Chapter 35

391 7 1
                                    

Chapter 35

"Kilala mo mga 'yun?", tanong ni Jayda sa akin.

Tumango ako. Kanina ay nadaanan ko ang grupo ng ilan kong mga schoolmate. Kilala ko ang iba sa kanila at nakasama ko na rin sa ibang mga party dati.

"Schoolmate", saad ko.

"Sanay ka sa mga night out 'no?", ngisi niya sa akin.

"Sanay pero madalang na akong lumabas ngayong fourth year ako. Baka hanggang fifth year ko ganoon", saad ko at uminom.

"Ohh... naging busy ka ba? Sabagay, 'yung mga kaibigan ko rin na architect, madalang lumabas labas kapag fourth at fifth year na nila."

Naging busy nga ba ako? Siguro. But I think I managed my time well despite the packed schedule. I always see to it that I am free on weekends dahil... dahil lagi kaming umaalis ni Rafael.

Binati ako muli ng mga bagong dating mula sa mga schoolmate ko. I introduced them to my friends from the office, too. Ngunit natigil iyon nang mahagip ng mga mata ko ang pagdating nina Rafael.

Magkakasama silang lima at kahit pa panay sayaw ang neon lights sa loob, parang biglang nagliliwanag kapag nandiyan sila. Tanggal na ang mga suit at puro mga naka dress shirt na lamang na pare-parehong nakatupi sa kanilang mga braso.

Their presence is really something.

"Hala! Girl, sabi ko talaga sa iyo... type ka ni Architect Cordovas!", tili ni Jayda kaya napatingin na rin sina Miko at Leina sa gawi ng magpipinsan.

Mabilis ang pag-iling ko habang natatawa. Kung naririnig lamang ni Pierson ang lahat ng ito, paniguradong pati siya ay matatawa. He likes me... they all like me as their friend or younger sister. But none of them likes me romantically. Malinaw iyon sa akin – kahit pati na rin ang kay Rafael.

I am not disappointed, though. Kuntento ako sa pagkakaibigan namin ni Rafael at lalong hindi ako naghahangad at maghahangad na may isa sa kanila ang magkagusto sa akin. I know them well and they are all madly in love with their own woman. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kay Rafa pero iyong doon sa apat, siguradong sigurado na ako.

"Nandito rin sila? Sinusundan ka ba nila Adi?", inosenteng tanong ni Leina na paunti-unti lang ang inom sa cocktail drinks niya.

"Hindi 'no. Bakit naman nila ako susundan? Coincidence lang siguro kasi 'di ba sabi nga ni Jayda dati mahilig daw uminom at mag-party 'yang sina Engineer Theo Deltrazo."

"Ay! Bakit papunta rito? Nakakaloka! Adrianna Buenconsejo, ang haba talaga ng hair mo!", mas taranta pa sa akin si Jayda.

Napalunok ako nang matantong palapit nga sila. I saw Naxus' eyes looking at the vacant table near ours. Doon ba sila? Dito talaga sa katabi namin?

Hala!

"Good evening, Engineers!", halos sumigaw na si Jayda sa taas ng energy niya.

Ngumiti sina Theo, Pierson, at Rafael. Tapos ay tumango lang sina Naxus at Xythos.

"Good evening", Xythos greeted.

Dumiretso sila sa katabi naming mesa at pasimpleng tumingin sa akin si Rafael. Hindi na lang ako nag-react dahil baka mahalata pa na magkakakilala talaga kami. Good thing, I don't post pictures on my Facebook accounts. Lahat ay sa Instagram lamang at madalas ay ako lamang ang nasa mga pictures. Basta huwag lang nila titingnan ang mga friends, followers, at followings ko, hindi nila matatanto na kaibigan ko ang limang ito.

"Adi!", si Kurt ay lumapit sa akin. Lumingon si Rafael sa gawi ko noong lumapit si Kurt at umakbay.

"Hey! Kararating mo lang?", tanong ko. May hawak na agad siyang whiskey sa kanang kamay niya.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon