Omyghod Happy 508 views saten!!
Thank you talaga sa binibigay niyo na suporta sa story na ito😭🙏. Naiiyak ako powtek😫.I love you'all!!♡♡♡
_______________________________________________
Still Bong bong's Pov
Nag pa-alam muna ako kay Elize na may pupuntahan lang muna ako saglit, at pinayagan niya naman ako kaya iniwan ko muna siya, pero may kasama naman siya na mga bodyguards.
Habang nag lalakad ako ay nakita ko naman yung babae na nakita ko kanina, ang familiar niya.
Na curious ako ng sobra kaya nilapitan ko siya "Uhm..Hi"...nakita ko naman siya na napa upo ng maayos.
At nung lumingon ito saakin ay nagulat naman ako..S-Sam?!
Sam/Agatha's Pov
Habang umupo ako sa malaking bato habang nag papahangin ay may narinig naman akong pamilyar na boses, at beh naramdaman ko talaga na nasa likod ko yon.
"Uhm..Hi" shet bat ba ganto lord?😭 si Mr.Marcos.
Napa upo ako ng maayos at inayos muna mukha ko at buhok bago ako tumingin sakaniya.
"Ah Hello..Bong" nahihiyang sabi ko at natawa ako sa reaksyon niya, yung panga niya parang mahuhulog na sa gulat.
"S-Sam?!". Sigaw niya at niyakap naman ako bigla..Bong wag ganto mahirap pigilan yung puso Bong.
"Oo, ako nga toh" sabi ko habang niyayakap siya pabalik, ngumiti nalang ako at nag yakapan muna kami at nung na-alala ko na kasama niya pala Girlfriend niya ay tinapos ko na ang yakap.
Na-guiguilty ako, ayaw kong mahulog sakaniya lalo na't may Girlfriend na siya.
"Didn't know na pupunta ka pala dito ah". He said while smiling, nakakabighani yung ngiti niya..pano pigilan yung puso? Eh kung ang crush mo ay bestfriend mo?
"Haha na bored lang ako kaya nag suggest si Ate Marie na mag babakasyon kami dito, kaya nag agree ako". Sabi ko habang inaayos yung buhok ko.
"Good choice, since bago lang kayo dito. Why not it-tour ko kayo?" Suggest niya habang naka ngiti paden.
"Hala wag na,alam naman ni Kuya Anton yung lugar na to eh since dito siya pinanganak". Sagot ko habang umiiling, kaya napa ngiti nalang siya pero kita parin sa mga mata niya ang lungkot.
"Wag ka malungkot, oh btw, saan yung Girlfriend mo?" Tanong ko habang hinahanap ito sa paligid.
"Ah nandun siya oh kasama yung mga bodyguards namin, nag pa-alam muna ako na aalis". Sagot niya habang inaayos yung buhok niya.
"Aahhh, sige mauna na ako baka hinahanap na ako ni Ate Marie at iba kong kasama, at ikaw naman bumalik kana dun sa jowa mo at baka hinahanap kana din niya". Sabi ko at nag pa-alam na sa kaniya.
*Fast forward*
"Sino kinakausap mo dun Sam?" Agad naman tinanong sakin iyon ni Ate Marie nung bumalik na ako sakanila.
"Aahh si Mr.Marcos po". Sagot ko at umupo sa upuan nanlaki naman ang kaniyang mata at nabulunan sa kinakain niya.
Agad naman akong kumuha ng tubig at ibinigay ito sakaniya, ininom niya naman eto "Kausap mo si Mr.Marcos?!". Sigaw niya habang nanlalaki parin ang mata.
"Oum, bakit?". Tanong ko sakaniya habang tumitingin na kanila Mang Kaloy at Kuya Anton na kumukuha ng letrato.
"Eh...kasi sabi ni Madam na-" Hindi niya na natuloy ang sasabihan niya nung biglan umulan ng malakas.
Ano kaya yung sasabihin ni Ate Marie?
And bat parang same sila ng reaction ni Mama? Hayst bala na nga._______________________________________________
Yan muna mga marikicks koo!!
Sana nagustuhan niyo!I love you'all!!♡♡♡
YOU ARE READING
I love you since 1982 ( A Bongbong Marcos Fanfic )
FanficOne sweet,kind, and selfless girl goes back to year 1982 and fell in love with a boy named Ferdinand Romualdez Marcos. What if, the girl only have 1 year to spend time with him? Would their fate change?