"What!? Mom! I'm sleeping, pwedeng mamaya na?"
Nagising nalang ako ng may gumising sakin and that's my mom. Pero nakapikit pa ako I'm not in a mood to wake up early, as I remember it's Saturday today, so what's wrong? Bakit ginigising ako ni mom?
Halos katutulog ko lang kaninang 1am eh hindi pa sapat ang tulog ko, masyado pang maaga para gumising. Narinig kong nagsara na ang pinto ng kwarto ko kaya naman umayos ulit ako ng higa at akmang matutulog na ulit pero...
"Hindi ka ba talaga gigising? Then you'll regret it."
Bigla akong nakaramdam ng napakalamig na tubig na animoy galing pa sa ref. Damn it. Napabalikwas ako ng bangon, basa na ako, basang-basa na ako. What's wrong with you mom?
"Mom? Seriously? Natutulog pa ako ohh!." pinandilatan ko ng mata si Mom. Pero nginitian niya lang ako at tinulak ako papasok sa cr. I hate this day. "Hindi kapa ba kikilos o ibubuhos ko pa tong natitirang tubig dito." ani niya at mabirong nakatingin sa dala nyang timba.
Pumasok nalang ako sa cr ko at nag simula na akong maligo at mag ayos ng sarili ko.
By the way what is the time? Bakit ako ginising ni Mom ng ganto ka-aga? And it's Saturday, I don't have class or any meeting today. Nagtapos nako sa sarili ko at bumaba na sa dinning area.
Pagkababang-pagkababa ko nakita ko na si Mom and my Dad sa hapag. They're look good as always. As you can predict, I'm unico hijo. Mahina kase ang Daddy ko, lol.
Umupo nako,
"What are you wearing? Bakit naka pang-bahay kapa? Tapusin mo na ang pagkain mo at mag palit ka kaagad. Your dad will be waiting to you outside." mom said while eating some vegetable.
What? Did I hear it correctly? Aalis ako?
"Forgetful." pagkasabi ni dad non. Biglang nag sink in sakin ang lahat.
This is my first day. This is my first day like wt*. argggh.
Nawalan ako ng gana ng maalala ko kung san ako pupunta. Walang iba kundi sa BNM.
BNM is an organization that works to improve people's skills, talents, and attitude. They also assist teenagers in working together to solves problem. In other words, it focuses in unity. It also known as Bahay na Matibay. It's actually a reality shows that broadcast to the national television.
and guess what? I'm one of the participant. My mom get me in, well she have a connection. What can I do, yun ang gusto nya eh. Ang matuto ako sa mga babagay-bagay on my own. But actually, ayoko pumasok don. Kase once na pumasok ka don in the whole 3months hindi ka makakalabas depende nalang kung ikaw ang mae-evict or matatagal sa loob ng bahay.
Hindi ako excited. Well yung iba masasabi ko na pangarap na makapasok sa bahay na yon, but me? No. I don't want na makilala ako ng mga tao sa labas ng bahay na yon. I don't want to be a celebrity lol. But I don't have choice, do I?
"Mom pero a.."
"No more but Henry." pang babasag sa sasabihin ko dapat kay mom.
Fine. Sana ako ang unang matanggal sa bahay na yon. Para at least makakalabas ako ng maaga at maeenjoy ang buhay dito sa labas.
*****
Bumaba ako ng car. Napakaraming tao dito sa harap ng BNM I can say na maganda sya, siguro mas maganda 'to sa loob.
Ako na ata ang pinaka last na papasok. Sa sobrang dami ng tao dito di ko na marinig ang mga sinasabi ni mom sakin. Ang tanging "I love you anak, mag-iingat ka palagi dyan ha." lang ang narinig ko na last na sinabi nina mom and dad.
"and The last participant, let's all welcome Mr. Justin Henry Frido from Laguna. A round of applause everyone." sabi ng announcer. Nice introduction.
Lumapit sakin si mom habang naiiyak.
"Don't be stubborn, okay? Just be yourself. I love you and take care my love." niyakap ko siya at ngumiti habang pinupunas ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nya. She's more than a great mom. She's awesome and I love her so much. Ngumiti ako sa kanya at tumalikod na.
"Don't worry I'll take care of myself, so be careful too, okay?" I said.
BINABASA MO ANG
Hunker Down
AdventureStay in a place for a period of time. Hunker Down :"They left us behind."