Of course, Alzesta. We have been friends when we were still in the age of your daughter. This time, we will make sure that we will fight together." King Haddonz Macquioed said.

Kung ganoon ay mas matibay at malakas na ang samahan nila kung kaya't gano'n na lang ang galit ni King Muhro noong itago ako ni ama sa kanila.

"Muhro, stop staring at my daughter!" giit ni ama kaya nagtawanan sa hapag.

Ngunit hindi ngumiti si King Muhro at umiwas lang ng tingin sa akin habang kunot pa rin ang noo. Hinaplos ni Queen Nobalia ang kanyang braso at may binulong rito na ikinatango niya naman. Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo at muling sumulyap ulit sa akin. Mabilis naman akong nagbaba ng tingin sa platong kaharap ko.

"Everyone, I planned to introduce Cresentia earlier. But I found out that there are enemies that was spread around the hall. Kaya napagkasunduan namin ni Alzesta na sa inyo na lang sabihin ang lahat ng ito. Para na rin... malaman niyo kung ano talaga ang plano namin simula pa lang." Mahabang litanya ni ama.

"Naguguluhan pa rin ako... you and Alzesta have a daughter? Paanong nangyari 'yon na ng hindi namin nalalaman, Cosmo?" Queen  Indira Macquioed asked.

Narinig ko na ang mga pangalan nila kanina kaya hindi na mahirap sa akin na matandaan kung sino sila at saang palasyo nagmula.

"Masasabi kong magaling talaga ang mga Gallomour pagdating sa ganito." King Haddonz said while smirking.

"Stop with this! I want to know the truth, Cosmo." 

Halata ang panggigil at galit sa mga mata ni King Muhro. At hindi ko naman siya masisisi roon. Matagal na inilihim ni ama ang tungkol sa akin at alam kong malaking parte sa kanila ang sikretong ito. Bumaling ako kay Queen Nobalia at kahit siya ay titig na titig sa akin na para bang napakahiwaga ko. 

"Itinago namin siya dahil alam niyo kung gaano kagalit ang mga grupong iyon nang mamatay ang pinuno nila labing-limang taon na ang nakakaraan. We know that we didn't defeat them on that war. The son of the deceased leader will probably the one who's running that group now. And he will seek for revenge, I'm sure of that. Galit siya sa mga Gallomour at hindi lang sa pamilya namin kundi pati sa Vernissas, Maquioed at Le Vimoux. " Naiiling na sabi ni ama.

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now