FORGIVENESS
Skyller is having the best time in his life inside a bar with his friend. He needs to forget the pain that his wife left to him. Masaya ang asawa niya sa piling ng iba kaya kailangan masaya din siya at hindi mag mukhang talunan. How come that his wife cheated on him, he has good looks, wealth and everything that a girl would ever wanted. Just how come!
"Sky tama na iyan, pang ilang bote mo na 'yan ng alak ah?" Saway sa akin ng kaibigan ko na si Marcus. Kanina pa ako nahihilo pero wala akong pakealam, gusto kong maglasing hanggang mawalan ako ng malay.
"Just leave me be, Marc! I want to get wasted to forget her!" Sabi ko sabay laklak ng alak. Tumingin ako sa kaibigan ko at tinanong ito. "May mali ba sa akin. May pagkukulang ba ako kaya niya ako pinagpalit?"
"There's nothing wrong with you, Sky. Hindi pa nga natin alam kung bakit ka niya pinagpalit kaya huwag ka masyadong OA. We still need to hear her side." Sambit naman ni Vraile. Umiling lang ako at tumayo para sumayaw sa dancefloor ng bar. Pinigilan ako nila Marcus pero hinawi ko lang ang mga kamay nila at masayang lumundag sa dancefloor.
Maraming dumikit na mga babae sa akin habang sumasayaw ako. I danced through the rhythm of the music and grinned my lower body to the girl who is infront of me. I was dancing freely on the dancefloor ng may humapit sa balikat ko at hinila ako palabas ng bar. Naguluhan ako at nagpatianod na lang sa humihila sa akin. Bago ako tuluyang makalabas ay nakita ko pa ang mga kaibigan ko na naghihiyawan habang nakasulyap sa akin, mukhang masaya ang mga loko.
Bumitiw ako sa pagkakahawak ng kung sino sa akin at hinarap ito. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata namin ng asawa ko. I saw hurt in her eyes and tears are building in it. Gusto kong magsalita pero walang may lumalabas sa bibig ko na kahit ano.
"I was just away for a day at makikita kong may kasayawan at kalandian ka ng iba. How dare you, Sky?" Sigaw nito habang umiiyak. Gusto kong punasan ang mga luha nito pero naalala ko na galit ako sa kanya kaya hindi ko na itinuloy.
I scoffed. "Nakikipaglandian. Wow naman, big word. Coming from you talaga. E ikaw, bakit ka nawala ng isang araw? Para makipaglandian sa kabit mo! Pathetic who—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa sampal. My wife just slapped me hard!
"I didn't know na ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin, Sky. We were together for eight years for heavens sake. Hindi ba dapat alam mo na hindi ako ganyang babae. I have my reason and it is for the both of us!" Iyak nito sa harap ko.
"Reasons huh? Tell me, what is that Reason!"
"Sky, I can't tell you." Iling nito habang umiiyak. Namumula na ang mata nito. I examined her, she's wearing an old blouse and a jeans. Naka tsinelas lang din ito. Pero natutok ang mata ko sa pasa nito sa braso. Nangingitim na din ito. Lumapit ako dito at hinawakan ang braso niya.
"Where did you get this?" Asik kong turan. Tumingin ako sa mga mata nito pero nag-iwas ito ng tingin. She's hiding something from me. "Sinasakan ka ba ng lalaki mo?!" Galit kong sabi. Who did this to her? Makakapatay talaga ako ng tao.
"Hindi niya ito kagagawan." Sabi nito. I know she's lying pero wala akong magagawa. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit niya ako hinila pinalabas. Hindi naman nito gagawin dahil lang sa may kasayawan ako sa loob. My wife is not a jealous type of girl but when she does, prepare for a war.
"Bakit mo ako dinala dito sa labas. May sasabihin ka?" Mahinahon kong tanong. Pinahid nito ang mga luha sa pisngi at tumingin sa akin.
"Pumunta ako dito para humingi ng tawad." Panimula nito. Hindi ko ito tiningnan. Tinuon ko lang ang pansin ko sa mga dumadaang sasakyan sa harap ng bar. "Sky, I-I'm sorry, alam kung galit ka pero pwede bang patawarin mo na ako. Kahit ito lang bago ako umalis. Please." Pagmamakaawa nito. She's leaving huh? Eight years of fucking relationship at masisira lang dahil sa problemang ito. Why can't you stay with me Risse?
BINABASA MO ANG
BS1: HOW MUCH FOR YOUR LOVE?
General FictionWill she ask for forgiveness? Or will she ask, how much for your love?