His Present,
||kiannah||
2019"Happy Birthday Kristeeennn!!!!" malakas na bati ko kahit hindi pa talaga ako totally na nakapasok, agad naman akong sinalubong ni tita 'yung mommy ni Kristen.
"Ang aga mo naman hija ala-singko pa nga'y andito kana."
"It's okay tita, by the way where's my sweetheart?" takang tanong ko dahil si tita lang ang narito.
"Nasa mall bumili ng cake."
"Ha? Hindi ba't nag pa cater na ako? May free kaya 'yon." tahang ani ko pa.
"Kilala mo na 'yon." napa buntong-hininga nalang ako.
Inakay ako ni tita paupo sa gawang kahoy na nagsisilbing sofa nila, inilapag ko naman ang dalawang paper bags na naglalaman ng regalo ko.
"Ano 'yan?" biglaang tanong ni tita sabay turo sa paper bag na inilapag ko.
"Regalo ko po kay Kristen." mabilis na naukit ang ngiti sa labi niya.
"Ang swerte naman ng anak ko sa'yo."
"Ako nga po ang masuwerte."
Sandali pa kaming nagdaldalan ni tita bago niya napagpasiyahang pumunta sa kusina para magtimpla ng maiinom.
"Dadating ba ang dalawang kapatid mo hija?" inilapag niya sa lamesang nasa harapan ko ang dala niya.
"Opo siguro mga maya-maya pa, hindi ako sigurado kung sigurado ba talaga silang makakapunta pero sabi naman nila itatry nila."
"Ang ibang kaibigan niyo?"
"Hindi ko po alam, siguro naman ay may inimbita si Kristen na mga iba pang kaibigan niya."
"Ganoon ba? Talagang hihintayin nalang natin siyang maka-uwi. Siya nga pala dadating ang mga pinsan ni Kristen kung okay lang?"
Med'yo natawa pa ako sa sinabi ni tita, selebrasyon ng anak niya tapos ako tinatanong niya kung okay lang ba? Hayyy!
"Of course it's up to you tita, it's her birthday."
Ngumiti lang si tita, kumuha ako ng juice na nasa harapan ko at inilagok iyon. Nasa mid-30's si tita siguro'y mas matanda pa sa kan'ya si mommy dahil walang ka wrinkles-wrinkles, though mom is still beautiful despite of having it to her face. Busy si mom sa business namin kulang din siya sa tulog at isa pa nangungunot rin naman tayo kapag papatanda na.
Ilang minuto pa ang lumipas at palibot-libot lang naman ang paningin ko sa paligid. Hindi maliit ang bahay nila tita, okay na para masabihan silang may kaya.
Ang presko sa loob ng bahay halatang maalaga sila sa paligid, inilibot ko pa ang paningin sa bawat sulok ng bahay nila; but then, something caught my attention.
Isang aparador kung nasaan nakalagay ang t.v at dalawang speaker sa magkabilang side, sa taas ay may sliding door na salamin at napaloob doon ang mga vase, medalya, certificate, at ang nag-iisang picture frame na ngayon ko lang napansin na bago. T'wing birthday lang naman ni Kristen ako makakapunta sa bahay nila rito kada isang taon na sa araw na'to no'ng huli akong makapunta rito.
Sa t'wing pumupunta ako rito, kung ano ang nakikita kong arrangements ng bahay nila ganoon din ang nakikita ko sa susunod na taon.
Bakit ngayon ko lang napansing may bago?
"Tita is that a picture frame? Ngayon ko lang kasi nakita dahil palagi naman akong andito kapag birthday ni Kristen." takhang tanong ko habang ang paningin parin ay napako sa picture frame na tinutukoy ko.
YOU ARE READING
Under the Vast Celestial
RomanceI just have an abstraction about it: someone feels unrequited love with me, whereas I made someone feel the taste of unrequited love from me. To know what love is, does it require hurting someone intentionally? series i complete May 14, 2023 Kianna...