PROLOGUE

0 0 0
                                    

Kate's pov

Beep Beep Beep

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko.
Agad naman akong bumangon para ayusin ang kama ko at lumabas na din ako para maligo. Pag tapos mag bihis ay agad naman akong nag tungo sa kusina upang kumain.

"Paniguradong sira nanaman ang diet ko nito" sambit ko ng makita ko ang mga nakahain sa lamesa. May sinangag, daing na bangus at kamatis.

"Oh hija gising ka na pala, halikana at sabay na tayong kumain, niluto ko ang paborito mong ulam" sambit ni lola.

"Mang naman alam mo naman pong diet ako" naka simangot kong sabi.

"Ano ba yan kate lunes na lunes naka simangot ka, hala sige kumain ka na at baka malate ka pa sa klase mo"

Napatingin naman ako sa aking relos agad naman na nan laki ang mata ko ng makita kong alas sais na. First day of school kasi namin ngayon. Nag mamadali kong inubos ang pagkain ko atsaka nag toothbrush. 7am kasi ang flag raising namin at malayo ang HSU samin. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kwarto at humarap naman ako sa full-length mirror ko sa kwarto.

"Bakit ba kasi ang ikli ng palda namin nakakinis naman" black fitted skirt kasi ang saming mga higher section, yung parang sa korea. White polo shirt naman ang pang itaas at may logo ng HSU sa kaliwa. Naka bun naman ang buhok ko dahil sobrang init ngayon dito sa Cabanatuan.

Ring Ring Ring...

Sinagot ko nalang ang tawag at hindi na tinignan kung sino ito dahil alam ko naman na si Calli ang tumatawag.

"Hoy Sarah baka nakakalimutan mong lunes ngayon at may flag raising tayo."
Ang aga naman nitong magalit tsk.

" Hello po good morning po Mr. Timothee Callister Martinez baka gusto mo pong hindi kita sunduin" sagot ko naman sa kaniya.

"Hay nako Sarah ang dami mong alam bilisan mo na at baka ma late pa tayo"

"Oo na et---"

Toot toot toot...

"Kita mo tong kupal na to nag sasalita pa yung tao tapos biglang papatayin yung tawag tsk."

Kinuha ko na ang susi nung raptor ko at lumabas na ko ng kwarto. Nang makalabas ako sa bahay ay agad ko namang hinanap si mamang para mag paalam na papasok na ako kaso hindi ko siya mahagilap, buti nalang at nakita ko si mang carlito, matagal na siyang nag tatrabaho sa amin bilang hardinero

"Magandang umaga ho mang carlito" bati ko sa kanya.

"Magandang umaga rin ho ma'am kate, papasok na ho ba kayo, para maibukas ko na ang gate?" Sabi ni mang carlito.

"Opo papasok na po ako."

Bago ako makalabas sa gate ay binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko.

"Mang carlito pasabi nalang po kay Mamang na pumasok na ako, hindi ko ho kasi siya mahagilap kanina." Bilin ko kay manh carlito.

"Sige ho ma'am sasabihin ko."




Nag maneho na ko papunta sa bahay nila Calli. Nasa kabilang barangay lang naman sila nakatira at madadaanan lang din kapag papunta ka sa school.

Wala pang 5 minutes ang nakalipas ay natanaw ko na agad ang bahay nila calli. Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay nakita ko naman siya na ang sama na ng tingin sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet Me at the SkyWhere stories live. Discover now