celestial 12

17 10 0
                                    

In Canada with him,


||kiannah||
2021


2 years later...


"Bakit ba ayaw mo akong pagbigyan niyan! Ilang attempt na oh 'di mo parin nakukuha, alam mo tumigil nalang kaya ta--"


"Ayon!" agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa wakas! Nakuha na niya 'yung teddy bear na kanina ko pa hinihingi.


"HAHAHAHA GAGO! ANG GALING!" ani ko sabay hampas sa ulo niya.


"Oh ayan! Saksak mo sa baga mo," aniya sabay diin ng teddy bear sa mukha ko.


Baga ba 'yan?


"Teka nga!" pagpigil ko dahil nauna siyang maglakad sa akin palabas, " Kuwentuhan mo nga ako, paano pala tayo nakapunta ng Canada?" takang tanong ko.


lang taon ko na 'tong tinatanong sa kan'ya pero wala akong matinong sagot na nakukuha, siguro mahigit dalawang taon na kaming nakatira rito. May citizen card kaya siyang ginamit para makatira rito?


"Just a secret,"


"Sagutin mo 'ko ng maayos baka ma sapak kita!" ani ko sabay higop ng inumin, milktea 'to try niyo 'yung wintermelon masarap.


"Tss."


Pasimple nalang akong napa irap dahil sa naisagot niya, kapag nalaman ko talagang trip trip na naman 'to pepektusan ko talaga 'yung nagplano.


Ang naalala ko lang kasi ay 'yung Birthday ni Amore. Bigla nalang akong nawalan ng malay ta's may umalalay sa 'kin, si... Brylee--


"Brylee!" tama! Pinanliitan ko siya ng mata, "Bakit ikaw ang kasama ko? Asaan ang tropa mo?" inis na tanong ko.


"Nasa Pilipinas," ano? Hinahayaan niya ba akong sumama rito sa tropa niya? Gago ba siya?


"Teka nga! Ba't ba ako sumasama sa 'yo eh hindi naman kita kilala!"


"Ewan ko sa 'yo, ikaw kaya ang sumasama."


Napabusangot ako, alangan eh wala naman akong kakilala bukod sa kan'ya oh! Scratch that! Hindi ko siya kilala.


"Siya nga pala, paano tayo nakapunta rito?"


Kita ko ang pagkibot ng labi niya, huwag niyang sabihin naiinis siya sa 'kin?


"Sagutin mo nalang kasi!" ani ko pa,


"Tulog ka kaya wala kang alam, stop asking or I'll leave you here,"


Under the Vast CelestialWhere stories live. Discover now