Maybe This Time - 1

152 10 1
                                    

Hay what should I wear? Is it better if I will wear a dress or should I wear this jeans and crop top?

Okay mukang mas bagay sakin tong jeans and crop top. I like dress but hindi ganun kabagay sakin. Hindi rin ako ganun ka-comfortable. Lagi nga akong sinasabihan na kababaeng tao pero lalaki gumalaw.

"Naks naman mukhang mas prepared ka pa sakin Ly ahh! Ako yung mamamanhikan ha, baka nakalimutan mo HAHAHA!" Sabi ng bestfriend kong si Albie.

Gaya nga ng sabi niya, mamamanhikan sya ngayon at gusto nyang sumama ako. Ganun kami ka-close. Parte na daw ako ng pamilya nila.

"Dibale okay na rin yan. Malay mo nandun na pala yung 'the one' mo. Edi presentable ka nang tingnan diba!" Dagdag pa nya.

"Sira! Isa lang naman yung 'the one' ko."

"Aba malamang one nga eh!"

"Aish! Ang ibig kong sabihin, isa lang naman yung taong sigurado akong minahal ko. Imposibleng magkagusto pa ako sa iba."

"Asuuss yung kapatid ko ba yan?"

"Alam mo ewan ko sayo! Tara na nga, siraan kita sa pamilya ng nobya mo dyan eh!"

At nanahimik na nga sya. HAHAHAHA tiklop ka pala sa ganun eh.

Magkasama kami ni Albie sa kotse nya. Nakasunod naman sa amin ang pamilya nya.

Ngayon ko lang makikilala ang jowa nitong kaibigan ko kaya medyo naeexcite ako. Pagdating nya galing France last year may nobya na sya. Hindi man lang talaga pinakilala sakin di ko naman aagawin eh.

"Hoy tama nang pagtulala nandito na tayo!"

"Wow bilis ah! Di naman halatang excited ka noh?"

"Tss, kinakabahan nga ako eh. Oh sya, Ly pasok nalang kayo dyan! Pakisamahan sila mommy, nakalimutan ko kasing bumili ng flowers."

"Ay wala to! Di man lang prepared!"

"Alam mo pumasok nalang kayo baka sabihin ni tita late tayo eh. Mabilis lang ako, bye!"

At nagmadali na nga siya sa pagbalik sa kotse.

Pinauna ko naman ang parents ni Albie sa pagpasok. Nakapunta na rin naman sila dito eh. Nakakahiya kung ako yung mauuna.

"Oh Samantha! Napakaganda talaga ng batang ito oh!" Wow it's been a long time since I heard that name. Sa kadami daming samantha sa mundo ngayon ko nalang talaga ulit narinig ang pangalang yan.

Hindi ko alam kung bakit pero pagtapak ko palang sa may entrance ng bahay nila ay nakaramdam ako ng kaba. Pero isinantabi ko nalang ito at tuluyan ng pumasok.

Nang mag-angat ako ng tingin, napalaki ang mata ko at para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa aking nakita.

"Oh Alyssa, iha! Andito ka pala, ang tagal na nating hindi nagkita ahh!"

"Aba'y magkakilala na pala kayo? Kaibigan sya ng anak ko at sinama dito."

"What a small world!"

Sa dinami dami ng sinabi nila, wala akong naintindihan dahil literal na nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako makagalaw at nakapako lang ang tingin ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SAMLY ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now