"Nandoon na yung manliligaw mo sa mga baka, mamitas kayo ng kamatis mamaya, para may iuwi siya," utos ni kuya Christian sa akin matapos kong magbihis ng pangbahay. Kakatapos lang ng service namin sa church kaninang umaga.
Pangatlong linggo na ito ng pagtatrabaho ni Yandiel sa pinsan ng mama namin na nasa katabing bahay lang. Maganda kasi talagang mag-alaga ng hayop rito, nasa harap lang ng bahay namin sa maliit na irigasyon na pampatubig sa mga bukid na nasa likod naman ng aming bahay.
Lumabas na ako sa likod ng bahay para magpunta kay Yandiel na nagpapagatas ng baka. Enjoy na enjoy naman, tanaw na tanaw yung bundok, eh.
Sumalampak ako sa damuhan at lumilim sa isang puno ng manga kung nasaan siya. Tumawa ako nang mahina habang nanonood.
"Ano na naman?" Pabirong sinimangutan ako ni Yandiel at tumigil sa pagpapagatas ng baka. Natatawa ako sa pagmumukha niya. Ang bully ko naman, nagtatrabaho nang marangal yung tao, eh.
"Alam ba ng mama na dito ka nagtatrabaho tuwing sabado at linggo? Na nakakarating ka pa rito sa Urias?"
"Alam ni mama," sagot niya at tumingin sa akin na nakatanghod lang at nanonood. "Sabi ko, kasama naman kita."
Hindi agad ako nakasagot at nag-isip pa. Bandang huli ay ngumisi na lang ako. Sobrang lapit talaga rito ng bundok, kaya siguro gusto niya rin dito. Hindi ko alam kung magkano ang kinikita niya rito, nagpapastol pa siya ng mga daan-daang ducks tuwing alas tees na hindi na mainit ang araw.
Masipag at matiyaga siya, 'yon ang nakita ko. Nagustuhan rin siya ni tito ko na pinagtatrabahuhan niya, wala raw kasi siyang iniiwan na trabaho.
"Yandiel."
"Hmm?" He smiled and looked at me.
"Punta tayo sa bukid namin ng kamatis mamaya, doon oh," sabi ko at tinuro ang bukid na medyo nasa dulo, sobrang lapit na talaga ng bundok kapag nakatayo na ako doon. Sa totoo ay medyo nakakalbo na rin talaga ang mga bundok, may mga parte na wala na halos puno.
Nagpunta kami sa bukid namin ng mga kamatis. Hinahangin nang todo ang aking mahabang buhok at wala na ang init ng araw. Because of him, I began appreciating the mountains just half a kilometer from our house.
"Ang ganda, 'no?" sabi ko. Nagtagpo ang mga mata namin si Yandiel. I could tell by his smile, the huge mountains in front of us are just too beautiful.
Buhat niya ang isang maliit na timba. "Gaano ba karami yung kukunin? Ibebenta niyo na ba?"
I frowned, he doesn't know that what he's harvesting is all for him.
"Oo, basta mapuno yung timba. Maganda 'yan sa puso, sabi mo para kang laging inaatake," lintanya ko at muling sumalampak sa pilapil at pinanood lang siya.
"Hugot 'yon." He laughed, tumingin siya nang makahulugan sa akin. Ay wow, gumaganon na pala si manong.
Ang alam ko ay nagpunta sila Aiden at Ravi kila Donielle matapos ang service, hindi kasi siya naka-attend at may sakit. Hindi ko alam kung bati na ba sila, si Yandiel ay katulad pa rin naman ng dati kay Don, nagbabangayan pa rin sila tuwing magkasama.
Nabahala lang ako, malamig kasi ang papakitungo niya kila Aiden at Ravi, eh iyon ang una niyang naging mga kaibigan. Kaaway niya nga si Yandiel, kahit noong hindi ko pa siya kilala.
Pinagmasdan ko lang si Yandiel. His lips were tightly closed, he kept looking at me from time to time as he pick. Maaliwalas ang kanyang mukha, magaan sa pakiramdam ang emosyon niya.
Ang galing ni Lord, noong unang nakilala ko kasi siya, hindi siya ngumingiti nang sincere na talagang masaya. I feel too proud for bringing this person to God. Ano pa kaya Siya?
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritualité2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...