Kabanata 20

196 17 1
                                    

Mabilis kong nabitawan ang libro ng gumalaw ang busol ng pintuan. Mabilis ang lakad ko paalis doon at gumilid upang hindi mahalata na galing ako sa lamesa. Pumasok doon si ama at nagulat pa ito sa aking presensya. Ngumiti naman ako sa kanya at bahagyang nagyuko ng ulo.

"What are you doing here?" 

Hindi ako nakasagot at pinanood lang siyang maglakad palapit sa kanyang lamesa. Bumaling ito sa akin ng makaupo na siya sa silya bago pasadahan ng tingin ang mga papel na nakakalat sa kanyang lamesa.

"Ginalaw mo ang gamit ko, Cresentia." 

Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kaba. Binalik ko naman sa pagkakaayos ang mga 'yon ngunit napansin niya pa rin ang pagbabago?

"Patawad... nabasa ko kasi ang tungkol sa limang dragon... nakuha nito ang aking atensyon." Mahinahon kong sabi.

Tumango ito at iniharap sa akin ang libro na kaninang tinitingnan ko. I smiled a little.

"Do you want to know something about them?" 

Gulat akong tumingin kay ama at mabilis na tumango. Minsan na namin itong napag-usapan ni Adina. Pero hindi ko akalain na isang dragon ang tawag sa mga tagapag-ligtas ni Condramaya. At isa pa, hindi kami sigurado na totoo ang haka-haka tungkol doon.

"Akala ko'y hindi ito totoo, Ama..." hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.

"Dahil iyon ang gustong ipakita ng mga nakakataas sa mamayan ng Hua Albanzious. Also, the five dragons doesn't want to know their existence."

Napatango ako sa sinabi niya. Hindi pa rin makapaniwala na ikukuwento sa akin ni ama ang tungkol sa kanila.

"Paano pong nagkaroon ng gano'n si Condramaya?" 

Iminuwestra ni ama ang kanyang tabi na maupo ako roon na agad ko namang ginawa. Bitbit ang silya ay mabilis kong nilagay iyon sa kanyang tabi at umupo. Handa na para pakikinig sa kanya.

"Where do you want me to start?" aniya habang nililipat ang mga pahina ng libro.

"Uhm... simula sa umpisa, Ama. Nais kong malaman kung paanong nangyari na may tinatawag na limang dragon o isang tagapag-tanggol." He nodded.

"The five dragons are unknown persons. They are not literally a dragon like what the myth says. But, they knew that they have a blood of being a protector to the empress. Wala rin ideya si Condramaya na may darating na limang tagapag-tanggol ng siya'y maging emperatris. They introduce themselves us a dragons and a protector of the empress. Berdea... Gorria... Zuria... Marroia... Urdin... That's their hidden name. It means green, red, white, brown and blue." 

"They have the color of different palace! The Vebotija has a green color, Les Dolzovia is red, Nova Flocur is white. At ang Lactu Fexa naman ay brown at ang panghuli ay ang Darthoviac na kulay asul..." hindi ko mapigilang masabi.

Bigla ko na lang iyong naisip dahil totoo naman na ang mga kulay na iyon ay nagrerepresinta ng kulay ng iba't-ibang palasyo at pamilya.

"You're definitely one of the Gallomour. Nahulaan mo agad." 

Kita ko ang ngiti sa mga kabi ni ama dahil sa aking sinabi. Hindi ko na rin tuloy maiwasang mapangiti. 

"Kung ganoon... ang mga taong 'yon ay..."

"Hmm, but before it happens. Isang kaharian lang ang Hua Albanzious. Walang kahit sinong namumuno not until Condramaya found her way to the top. She's smart and a bright lady," napatango ako sa sinabi niya.

Bago pa matuloy ni ama ang pagsasalita ay bumukas ng malakas ang pintuan at sa matagal na panahon ay muli kong nasilayan ang mukha ni Prince Mourad. Ang aking pinsan.

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now