CHAPTER 9

2.4K 41 0
                                    


"Parang hindi yata dumating si Sir Monteclaro?" tanong ni Mitchie, isa sa mga sekretarya sa HR Department, nakapalagayan ko na siya ng loob dahil madalas kaming nagkakasabayan rito sa pantry tuwing tanghalian.

Mabait at masayahin siya. Marami ring kwento at nakakatuwang kasama. Mula kasi nang malipat sa Security department si Brandon, hindi na kami nagkikita o nagkakausap man lang dito sa hotel. Nagkakamustahan na lang kami sa messenger, minsan naman ay nagkakatawagan.

Unti-unti ay dumarami ang mga kakilala ko sa hotel, mula sa mga guards, receptionist at ibang secretary ng bawat departments. Kami-kami kasi ang madalas na nagkakausap at nagkikita kita tuwing may meeting o kapag break.

"Hindi ko alam kung papasok siya ngayon. Wala naman kasi siyang sinabi."

"Hindi naman na nakakapagtaka yun, madalas naman kasing wala si Sir, pero huwag ka, kahit wala siya ay napakagaling niyang maghandle ng kumpanya." Papuring turan nito.

"Saan ka naman nakakita ng opisyal sa Army ay may maraming negosyo pang pinapalakad. Kaya hindi na ako nagugulat sa sandamakmak na babaeng nagpapacute kay sir. Gwapong gwapo na kasi todo yaman pa ng bulsa." Natatawang turan pa ni Mitchie habang umiinom ng softdrinks.

"Mabuti nga at hindi napapasyal ngayon si sir sa abroad. Hindi niya pinupuntahan yung iba niyang negosyo dun. Mas lamang na dito siya pumipirmi sa hotel."

"Madalas din palang nag a-out of the country si sir?" gulat kong turan.

"Sus, para lang sumakay ng jeep si boss kung makapunta sa ibang bansa." Di mapigilang saad ni Mitchie.

"Wala na kayong alam gawin kung hindi ang magtsismisan!" masungit na sita ni Ivy. Isa ring secretary sa Event Management team.

May pagkamasungit ang isang to. Sa una pa lang na nagkausap kami ay ramdam ko agad na medyo mainit ang dugo niya sa akin. Wala naman akong alam na nagawa kong masama sa kanya. Madalas ay nahuhuli ko siyang matalim ang tingin sa akin at kapag nagtama ang aming mga mata at nakaingos niyang iniirapan ako.

"Hay naku Poison Ivy, kung hindi mo alam, yang pakikinig mo sa aming usapan ay mas mataas na level ng pagiging tsismosa!" mataray na tugon ni Mitchie sabay kindat sa akin kaya naman hindi ko naiwasan ang mapangiti ng bahagya sa katapangang pinapakita niya.

"Whatever!" she rolled her eyes at Mitch and look at me.

"Ikaw, ke bago-bago mo rito masyado kang athome sa pakikipagchismisan, wala ka nga yatang ginagawa sa office ni sir Altis!" gulat ako at direkta niya akong pinagsabihan. Kitang kita ko pa ang pagtaas ng isa niyang kilay na tila tinatakot ako at minamata.

"Nakalimutan mo yata Ivy na lungh time ngayon, karapatan naming gawin kung ano ang gusto namin sa free time na meron kami! And teka nga, secretary ka dito hindi ba? Huwag ka ngang umastang may-ari ng hotel!" matalim na tugon ni Mitchie na halatang hindi nagustuhan ang pangungutya sa akin ng aming kausap.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko Mitch."

"Well I don't like to talk to you." Hindi ko napigilang isaad. Hindi na ako nakapagtimpi.

Eh ano ngayon kung bago lang ako sa hotel? Ano ngayon kung estudyante pa lang ako na kumukuha ng OJT sa kumpanya?

Reason na ba iyon para mata-matahin ako ng isang tao na hindi ko man lang maisip na nagawan ko ng masama? Kung inis at kumukulo ang dugo niya sa akin, bakit kailangan pa niya akong pagsabihan ng masama? Halos ipahiya na nga niya ako sa ibang taong nandirito rin sa pantry room.

Narinig kong napasinghap siya sa mga salitang namutawi sa aking bibig. Hindi niya siguro akalain na sasagot ako ng pabalang sa kaniya.

Anopa't naging Gamueda ako at naging ina ko si naynay at ate ko si ate Sandeng kung hindi ko rin makukuha ang katapangang dumadaloy sa aming dugo.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon