Chapter 24: School Fair I

3.8K 148 7
                                    

Sapphire's POV


Ilang buwan na ang nakalipas at madami na ang nangyari katulad ng kay Mike at Fia na mag-on na, si Kuya Rence ay bumalik na sa school dahil sa mission at ang pagtatampo lagi sa akin ni Lucas. Hindi pa rin bumabalik si Princess Clementine at hindi ko alam kung kailan pa kami magiging ganito.


"Deep thougts?"tanong ni Lucas na nasa tabi ko.

"Yup. Sa wakas natapos rin yung meeting para sa school fair. Wala na akong kasama tuwing lunch at recess. Si Fia busy sa boyfriend niya. Si Jane naman busy sa pagde-decorate ng hall. Tapos si Claudia naman tinutulungan si Kent para sa mga information para sa events."sabi ko habang nakahalumbaba.

"Well, you always visit the statue of Clementine."sabi niya habang nakatingin sa akin.

"How did you know?"nagtataka kong tanung.

"My office is near there. I always want to see that statue."sabi niya habang nakangiti.


Wala pa rin pala akong laban sa first love niya.


"Hay! Kawawa naman ako. Busy kayong lahat para sa fair habang ako walang ginagawa kung di i-polish lahat ng ginagawa niyo. Almost perfect na nga yung ginawa niyo kaya wala na akong problema. Inaayos ko na lang yung mga clubs and booths."pagmamaktol ko.

"Let's walk."sabi niya at kinuha yung kamay ko.


HHWW... Holding Hands While Walking (^////^)

Hindi ko masasabi kung ano talaga yung totoong status ng relasyon namin pero alam ko na pareho kami ng nararamdaman.


***


"Good morning, everyone! Welcome to Magical Academy and the school fair begin. Enjoy all the booths, foods and etc. Masquerade ball will be held to Dancing Hall this evening at 8 o'clock.  ENJOY AND HAVE FUN!"


Yan ang bumungad sa amin pagpasok palang ng entrance ng school. Di ata ako na-inform dun ah. Di ko akalain na super ganda ng mga palamuti para sa event. Wala talagang tatalo sa design nina Euphy, Jane at Raine.


"Let's go!"sabi naman ni Fia at dali-daling pumunta sa food stalls kasama si Mike. Ano pa ba ang aasahan mo sa dalawa?

"Uhmm... Hihiwalay muna ako. I need to check if there's any problem."sabi ko at umalis.


Ikaw lang ang walang ka-partner di ka pa ba aalis? Nasaan na ba yung bakulaw na yun?


Inikot ko naman ang bawat stalls and booths para ma-check kung may mga problema.


"Who is this?"bulong nito sa aking tenga habang tinatakpan yung mata ko.

"L-U-C-A-S." I spelled out.

"Bingo!"


At bumangad sa akin ang napakagwapong mukha ni Lucas with matching shiny background. Baliw na nga ako. Naririnig kung may kumakantang anghel at may nakapaligid na bulaklak kay Lucas. Ganito ba ang nangyayari pag-inlove sa isang tao?


"Are you okay? You're spacing out."

"Yup. Saan ka ba galing?"

Magical Academy (R&F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon