•1•

358 21 14
                                    

Chapter 1

May naghahanap daw sakin kahapon sa locker, sabi ng isang classmate ko kailangan daw akong makausap. Hindi kaya si Patrick yun? Kahapon din kasi yung nagmamadaling umalis si Thea pagkatapos ng class namin, tapos hindi ko na napapansin na nagsasama yung dalawa! parang may naamoy ako. Hmf! Hindi kaya nagLQ yung dalawang yun? hayy! Ewan.


"Boo!"

"Ay aswang!" nilingon ko kung sino yung nanggulat sakin.

Si Thea.

"Hey! I'm not aswang, i'm dyosa!" sabay irap niya sakin.

"May iniisip ako!" sabi ko sa kanya. I reach out my bag sa katabing upuan, nilagay ko yun dun para maireserve siya ng upuan. Oh diba? ang bait kong kaibigan, samantalang siya hindi niya magawa yun. -__-

"What are you thinking? Share mo naman!" Umupo siya dun at humarap sakin.

"Basta! Iisipin mo rin lang naman na mali ang iniisip ko kaya wag mo ng isipin yung mga iniisip ko hindi mo rin lang naman maiisip!" sabi ko sa kanya.

"Hindi ko maintindihan!"

Eh mismong sinabi ko di ko rin maintindihan. Ano ba kasi yun..... -__-

"Ako rin di ko naintindihan!"

"Hay nako! Ewan ko sayo Dennise!" umirap na naman siya at humarap na sa harap. Eh kung tusukin ko kaya ng ballpen tong mata nito, tignan lang natin kung makairap pa sya sakin!

Pero masyadong harsh yun, wag na! I can't do that to my bestfriend! Char.

Sakto naman ang pagpasok ni Prof. Tzu. Yung chinese teacher namin sa Math101!

"Gut Monik klat!" sabi ni sir or more like bati?

Anu daw? o.O


---

Class Dismiss.

So ayun, pinas porward ni otor kasi boring yung diskasyon namin.

I was fixing my things when i saw Thea staring at her cellphone. Tinignan ko yung itsura niya, parang natatae na ewan.

"Huy!" I poked her.

Nagulat siya at agad na lumingon sakin. May naamoy na naman ako!

"Okay ka lang? Baka natatae ka? Sasamahan kita sa C.R!" sabi ko sa kanya.

Sumimangot siya at umupo ulit. Aba't anong inuupo nito? natatae talaga siguro, pero hindi siya pedeng tumae dito sa room. Mahirap na! Dun na lang kami sa gateway! Malapit lang Pharmacy dun at mabibilhan ko kagad siya ng tissue.

"Huy! Tara na! Baka makatae ka pa dyan." I grab her wrist.

"I'm not going to pee. Ikaw talaga!" Huminto kami sa pintuan ng classroom. Kaming dalawa na lang natitira dito, nandito pa naman kami sa 6th floor ng Engg. Bldg. wala ng masyadong klase kasi ala 6 na ng gabi.

"Bakit parang gusto kong maghintay?" Pabulong niyang sabi, sapat na para marinig ko. She's just waiting for Patrick at alam ko yun.

"Ay bess! Ano bang nangyari sa inyong dalawa ni Patrick?" tanong ko.

Pumunta siya sa labas ng classroom at tumambay sa may Terrace, sumunod naman ako.

Makikita ang buong school dito.. at buong syudad tapos ang hangin hangin! Perfect place na para mag emote si Bespren.

So humarap ako sa kanya. Napalingon siya saglit sakin at binalik ang tingin sa hangin.

"I caught him with another girl." panimula niya. Simula ba o yun lang? minsan kasi hindi nagsasabi ng buong storya tong si Thea. Pabitin masyado eh! Pero bakit parang labag sa loob niyang sinabi yun? Nevahmind.

I'll Fall for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon