Her words two years ago,
||amilah||
2021
"Alam mo pangarap ko talagang makapunta sa Jap---" ayan na naman tayo sa pangarap pangarap ni Deozar,"Magtigil ka nga Deozar kanina kapa, naiinis ako sa paulit-ulit mo,"
"Puwede ba, hayaan mo akong dumaldal. Pake mo ba eh talagang pangarap ko naman 'yun, tapos sabay tayong gagala do'n,"
"H'wag mo na akong isama baka ma badtrip ako bilhan pa kita ng imported bag,"
"Ay huwaw! Edi dapat badtripin kita lalo?"
"Tapos susunugin ko sa harap mo,"
"Sabi ko nga hindi na,"
Naglalakad kami patungong cafeteria, it's already 12:15pm pero hindi pa kami kumakain dahil sa isang 'to, imbes na dalawang hallway lang ang dapat naming dadaanan naging tatlo.
Ayoko nalang mag talk sa love life nito.
Sobrang nababadtrip ako ngayong araw, ang daming katanungan sa utak ko na gusto ko ng kasagutan pero wala namang ibang makakasagot ng tanong ko kun'di ako lang.
"May quiz pa pala tayo sa History mamaya 'no, nakapag-aral kaba?"
"Itatanong paba 'yan Ed?" inis na usal ko.
"Sabi ko nga 'di ka nag-aral, ba't ba ang init ng ulo mo?!" inis niya ring usal.
"Malamang gutom na ako dagdag pa bunganga mo,"
"Eto na tatahimik na!"
Pero ang totoo ay hindi ko talaga alam kung nasaan si Brylee ngayon, kailangan ko siyang manmanan, hindi ko nga alam kung bakit ako pa talaga nautusan magbantay sa jowa ng kapatid ko eh.
Agawin ko pa 'yan kapag nabadtrip ako lalo, as I told you. It's easy for me to know who's Kiannah's suitor. It's just the instincts of mine and eventually true.
Pagka-upo ko ay inilagay ko ang bag sa gilid para kunin ang librong 'di ko pa natatapos basahin, si EdJhane naman ay dumiretso na sa counter upang mag order ng pagkain namin.
Ilang beses ko nang inulit-ulit ng basa ang isang pahina pero hindi pumapasok sa utak ko ang mga nakasulat roon.
"Ugh! What's with you Ami?" iritang bulong ko sa sarili, dahil sa inis ay ibinalik ko na lamang sa loob ang binabasa ko at tumanga sa kung saan.
Ang tagal naman ni Deozar.
"Alam kong gutom kana kaya kain kana," usal ni EdJhane at isa-isang inilapag ang mga pagkain,
Pagka-upo niya'y agad ko siyang sinalubong ng katanungan.
"Ed,"
"Hmm," mahinang sagot niya,
"Kilala mo ba si Brylee?" tanong ko sabay subo, randam kong natigilan siya, "Bakit?" patanong ko.
"Sino kamo?"
"Brylee Ariella, kilala mo ba?" ulit ko,
"Ha? A-ah wala akong kilalang Brylee," napaiwas siya ng paningin sa akin.
"Sigurado ka?"
"Oo naman mukha ba akong di sigurado?" tumangk nalang ako't siya nama'y nagpilit ng ngiti.
"Siya nga pala Ed, samahan mo ako mamaya sa mall may bibilhin ako,"
"Ha? Hindi ako sigurado kung free ba ako mamaya Ami, may dinner date mamaya with fam,"
Hindi ko maiwasang hindi magtaka kay Ed, ni isang beses na aya ko kasi ngayon lang siya tumanggi.
"Bagong buhay 'yan?"
YOU ARE READING
Under the Vast Celestial
RomanceI just have an abstraction about it: someone feels unrequited love with me, whereas I made someone feel the taste of unrequited love from me. To know what love is, does it require hurting someone intentionally? series i complete May 14, 2023 Kianna...