CHAPTER 3

6 3 0
                                    

VONGOLLA

I woke up by the sound of a loud music coming outside of my room. Kinusot ko ang mga mata ko at dahan dahang umalis sa kama. Sino naman kaya itong nagpapatugtug ng ganito kalakas sa umaga? Ang sakit sa tenga.

Pagkababa ko sa kama ay dumiretso muna ako sa may bintana at binuksan ito para makalanghap ng sariwang hangin. Klaro ko sa bintana ang magandang tanawin sa labas, mga naglalakihang mga building sa siyudad, tinatakpan na ng mga ito ang magandang pagbungad ng araw. Ilang minuto muna ang tinagal ko sa pagmamasid sa labas ng bintana bago napagpasyahan na pumunta na sa banyo para maligo.

Mabilis kung tinapos ang paglalagay ng damit at kaagad na lumabas sa silid para magluto ng umagahan para sa aming dalawa ni Kathlyn. Pagkalabas ko galing sa silid ay naabutan ko si Kathlyn na masayang sumasayaw habang kumakanta ng malakas kasabay sa patugtug nitong makakabuhay ng patay.

Dumiretso na lang ako sa kusina at naghanap ng makakain.

"Mabuti na lang e no soundproof itong apartment mo at hindi ka naririnig ng kapitbahay!" Sigaw ko dito habang kinakain ang tinapay na nakita ko sa loob ng ref nito. Sumandal ako sa counter at tiningnan ang pagsasayaw ng kaibigan.

"Pake naman nila sa pinapatugtug ko. My house, my rules!" Taray nito sa akin.

"Akala ko ba aalis ka ngayon papuntang Skyrisse?" Tanong ko, tinutukoy ko ang Restaurant na pag mamay-ari ni Skyller.

Huminto ito sa pagsasayaw at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang magkabila kong balikat at tiningnan ako sa mga mata. Napatanga ako sa ginawa nito kaya napatitig na lang din ako aa mga mata nito.

"Mag reresign na ako doon." Sabi nito na ikina-laki ng mata ko.

"Teka, bakit?" Naguguluhan kung tanong. Bakit niya naman gagawin iyon? Dahil ba hindi na kami mag-asawa ni Sky?

"Wala na din naman akong gagawin doon e, it's better na umalis na lang ako doon dahil panigurado ako na ako ang magiging taga lakap ng chismis no'n tungkol sa'yo." Tila problemado nitong saad.

Napailing ako sa sinabi nito, "Kath, sayang ang position mo sa Restaurant. Malaki ang sahod mo doon. At isa pa, mahirap mag hanap ng trabaho ngayon dito sa Maynila." Ako naman ngayon ang problemado.

Hindi ko naisip na maaapektuhan pala ang trabaho ni Kathlyn dahil sa mga desisyon ko.

"It's my decision, Risse. And actually, kaya din ako mag-re-resign dahil tinawagan ako ni Dad kagabi na pinapa-uwi na ako papuntang Zambales."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Atleast may ibang dahilan pala ito kaya mag reresign sa trabaho. Habang buhay ko talagang dadalhin ang guilt kung umalis talaga ng trabaho si Kathlyn nang dahil sa akin. A sigh of relief escaped my mouth kaya narinig ko ang malakas na tawa ng kaibigan.

"Ano ka ba Risse. Huwag mo nga akong intindihin. At kahit man hindi ako tinawagan ni Dad ay aalis padin ako sa trabaho." Sabi nito, "Oo, ayaw kung maki-alam sa desisyon mo o sa anong meron kayo ni Sky. Pero ito lang din ang matutulong ko bilang nag-iisa mong kaibigan." Diniinan talaga nito ang salitang 'nag-iisa'. "And it's not a big deal naman kung mawawalan ako ng trabaho. Sa akin din naman kasi ipapamana ni Dad ang Resort kaya hindi ako mamumulubi." Dagdag pa nito.

"I'm sorry." I said.

"About what?"

"About everything." Sabi ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa counter at pumunta sa sink. "For not telling my job, for making bad decisions, and for dragging you with my problems."

BS1: HOW MUCH FOR YOUR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon