Chapter 14: Weekend
IT had been 2 weeks after me and Liam put my name on the list of new members in ballet club. Mahirap pero kakayanin ko ang araw-araw na practice. Mabilis akong nakapag-adjust dahil na rin sa kaalaman ko sa ballet at may experience ako noong elementary ako.
I can totally say that I'm excelling among us. Hindi ito gawa-gawa lang pero ramdam kong humahanga sa 'kin ang mga kasamahan ko pati si Coach Len.
"Hey."
Napatingala ako sa boses na iyon at binigyan ako ng bottled water. I smiled at inabot iyon. "Thanks."
"Saan ka mamaya? You want to date me?" Liam asked and winked at me.
Napangiwi ako sa sinabi nito. Ako pa talaga ang magdi-date sa kaniya? Sino ba ang nanliligaw? Ako yata?
Inismiran ko si Liam at napatingin sa soccer field.
Naramdaman ko ang paglapit nito at pag-upo sa gilid ko saka sinabayan ako sa pagtanaw sa malayo."You tired? Kumusta ang practice? Is Gwy bothering you?"
Napabuntonghininga ako nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon. Palagi akong pinag-iinitan tuwing nagpa-practice kami. Pasaring nang lasaring na hindi ko ginagawa ng maayos ang mga routine pero siya, minu-minutong sinisita ni Coach Len dahil maraming mali ang ginagawa.
"I guess, I'm right." Tumayo siya kaya taka kong siyang bibalingan. Kauupo pa nga lang, aalis na agad?
"Saan ka pupunta?"
"Kay Gwyline. I'll warn her for her awful attitude."
Pinalo ko ang paa nito at pinanlakihan siya ng mata. "Ano ka ba! Huwag mo na ngang pakialaman 'yon. Gugulo lang, e, at mas lalo pa akong pag-initan," simangot ko.
"Ayo'kong ginagano'n ka, Ash. Hindi p'wede 'yon. Not on this school. Ano ang pakinabang ko sa mundo if I can't protect the girl I love?" inis na aniya.
Hindi ako makakibo at pinamulahan ng mukha. Why Liam is so blunt? Wala man lang preno ang bibig kapag sinasabi nito ang nararamdaman sa 'kin.
Tang*na, kinikilig ako sa sinabi nito.
Nang makabawi ay pinalo ko ulit siya sa paa. "Parang tanga. Stop that, Liam. Hayaan na natin 'yong babaeng 'yon. I can defend myself naman, e. If anything happens, na sobrang lala na, I prosime I'll say it to you. Ikaw ang unang makakaalam, okay? Kaya Huwag mo nang sugurin 'yon, mas malaki pa ang boyfriend no'n sa 'yo, e," natatawa kong biro.
But I said was true. Malaki talaga ang boyfirend ni Gwy. Baka kapag kinanti, e, hospital ang tatahakin namin ni Liam.
"Sinasabi mo bang hindi ko kaya ang boyfriend no'n?" hindi makapaniwalang aniya.
Mas lalo akong natawa. "I didn't say that, ikaw ang nagsabi niyan."
Tumayo na ako sa pagkakaupo at tinulungan naman ako ni Liam. I just smiled on him. Kinuha niya rin ang dala kong tote bag na pinaglalagyan ko ng ballet shoes at mga kasuotan. Sinukbit niya iyon sa kaliwang balikat niya at naglakad na habang sinasabayan ako
Hindi ko talaga inaasahang magbabago si Liam ng tuluyan. Sa pagiging babaero nito na ultimo bawat araw ay iba-iba ang mga girlfriend hanggang sa masaksihan kong wala na siyang babaeng kasa-kasama kung hindi ako na lang.
Totoong nagbago na nga si Liam pero hindi pa rin talaga nawawala ang pangamba ko na baka isang araw ay pagsawaan niya itong panliligaw niya sa akin.
He told me once that he never court a girl because the girl courts him more. He can easily chose one girl everyday sa mga nagkakandarapa sa kaniya. Mabilis din siyang magsawa sa babae at ayaw ng commitment but here he is, courting me and doing things he didn't do for the past few years.
BINABASA MO ANG
Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a relationship because of what her family have been through. She thought that fairytales only exist on boo...