Elevator (One Shot)

10 0 0
                                    

A/N: Naisip ko iyong story na 'to habang nakasakay ako sa bus. Hehe medyo naglalakbay kasi iyong isip ko nung mga panahon na 'yun. Sana magustuhan niyo. Salamat :)

This oneshot was written on April 12, 2015

////~~~~~~~

Elevator Love Story (One Shot) written by Jade of TSW

"We're stuck."

"What? Ano ng gagawin natin ngayon?" Hysterical na tanong ko sa kanya habang hindi na ko mapakali sa kinatatayuan ko.

Ano raw iyong sabi niya? Nastuck kami dito sa maliit at masikip na elavator na 'to? Edi Wow. Goodluck na lang sa'ming anim. Ako nga pala si Shovie, isang 4th year student sa Firipingo High. Andito ako ngayon sa mall kasama iyong mga taong hindi kanais-nais. Yeah! Right. Mga tao talagang hindi kanais-nais as in. Tinignan ko si Dorothy na naka-cross arms habang nakataas iyong kilay niya na nakasandal sa may gilid. Pustahan tayo magmamaldita na 'yan mamaya at ako ang unang iinsampolan niyan. Mortal na kaaway ko kaya ang babaitang 'yan. Tumabi naman sa'kin si Julius, 'yung nerd na classmate ko na napaka weird lang kung tutuusin. Bakit? Paano ba naman saan kayo nakakita na matinong tao na nagsasalita mag-isa kadalasan. Di ba ang weird?!

Nakita ko naman na naglabas ng pamaypay si Arney galing sa shoulder bag na dala niya. Psh! Nasabi ko na ba sa inyo na sobrang arte ng babaeng 'yan. Paano ko nasabi kasi syempre kinakapatid ko 'yan kahit ang totoo ayaw na ayaw ko sa kanya. Kahit ano kasing pilit ko na magustuhan iyong ugali niya 'di ko magawa, dahil siguro 'di ko lang talaga siya feel. "Badtrip." Napasuntok naman sa may wall ng elevator si Raico na halata ng iritado na siya. Sana naman walang away na mangyari sa pagitan nila ni Sean, ang ex-boyfriend ko na basta na lang ako iniwan sa ere two years ago.

"Ano ng gagawin natin ngayon? OMG! Kailangan natin gumawa ng paraan para makalabas tayo dito." Pinagpupukpok ni Arney iyong pintuan ng elavator tapos nagsisisigaw siya. ANG INGAY. "Tulungan niyo kami. May nakulong po dito sa loob. Tulong. Tulong. May nakulong po dito sa loob." Maarte na sigaw ni Arney.

"As if naman na may makakarinig sa'yo." Mataray na sabi sa kanya ni Dorothy.

"H'wag ka ngang mangealam sa ginagawa ko. As if naman na may ginagawa kang paraan para makalabas tayo dito." Maarte na sabi ni Arney bago niya tinaasan ng kilay si Dorothy. Ginantihan rin siya nito kaya ang nangyari nagtaasan sila ng kilay. Sige makakatulong 'yang pagtaasan niyo ng kilay.

"Kasalanan mo 'to Julius. Kung hindi ka nagpasama sa'kin dito sa mall para bumili ng mga materials para sa project natin sa physics edi sana hindi tayo nakulong dito ngayon. Sa susunod nga h'wag ka ng magpapasama sa'kin sakit ka lang sa ulo." Inis na sabi ko kay Julius. Totoo naman kasi sakit talaga siya sa ulo hindi lang sa'kin, pati sa mga teacher namin.

"Sorry Shovie." Sabi niya sabay yuko.

"Bakit ka nagso-sorry sa kanya Julius? Wala ka namang kasalanan kung bakit kayo nakulong dito sa elevator na 'to. Parang di ka lalaki." Nagpantig iyong tenga ko sa mga sinabi ni Sean. Wow lang ang isang 'to.

"Buti nga siya nagso-sorry kahit wala siyang kasalanan. E ikaw, Sean? Naturingan ka pa namang may kasalanan sa'kin ni minsan ba nakapag-sorry ka?!" Inis na sabi ko sa kanya. Grabe makapagsalita ang taong 'to.

"Kelan ako nagkaroon ng kasalanan sa'yo?" Cold na sabi niya sa'kin.

"Kelan ka nagkaroon ng kasalanan sa kanya? Nakalimutan mo na ba Sean, iniwan mo na lang basta si Shovie ng walang paalam two years ago." Maarteng sabi ni Arney sa kanya.

"Arney huwag kang mangealam dito." Sigaw ko sa kanya.

"Uy! Exciting. Magkakaroon ata ng world war 366." Sarcastic naman na sabi ni Raico. Kahit kailan talaga ang hinayupak na 'to, masyadong epal.

Elevator (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon