celestial 2

32 15 5
                                    

My Birthday Gift for her,

||kiannah||
2019


"Naalala mo pa ba 'yung unang encounter niyo ni Brylee?" napapikit ako nang magsalita sa Kristen, nakalabas na kami ng room kasi uwian na. Uwian na nga pero yung bunganga ni Kristen hindi man lang tumitiklop.


"Bwisit ka! Sige ipaalala mo pa!" inis na sabi ko, nginisihan niya lang ako.

"Ako kasi Anya isa 'yon sa mga best memories ko na naiwan sa first year highschool moments ko, or should I say whole year highschool memories ko! HAHAHA ang tanga mo talaga kasi eh. Sayang lang kasi nadatnan kitang naka dapa na, 'di ko nakita nang buo 'yung pagbagsak mo HAHAHA." Tawa siya nang tawa habang ako naman ay napabusangot nalang ang mukha.

Ang saklap kaya non.

Para malinawan kayo isasalaysay ko na, uunahan ko na si Kristen mas nakakahiya kaya kapag siya 'yung magsabi.

Flashback*

"Oy Anya! Bibili lang ako ng Cornetto." paalam sakin ni Kristen, habang ako naman ay busy'ng busy kaka antay na mapuno yung cup noodles ng mainit na tubig.

Hindi ko na tinanaw ang dinaanan ni Kristen, hindi naman siguro 'yun mawawala nasa seven eleven kaya kami.

Nang mapuno na ay kinuha ko na 'yun at itinapon ang mga cellophane na wala ng laman. Bumalik ako sa puwesto ko kanina para kunin 'yung cup noodles at hahanap na ng table namin ni Kristen.

Saktong pagharap ko ay may nakabangga akong siguro ay kasing year ko lang, dahil nga mainit ang dala ko ay nadali ako at napaupo sa sahig, nauna pa pwet ko.

"Oemji, shit tulungan niyo! Ang init nung cup noodles."

"Hala tawag kayo ng staff."

"Omyghod she's so clumsy, she's so blind hindi niya makita who's she passing by!"

"Tumahimik ka nga, 'yang pagka-conyo mo nakakairita, ilalamutak ko 'yang mukha mo sa sahig pag di ka tumigil!"

"Duh I am tama naman diba? She's so tanga tanga."

"Yayawain ka sa'kin!"

Kan'ya kan'ya na sila ng bulungan, napahimas nalang ako sa pwetan ko dahil sa impact ng pagkakabagsak ko. Inantay kong magsalita yung lalaking nakabangga ko pero nanatili lang naman siyang tahimik.

Aba wala ba siyang balak tulungan ako?

Hindi ko magawang iangat ang paningin ko dahil ramdam ko ang mga matang nakamasid sa puwesto ko.

"What should I do?" bulong ko sa sarili.

"Jusko! Ano ba'ng nangyari sa'yo bruha?" rinig kong inis na tanong ni Kristen.

Mas lalo tuloy nadagdagan ang hiyang nararamdaman ko, alam kong pagkatapos ng araw na'to hindi ako tatantanan kaka kat'yaw ng isang 'yon. Peste talaga!

Bago paman makalapit sa akin si Kristen para tulungan ako ay kusa ko nalang hinarap ang kahihiyang ginawa ko, nakayuko lang akong humarap do'n sa lalaking nabangga ko.

"I'm sorry." paumanhin ko.

"It's okay, be careful next time okay? By the way I'm Brylee Ariella." ramdam ko ang pag init ng tainga't pisnge ko, dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya, diretso lang siyang nakatingin sa dalawang mata ko habang nakangiti.

"K-kiannah," ay shet! Wag kang mautal Anya! Nakakadagdag kahihiyan kaya! "Kiannah A-anya Loviuste." inilahad niya ang kamay sa harap ko kaya inabot ko naman ang kamay niya.

Under the Vast CelestialWhere stories live. Discover now