Isa lamang akong simpleng babae, walang arte sa katawan.
Hindi ko pa naranasan magkaroon ng boyfriend
Hindi pa ako na inlove
Hindi pa tumibok ang puso ko para sa isang lalake
Di mataas ang standards ko peru ayoko sagutin ang mga nanligaw sa akin dahil wala akong naramdaman sa kanila
Ayoko sagutin ang isang tao para lang may masabi na matatawag na boyfriend na maipagmamalaki sa lahat
Peru nagbago ang lahat nung makapasok ako sa pekeng mundo.
Sa pekeng mundo na ang daling pumasok peru ang hirap umalis
Dito ko nahanap ang tunay na kaibigan na hindi ko nahanap sa totoong mundo
Dito ko nahanap ang mundo ko na hindi ko makita sa tunay na mundo
Iba iba man ang pangalan peru totoo ang nararamdaman
Sa mundo kung saan marami ang bawal
Bawal magmahal
Bawal magpakita ng totoong mukha
Bawal magsalita ng mga tungkol sa totoong buhay
Bawal lumandi ang mga babae
Bawal mag first move ang mga babaeAt maraming bawal, na nilabag ng ilan sa kagustuhang sumikat
May mga babae na nagpakalalaki o ang tinatawag na CRP(cross role player)
May mga lalake na nagpaka babae
Meron din namang mga lalake na nagpakatoo na lalake o ang tinatawag na BRP(boy role player)
Ang mga babae rin na nagpakatoo na tinatawag na GRP( girl role player)May ibat ibang klaseng rp'er, may shit poster, may threader, may mensahero o mensahera at iba pa
Para rin itong totoong mundo, mayroong universities, hoods, sisbrohood, brotherhood, gang, mafia at marami pang iba na kung kailan magkakaroon ng mga activities na kelangan gawin at mayroong deadline at punishment kung sakaling hindi makagawa
Hindi kami tinatawag na poser, oo gumagamit kami ng ibang pangalan na hindi namin totoong pangalan at gumamit ng port ng kahit na sinong sikat na artista. Peru ang tawag sa amin ay rp'er at hindi poser.
Masaya sa mundong ito, maraming nandoon na wala sa totoong mundo
Mailalabas mo ang tunay mong anyo, na hindi mo nailabas sa totoong mundo
Makakahanap ka ng mga kaibigan online na galing sa ibat ibang panig ng bansa na maari mong dalhin sa totoong mundo
Hindi ko aakalain na mapamahal ako sa mundong ito
Gugustuhin ko mang umalis peru binalik balikan koMasaya magpanggap, peru masakit kung mamahalin mo ang isang taong hindi mo kilala
Masaya makipag kaibigan, peru masakit kapag aalis sila ng walang paalam
Masakit kapag napamahal kana sa kanila peru biglang aalis ng walang paalam
Maraming nandoon na sabi nga nila gusto nilang takasan ang totoong mundo
Maari mong takasan ang totoong mundo peru babalik at babalik ka parin sa mundo kung saan ang lahat ay totoo
Ito ang pekeng mundo na kinabaliwan ng halos lahat ng nga kabataan
Ang pekeng mundo kung saan maari mong ilabas ang tunay mong anyo
Kung saan maari kang magka jowa na lingid sa kaalaman ng lahat
Kung saan maari lang lumandi na hindi mo magawa sa totoong buhay
Ang pekeng mundo na makikita mo online
Ito ang pekeng mundo na tinatawag nilang RPW
Sa rpw kung saan may isang taong nakapagbago ng ugali ko
Sa rpw kung saan nakahanap ako ng lalaking kayang intindihin ang ugali ko
Sa rpw na may tumuring sa akin na girl bestfriend
Peru paano kung napatibok ang puso ko sa tinatawag kong boy bestfriend sa mundong iyon?
Makakayanan ko kaya?
(A: THIS IS MY FIRST STORY EVER SO PLEASE CONSIDER MY ERRORS)
BINABASA MO ANG
THE WORLD BETWEEN US (On Going)(RPW)
Teen FictionNakilala kita sa pekeng mundo Sa pekeng mundo kung saan may patakaran na bawal magmahal Peru paano kung nahulog ang loob ko sayo? Sasaluin mo ba ako kahit andito tayo sa pekeng mundo? O hahayaan mo akong mahalin ka sa malayo?