Claudine's POV
Bumuntong hininga ako. Last day na 'to ng pagpasok ko sa impyernong lugar na ito. Kinuha ko 'yung press powder ko saka tumingin sa salamin. Buti na lang hindi na namamaga yung mata ko. Ilang gabi na rin kasi akong umiiyak. 'Di ba sabi nila kung wala kang kasalanan dapat hindi ka nagpapaapekto? Pero mahirap palang gawin iyon. Kasi tao lang din tayo. May nararamdaman, marunong masaktan.
Lahat ng paratang, lahat ng panghuhusga, lahat ng panlalait ibabato nila sa'yo. Akala mo kung sino silang perpekto. Hindi man totoo lahat ng sinasabi nila, pilitin mo mang hindi magpaapekto pero wala kang magagawa kung lahat sila sabay-sabay na dudurog ng pagkatao mo. Hindi ka lang susubsob sa lupa, lulubog ka pa. 'Yung iba hindi pa makukuntento, dapang-dapa ka na nga, aapakan ka pa.
I wear a genuine smile. As the saying goes, "Smile is a curve that sets everything straight." Idaan lang sa ngiti ang problema. Magiging maayos din ang lahat. Itong ngiting 'to ang magiging panlaban ko sa lahat ng ginagawa nila. Kailangan kong maging matibay. Wala akong ginagawang kasalanan kaya hindi ako dapat magmukhang talunan at kaawa-awa sa harapan nila. Hinding-hindi talaga.
Pumasok na 'ko ng gate. Ayan na naman 'yung mga mapanghusgang mata. 'Yung mga tinging kung nakamamatay lang eh matagal na 'kong inuuod sa lupa. 'Yung susuriin ka mula ulo hanggang paa na halos hubaran ka na sa mga titig nila. Pagbubulungan ka at pagkukuwentuhan. Meron pa ngang sadyang iparirinig sa'yo yung mga sinasabi nila. Sila 'yung perpektong depinisyon ng salitang "epal." Mga wala naman dapat pakialam at mga wala namang kinalaman pero mga pilit nakikisawsaw sa eksena.
Malapit na 'ko sa auditorium kung saan gagawin ang year ender program ng College of Computer Management and Information Technology. Kung tutuusin puwedeng hindi na 'ko pumasok ngayon. Kumpleto na ang mga grades ko at mga iba pang kinakailangang papeles para sa next sem. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ako pwedeng magmukmok at magmukhang talunan sa harapan nila.
Heto na, pumasok na 'ko. Ilang sandali pa ay naging sobrang tahimik na ng paligid. At halos lahat ay nakatingin sa pinakamakasalanang tao sa paningin nila ngayon. Gusto kong sa likuran na lang umupo para iwasan silang lahat. Hindi nga lang pwede. Para saan pa't pumasok ako ngayon kung tataguan ko lang sila.
Taas noo akong naglakad. May nakita akong bakanteng upuan sa may bandang gitna. Doon ako uupo. Habang papunta ako roon ay nagkaingay na naman ang mga bubuyog. Kaniya-kaniyang opinyon, kaniya-kaniya na namang kuwento.
"Grabe, ang lakas ng loob na magchin up. Ang kapal ng mukha!"
"The best friends' boyfriends stealer. Take note of the apostrophe after the s. Lahat ng naging best friends niya, inaagawan niya ng boyfriend."
"Malandi talaga!"
Lalalalala wala akong naririnig... Maganda ako, inggit lang kayo.
Paulit-ulit kong kinakanta sa utak ko hanggang sa makarating ako sa upuan. That's one thing that I have learned no'ng lumabas 'yung scandal, "Learn to accept other people's criticism but don't let it sink in your nerves especially when you know it's not true." Umalis lahat ng nakaupo malapit sa may inupuan ko. Heto na naman sila, iiwasan ka na para kang may nakahahawang sakit.
"Napanood niyo na ba 'yung scandal nila ni Kevin?"
"Yeah, ang landi 'no? Siya pa talaga yung nagtatanggal ng butones. "
"Alam mo ang kalandian mana-mana lang daw iyan. Baka naman kasi ganoon din 'yung nanay niya eh masisisi mo ba siya if it runs in the blood?"
Huminga ako nang malalim. Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Gustong-gusto ko nang magwala at hugutin ang ngala-ngala kasama na ang esophagus ng mga taong ito na walang pakundangang magsalita. Bakit ganoon sila? Wala naman silang alam pero kung makapagsalita sila akala mo napakagagaling nila. Niyuyurakan na nga nila ang pagkatao ko pero bakit hindi pa rin sila nakukuntento? Bakit pati nanay ko idinadamay nila dito? Kanina pa may nakabikig sa lalamunan ko dahil sa iyak na gustong-gusto nang kumawala pero hindi. Hindi ako iiyak. Ayoko. Hindi ako magpapaapekto.
BINABASA MO ANG
Then They Collide...
RomanceShe's vulnerable... He's in vain... Two complete strangers coping with the cruelty of their fates. Until destiny plays with them, their souls switched but got no clue whose body they are in, where their bodies are, and how to get back to their own...